GINATAANG HIPON


Tuwing umuuwi kami ng Batangas sa bayan ng aking asawang si Jolly, dumadaan kami sa palengke ng San Jose para mamimili ng madadala naming pagkain. Isa sa mga pagkain na binibili namin ay yung ginataang hibe. Maliliit na hipon ito na niluto sa purong kakang gata. Kahit maliliit ang hipon, gustong-gusto ito ng aking asawa. Malasa kasi ito at masarap naman talaga.

Yun ang naisip ko nung pinlano ko na lutuin ang entry natin for today. Pero sa halip na maliliit na hipon ang ginamit ko, malalaki ng kaunti naman yung sa akin. At masarap naman ang kinalabasan. Enjoy and enjoy ang asawa ko at mga anak habang kinakain nila ito. Try it!


GINATAANG HIPON

Mga Sangkap:
1 kilo Hipon or Sugpo (Alisin yung mga sungot at balbas)

1/4 kilo Purong Gata ng Niyog (Sa Farmers market kinikilo ang gata....hehehe)

3 pcs. Siling pangsigang

1 thumb size ginger (grated)

4 cloves minced garlic

1 large onion chopped

2 tbsp. cooking oil

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin

2. Ilagay ang gata ng niyog at siling pangsigang. Hayaan ng mga 3 minuto hanggang sa kumulo.

3. Ilagay na ang sugpo. Timplahan ng asin at paminta.

4. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang hipon o sugpo.

5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
dennis,i put talong esp yong young ones?in my ginataang shrimps ..super sarap..try mo
Correct!!! yun ang tinatawag na extender...para dumami pa yung dish. pwede...pwede...

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE