PANCIT LUGLOG (Pancit Palabok)



May nagtanong sa akin kung ano daw ang pagkakaiba ng pancit luglog sa pancit palabok. Sa pagka-alam ko, halos wala itong pinagiba lalo na sa mga sangkap na gagamitin. Ang pagkakaiba lang ay yung noodles na gagamitin at sa pag-a-assemble nito.

Ang pancit palabok ay gumagamit ng bihon o yung maliliit na rice noodles, samantalang ang pancit luglog ay yung matataba ang noodles.

Sa pag-a-assemble naman, ang pancit palabok ay inilalagay ang sauce at iba pang toppings sa ibabaw ng noodles kaya marahil ito tinawag na palabok. Samantalang ang pancit luglog naman ay hinahalo na ang sauce sa noodles at saka lalagyan ng toppings.

Ito nga pala yung niluto ko nung birthday ng Inay Elo ko sa Batangas. Nakakatuwa naman at nagustuhan niya.


PANCIT LUGLOG (Pancit Palabok)

Mga Sangkap:
1 kilo Bihon (yung malalaki ang noodles)
½ kilo Ground Pork
½ kilo Frozen shrimp
½ kilo Frozen squid
2 cups Hinimay na tinapa (i-toast sa kawaling may kaunting mantika)
3 pcs. Tokwa
1 pack Pork Chicharon (durugin)
5 pcs. Hard boiled Eggs
Achuete seeds (Ibabad na tubig)
½ cup patis
½ cup Chopped Kinchay
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 head Minced Garlic
2 large Onion chopped
2 tbsp cooking oil
½ cup Flour or Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang bihon sa tubig hanggang sa lumambot ito.
2. Magpakulo ng tubig sa isang kaserol.
3. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang pinalambot na bihon. Hayaang maluto. Huwag i-overcooked. I-drain at ilagay sa serving lalagyan na paghahaluan ng sauce.
4. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sunod na igisa ang sibuyas. Halu-haluin.
6. Ilagay na din ang posit at hipon.
7. Timplahan ng asin, paminta at Maggie magic sarap. Halu-haluin
8. Hanguin ang ½ ng nilutong hipon at posit para maging toppings.
9. Isunod na din ang giniling na baboy at ang dinurog na tokwa.
10. Lagyan ng katas ng achuete para pang kulay.
11. Lagyan din ng 2 tasang tubig at hayaang maluto ang giniling na baboy.
12. Ilagay na din ang kalhati ng tinustang tinapa at mga 1 tasang dinurog na chicharong baboy.
13. Ilagay na din ang tinunaw na harina o cornstarch para lumapot ang sauce.
14. Timplahan ng patis o asin at paminta pa kung kinakailangan.
15. Ibuhos ang nilutong sauce sa nilutong bihon.
16. Haluing mabuti at isalin sa serving dish.
17. Ilagay sa ibabaw ang nilutong hipon, pusit, toasted garlic, dinurong na chicharon, toasted tinapa, chopped kinchay at hiniwang nilagang itlog.

Ihain na may kasamang calamansi.

Enjoy!!!!

Note: Masarap din kung lalagyan o hahaluan ng mantikang baboy. Magiging mas malinamnam ang inyong pancit.

Comments

chubskulit said…
Ang sarap naman nyan Kuya Dennis!

Spice Up Your Life
Cecile said…
i don't remember trying pansit luglog before...pareho ba ng lasa ng pansit palabok? that looks yummy!
FoodTripFriday said…
May isa pa silang pangalan sir Dennis, yung Pancit Malabon, halos pare-pareho lang sila talaga,depende lang siguro sa gustong isahog ng taga luto.
Btw,thanks for sa paglagay ng badge ng FTf sa sidebar nyo. :)
@ Chubskulit...... Masarap talaga...kaya nga yan ang ni-request ng matanda....hehehehe.

@ Cecile....pareho ang lasa as long as pareho ng sangkap na gagamitin. Don't forget the calmansi....hehehehe

@ FoodtripFriday ..... yun nga ang nakalimutan ko....hehehehe.


Dennis
Newlyweds said…
waaahh..gusto ko nyan! penge po...miss ko na yan, sarap talaga pag may tinapa

http://newlywedscravings.blogspot.com/
tatess said…
since mahirap dito sa Qatar ang tinapa at kung meron man ay masyadong malansa at matinik .i use canned tuna flakes in water at sinasangag ko rin sa mainit na kawali w/o oil.
@ Newlyweds..... Ang tinapa at chicharong baboy ang sa tingin ko ang nagpapasarap sa palabok....hehehehe
@ tatess..... Pero iba pa din kasi ang tinapa...nandun yung smokey taste....hehehe
wenn said…
wow..yummy!
iska said…
isang tingin pa lang... masarap na :-)
isang beses lang ako gumawa (pancit malabon) di ko na inulit. medyo madami kasing sahog at matagal din gawin. pero masarap naman talaga :-)
charmie said…
Sarap! Tagal ko na hanap recipe na ito.. thanks for the post Kuya Dennis! yong sauce ng luglug hehehe!
mischa said…
ask ko lang po, ano po pede ipalit sa tinapa? pede bang wlang tinapa? hirap kse bumili ng tinapa ng singapore. thanks!
Sarapppp! Isa 'to sa weakness ko. Gosh. Gusto ko tuloy ng Pancit Malabon ngayon.

- blankPixels of CertifiedFoodies.com -

Our Food Trip Friday entry (1st):
We Love Subway Sandwiches!
Anonymous said…
kuya pang ilang tao po ito? salamat!

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE