HAPPY MOTHERS DAY sa LAHAT ng mga INA


Happy Mothers Day sa lahat ng mga Ina lalong lalo na sa aking asawang si Jolly at sa aking Inang Lina na namayapa na.

Sa araw na ito, sinasaluduhan ko sila sa kanilang pagmamahal at sakripsiyo sa ating mga anak nila. Walang katulad ang pagmamahal na iniukol nila sa atin. Handa silang ibigay ang kanilang buhay para tayo lamang ay mabuhay.

Sa aking asawang si Jolly, salamat sa 3 batang lalaki na ibinigay mo sa akin. Alam ko na ginagawa mo ang lahat para sa kanila. I love you at sana ay pagkalooban ka ng Diyos ng lakas pa ng katawan at kalusugan para maitaguyod ang ating mga anak.

Sa aking Inang Lina, alam ko hindi mo pa rin ako iniiwan. Nararamdaman kita lalo na sa oras ng aking kalungkutan. Sanay ipanalangin mo kami sa Diyos na kamiy laging gabayan sa araw-araw. Salamat sa iyong pagmamahal. Ang pagmamahal mong yan ang gagawin ko rin sa aking mga anak.

Sa dalawang ina sa aking buhay, mahal na mahal ko kayo.
HAPPY MOTHERS DAY!!!!

Comments

tatess said…
Happy mothers day sa wifey mo at sa inyong mga nanay.
Thanks tatess...same to you...

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE