CANNED TUNA SPRING ROLL
Kailangan na siguro talaga na seryosong mag-budget lalo na sa pamimili ng groceries. Madalas kasi dampot ka na lang ng dampot. Mainam din siguro na i-plano na ang uulamin sa buong linggo para yun lang ang bibilhin.
Kagaya nitong entry ko for today. Siguro wala pang P100 ang magagastos dito pero may masarap na kayong ulam na tiyak kong ding magugustuhan ng inyong mga anak.
Mga Sangkap:
2 cans 184g Century Tuna Chunks in Water (i-drain ang water)
1 cup Mix Vegetables (carrots, peas, corn)
2 pcs. medium size Potato (cut into small pieces)
1 cup Kinchay or Cilantro chopped
2 pcs. Egg beaten
1 tbsp. Flour
35 pcs. Lumpia wrapper (cut in the middle)
1 medium size Onion finely chopped
3 cloves minced garlic
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang patatas sa kaunting mantika.
2. Itabi sa gilid ng kawali ang patatas at igisa ang bawang at sibuyas.
3. Ilagay na din ang mix vegetables at timplahan ng asin at paminta.
4. Hanguin sa isang bowl. Palamigin sandali.
5. Ihalo ang tuna flakes, itlog, kinchay at harina sa ginisang gulay. Magtira ng binating itlog para pandikit sa lumpia wrapper.
6. Balutin ito sa lumpia wrapper at lagyan ng binating itlog ang gilid para maisara at hindi bumuka.
7. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang mag-golden brown ang kulay.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks J
Dennis
Dennis\