YAKINIKU BEEF & BEAN SPROUT in OYSTER SAUCE



Isa na namang lutuin gamit ang yakiniku beef. Hindi ko alam kung anong part ng baka ang karneng ito. Pero para siyang bacon na may layer ng laman at fats. Masarap siyang i-pan-grill kasi lumalabas yung fats niya na nagdadagdag ng flavor sa lutuin. Isa pa, mura lang ito na nabibili sa supermarket. It's only P200 pesos per kilo compare sa regular price ng baka.


This time, niluto ko naman siya using my favorite sauce. Ang Oyster sauce. Niluto ko siya na parang mongolian barbeque. Pero yun nga dinagdagan ko ng sauce. Mahilig kasi ang mga bata sa sauce na inilalagay nila sa kanin nila. hehehehe.

Madali lang itong lutuin...try nyo.



YAKINIKU BEEF & BEAN SPROUT in OYSTER SAUCE



Mga Sangkap:

1 kilo Yakiniku Beef or Thinly sliced beef

250 grams Bean Sprout or Toge

1 carrot cut like a matchsticks

1 thumb size ginger thinly sliced

5 cloves minced garlic

1 large red onion chopped

1/2 cup chopped Onion leaves

2 tbsp. oyster sauce

1/2 cup soy sauce

1/2 cup brown sugar

4 tbsp. sesame oil

2 tbsp. olive oil

salt and pepper to taste



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick pan, lutuin ang toge o bean sprout sa kaunting olive oil. Timplahan ng kaunting asin at paminta. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Sa parehong kawali, ilagay ang natitira pang olive oil. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.

3. Ilagay ang karne ng baka at halu-haluin hanggang sa mawala ang pagkapula ng karne.

4. Ilagay ang toyo at oyster sauce. lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.

5. Kung malapit ng maluto, ilagay ang carrots at chopped onuion leaves. Ilagay na din ang brown sugar.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Lagyan ng sesame oil bago hanguin sa isang lalagyan.



Ihain kasama ang nilutong bean sprout.



Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
noong unang tingin ko sa piktyur,dennis,hinanap ko talaga nasaan ?ang bean sprout..hahaha...sa presentation pala..wow naman.pang 5 star na reastaurant 'tong mga luto mo..keep it up..
Dennis said…
Hindi ko hinalo yung bean sprout sa beef....maraming water content ito at baka madaling mapanis ang beef. Ginawa ko na lang siayng side dish.

Thanks


Dennis
Unknown said…
someone copied your Yakiniku blog post:

http://www.facebook.com/notes/lasang-pinoy-atbp-ni-kusinerong-gill/yakiniku-beef-bean-sprout-in-oyster-sauce/387923598500
Dennis said…
Thanks Dotilie....nakakalungkot nga na mag mga tao palang ganun.

Thanks for your support

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW