NILAGANG BABY BACK RIBS


Paborito sa bahay ang mga ulam na may sabaw. Isa na dito ang nilagang baboy o kaya naman ay baka.

Kagaya ng nai-kwento ko na, sa amin sa Bulacan, pangkaraniwan na nilagang baboy o baka ang ulam kapag araw ng Linggo. Espesyal na araw kasi ito para sa amin at sa aming pamilya.

Ito dapat ang dinner namin nitong nakaraang Linggo. Kaso late na nagising sa hapon ang aking mga anak at naging alanganin na ang aming afternoon snacks. Yun palang natirang penne pasta dish na breakfast namin ang kinain at saka nachos na may salsa at cheese dip. Mga mag-6pm na nun kaya naisipan namin na yun na lang ang dinner namin that night. Nag fruit shake nalang kami para pang-dagdag sa aming kinain na late snacks.

At ito nga ang naging dinner namin nitong nakaraang Monday. Naging espesyal ang nilagang ito dahil baby back ribs ang aking ginamit at chinese pechay, carrots, potatoes at leeks naman ang ginamit kong gulay. Naiba as compare sa panbgkaraniwan na gulay ng nilaga na repolyo at pechay tagalog.

Masarap, malasa ang sabaw at ayos na ayos lalo na sa may ubo na kagaya ko. hehehehe


NILAGANG BABY BACK RIBS

Mga Sangkap:

1.5 kilos Baby back ribs

2 tali Bok Choy o Chinese Pechay

2 tangkay na leeks

1 carrot cut into cubes

1 large Potato quartered

1 large Onion sliced

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola palambutin ang baby back ribs sa tubig na may asin at ginayat na sibuyas. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

2. Unang ilagay ang patatas at carrots. Hayaang maluto.

3. Huling ilagay ang Bok choy at leeks.

4. Timplahan ng paminta. tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

J said…
Yes naman! Paborito ko rin ang nilagang butu-buto. Sarap humigop ng sabaw!
Dennis said…
Tama ka J pag buto-buto ang ilalaga mo super yummy talaga ng sabaw. Kaya lang nanghihinayang din ako kasi walang masyadong laman. Ito baby back ribs na ito yung malambot na buto lang ang meron...at yung layer ng manipis na taba ang nagpalasa talaga dun sa sabaw. Yummy talaga ito J.. . :)
Maisie said…
wow mukha masarap!!! miss q n nilaga shka sinigang...
Dennis said…
Masarap talaga maisie lalo na yung sabaw. Bok choy kasi ang ginamit ko dito sa halip na pechay tagalog. Yung pechay tagalog kasi medyo may pait ng konti pag sinama mo sa nilaga.

Thanks ha...

Dennis
Maisie said…
bok choy din ginagamit q d2 kpg nag la2ga aq wla kc pechay here. im so happy nakita q ung blog m kuya nung nre2search aq. browse q mga recipes m
im dying to try ung pork curry maybe this weekend i'll let u know kng ano resulta hehehe.
Dennis said…
Thanks again Maisie.....email mo ako sa result ha.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy