PORK MENUDO OVERLOAD


Isa sa mga putahe na madalas nating nakikita sa mga handaan sa Bulacan ay itong Pork Menudo. Kahit sa mga karinderya dito sa kamaynilaan, ito ang pangkaraniwan nating nakikita.

Masarap kasi talaga ito. Yung iba gusto yung ma-sauce. Yung sa amin sa Bulacan naman ay medyo dry ng konti. Pag marami kasing sauce ito madali itong napapanis at hindi okay ito sa mga handaan.

Gustong-gusto ko ang dish na ito. Kaya naman nitong isang araw ay nagluto ako nito para sa aming dinner at para baon na din ng mga bata sa school.

Ginawa ko itong extra special komo nga hindi naman kami madalas na nakaka-kain nito. Tinawag ko itong Pork menudo oveload kasi nga dinagdagan ko pa ito ng hotdog, ham, green peas at cheese cubes.

Masarap ito. At napuri na naman ang luto kong ito ng mga ka-opisina ng aking asawang si Jolly. Hehehehe.


PORK MENUDO OVERLOAD


Mga Sangkap:

1 kilo Pork kasim cut into cubes

1/2 kilo Pork Liver cut into small cubes

1 large Carrot cut into cubes

2 large Potato cut into cubes

1 large Green/Red Bell Pepper cut also into cubes

1 cup Cheese cut into small cubes

200 grams Ham cut laso into cubes

200 grams Hotdogs cut into 1/2 inch long

2 cups Tomato Sauce

1 cup Vinegar

1 cup Soy Sauce

2 large Tomatoes sliced

5 cloves minced Garlic

1 large Onion chopped

1/2 tbsp. Canola Oil

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, suka at toyo. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.

2. Sa isang kawali, i-prito ang patatas hanggang sa maluto at pumula ng konti ang gilid nito. I-prito din dito ang hotdog. Ilagay muna sa isnag lalagyan.

3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.

4. Ilagay ang minarinade na karne ng baboy kasama ang marinade mix. Takpan at hayaang maluto ang karne.

5. Kung malapit nang maluto ang karne ilagay na ang carrots at tomato sauce. Hayaan ng mga 3 minuto.

6. Sunod na ilagay ang atay ng baboy, red/green bell pepper at green peas. Hayaan ng mga 3 minuto.

7. Tikman at i-adjust ang lasa.

8. Huling ilagay ang nilutong patatas, hotdog at cheese. Haluin at patayin ang apoy ng kalan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Pen said…
Hi Dennis!

Salamat sa pagpost nito. matagal na akong humahanap ng pork menudo recipe.

I try to cook this for my loved one.
Dennis said…
Thanks Pen for visiting....Simple lang ang recipe nito di ba? Email mo ako kung ano kinalabasan ng luto mo. :)
Unknown said…
what brand ng tomato sauce ginagamit nyo po?
Dennis said…
Thanks Almira...Del Monte or Hunts is okay.
ervin said…
susubukan q to sir... tnx.. post kpa mdmi recipe hehe...
Dennis said…
Thanks Ervin......Marami pa sa archive.....please check at kung may questions ka....just write your questions in every recipe that you have questions.

Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy