CANNED TUNA SPRING ROLL


Nakakagulat ang mga presyo ng bilihin ngayon. The last time nga na nag-groceries ako, nagulat ako kasi yung food namin na good for one week ay umabot ng kulang four thousand pesos samantalang halos the same item naman ang aking mga binili. Sabagay, hindi lang naman groceries, kahit gasolina, halos araw-araw ang pagtaas. Dagdagan mo pa ng kuryente at tubig. Haaayyyy! Papaano na kaya ang life?

Kailangan na siguro talaga na seryosong mag-budget lalo na sa pamimili ng groceries. Madalas kasi dampot ka na lang ng dampot. Mainam din siguro na i-plano na ang uulamin sa buong linggo para yun lang ang bibilhin.

Mainam din siguro na mag-isip tayo ng mga ulam na hindi masyadong mahal na hindi rin naman tipid sa lasa.

Kagaya nitong entry ko for today. Siguro wala pang P100 ang magagastos dito pero may masarap na kayong ulam na tiyak kong ding magugustuhan ng inyong mga anak.


CANNED TUNA SPRING ROLL

Mga Sangkap:

2 cans 184g Century Tuna Chunks in Water (i-drain ang water)

1 cup Mix Vegetables (carrots, peas, corn)

2 pcs. medium size Potato (cut into small pieces)

1 cup Kinchay or Cilantro chopped

2 pcs. Egg beaten

1 tbsp. Flour

35 pcs. Lumpia wrapper (cut in the middle)

1 medium size Onion finely chopped

3 cloves minced garlic

Salt and Pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang patatas sa kaunting mantika.

2. Itabi sa gilid ng kawali ang patatas at igisa ang bawang at sibuyas.

3. Ilagay na din ang mix vegetables at timplahan ng asin at paminta.

4. Hanguin sa isang bowl. Palamigin sandali.

5. Ihalo ang tuna flakes, itlog, kinchay at harina sa ginisang gulay. Magtira ng binating itlog para pandikit sa lumpia wrapper.

6. Balutin ito sa lumpia wrapper at lagyan ng binating itlog ang gilid para maisara at hindi bumuka.

7. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang mag-golden brown ang kulay.

Ihain kasama ng paborito ninyong sweet chili sauce o catsup.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Wow kuya! Napaka-creative ng dish na ito. At mura pa diba?
Dennis said…
Tama ka J...Murang-mura lang ang magagastos mo sa dish na ito. At yummy talaga with the sweet chili sauce. :)

Thanks J


Dennis
susan said…
what a great idea, dennis! pwede rin kaya gawing lumpia yung hinimay na tirang pritong galunggong? pwede siguro, ano?
Dennis said…
Yup...pwedeng-pwede Susan. Yan talaga ang original na recipe. Yun lang matrabaho kung maghihimay ka pa. Hehehehe


Dennis\
thank u po sa recipe... at least i can cook something para sa Muslim fiance ng bayaw ko... hahaha... easy to find din un ingredients dto sa Switzerland...good day and thanks po

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy