SINAMPALUKANG MANOK na may MISO
But what if nilagyan mo pa ng miso? Gusto ko din ang sinigang sa miso, pero hindi ko pa na-try na sa manok ito lutuin.
Kaya nitong nakaraang Linggo, sinubukang kong mag-luto ng sinampalukang manok na may miso at hindi nga ako nagkamali. Masarap at malasa ang sabaw at talaga namang nakakaginhawa sa lalamunan ng isang may taong may sipon at ubo. Tamang-tama kasi yung asim at anghang ng mga sangkap.
Try nyo ito. Sinampalukang manok with a twist.
SINAMPALUKANG MANOK na may MISO
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken cut into serving pieces
1 sachet Sinigang mix
1/2 cup Miso
1 taling Dahon ng Mustasa
1 taling Sitaw
2 pcs. Kamatis
1 large Sibuyas hiwain
4 cloves Bawang (dikdikin)
2 thumb size Ginger sliced
Saolt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, kamatis at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang manok, haluin at timplahan ng asin at paminta. Hayaang masangkutsa ng mga 2 minuto.
3. Lagyan na ng tubig sa nais na dami ng sabaw. Hayaang kumulo
4. Ilagay ang miso at sinigang mix.
5. Ilagay na din ang sitaw at hayaang maluto.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang mustasa. Hayaan lang ng ilang sandali at patayin na ang apoy ng kalan.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments
Here's my FTF entry, enjoy the rest of the week fellow foodtripper.
Thanks
Thanks for visiting...
Dennis