YAKINIKU BEEF & BEAN SPROUT in OYSTER SAUCE
Isa na namang lutuin gamit ang yakiniku beef. Hindi ko alam kung anong part ng baka ang karneng ito. Pero para siyang bacon na may layer ng laman at fats. Masarap siyang i-pan-grill kasi lumalabas yung fats niya na nagdadagdag ng flavor sa lutuin. Isa pa, mura lang ito na nabibili sa supermarket. It's only P200 pesos per kilo compare sa regular price ng baka.
This time, niluto ko naman siya using my favorite sauce. Ang Oyster sauce. Niluto ko siya na parang mongolian barbeque. Pero yun nga dinagdagan ko ng sauce. Mahilig kasi ang mga bata sa sauce na inilalagay nila sa kanin nila. hehehehe.
Madali lang itong lutuin...try nyo.
YAKINIKU BEEF & BEAN SPROUT in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Yakiniku Beef or Thinly sliced beef
250 grams Bean Sprout or Toge
1 carrot cut like a matchsticks
1 thumb size ginger thinly sliced
5 cloves minced garlic
1 large red onion chopped
1/2 cup chopped Onion leaves
2 tbsp. oyster sauce
1/2 cup soy sauce
1/2 cup brown sugar
4 tbsp. sesame oil
2 tbsp. olive oil
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, lutuin ang toge o bean sprout sa kaunting olive oil. Timplahan ng kaunting asin at paminta. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, ilagay ang natitira pang olive oil. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
3. Ilagay ang karne ng baka at halu-haluin hanggang sa mawala ang pagkapula ng karne.
4. Ilagay ang toyo at oyster sauce. lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
5. Kung malapit ng maluto, ilagay ang carrots at chopped onuion leaves. Ilagay na din ang brown sugar.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Lagyan ng sesame oil bago hanguin sa isang lalagyan.
Ihain kasama ang nilutong bean sprout.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks
Dennis
http://www.facebook.com/notes/lasang-pinoy-atbp-ni-kusinerong-gill/yakiniku-beef-bean-sprout-in-oyster-sauce/387923598500
Thanks for your support