PRITONG MANOK - ala MAX
Maraming klase ng fried chicken. Marahil ang pagkaing ito ang isa sa pinaka-popular sa ating mga Pilipino lalo sa mga bata.
Wala atang okasyon mapa-fiesta, birthday, kasalan o ano pa man na handaan na mawawala ang fried chicken o pritong manok sa hapag kainan. Maging sa pang-araw-araw na pagkain natin, hindi pa rin natin pinagsasawaan ang masarap na pritong manok.
Dito sa atin sa Pilipinas, ang Max fried chicken marahil ang pinaka-sikat na luto ng pritong manok maliban pa sa Chicken Joy ng Jollibee…..hehehehe. Ang mainam sa Max, hindi itinatago ang manok sa harina o breadings para mapasarap ito at mapalutong ang balat.

Until now, sikreto pa rin ang recipe ng Max Fried Chicken. Ang dami ko nang napuntahang food blog pero wala pa ring makapagsabi ng original recipe nito. Kaya ito recipe natin for today ay hindi recipe ng Max kundi gaya lamang kung papano ito niluto at kung papaano mapapalutong ang balat ng manok.
Try nyo ito. Sabi ng asawa ko parang Max din daw ang lasa nung matikman niya.
PRITONG MANOK – Ala Max
Mga Sangkap:
6 pcs. Chicken legs (about 250 grams per piece)
3 tangkay na Tanglad o Lemon grass
1 head whole garlic
1 head large onion quartered
1 tsp. whole pepper corn
1 pc. Chicken cubes
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang manok. Kiskisang mabuti ang balat ito ng asin at paminta.
2. Sa isang kaserola, ilagay ang tanglad, bawang, sibuyas, pamintang buo, at Chicken cubes. Lagyan ng tubig na tama lang para malubog ang lahat ng hita ng manok.
3. Ilagay ang manok at hayaang kumulo sa loob ng mga 20 minuto o hanggang sa maluto ang manok.
4. Hanguin ang pinakuluang manok at palamigin. Maaring ilagay sa freezer ng mga ilang sandali.
5. Sa isang kawali o kaserola, magpakulo ng mantika. Dapat lubog dito ang manok na pipirituhin.
6. I-prito ang isa o dalawang piraso ng manok hanggang sa pumula ang balat nito. Gawin ito sa lahat ng piraso ng manok.
7. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
8. Kung malamig na, i-pritong muli ang mga na-prito nang manok. Sa pamamagitan nito mas lalong mapapalutong nito ang balat ng manok.
8. Hanguin sa lalagyang may paper towel para maalis ang ekstrang mantika.
Ihain kasama ang inyong paboritong banana o tomato catsup.
Namnamin ang sarap ng pritong manok na pinoy na pinoy talaga ang dating.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks my friend...
Dennis