SINAMPALUKANG MANOK na may MISO

Isa sa mga paborito kong luto sa manok ay itong sinampalukan. Natatandaan ko nung bata pa kami, ito ang madalas na lutuin ng aking Inang Lina lalo na kung tag-ulan at uso ang usbong ng sampalok. Gustong-gusto ko ng sabaw nito dahil dun sa asim ng sampalok at dun sa kaunting anghang ng luya.

But what if nilagyan mo pa ng miso? Gusto ko din ang sinigang sa miso, pero hindi ko pa na-try na sa manok ito lutuin.

Kaya nitong nakaraang Linggo, sinubukang kong mag-luto ng sinampalukang manok na may miso at hindi nga ako nagkamali. Masarap at malasa ang sabaw at talaga namang nakakaginhawa sa lalamunan ng isang may taong may sipon at ubo. Tamang-tama kasi yung asim at anghang ng mga sangkap.

Try nyo ito. Sinampalukang manok with a twist.


SINAMPALUKANG MANOK na may MISO

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken cut into serving pieces

1 sachet Sinigang mix

1/2 cup Miso

1 taling Dahon ng Mustasa

1 taling Sitaw

2 pcs. Kamatis

1 large Sibuyas hiwain

4 cloves Bawang (dikdikin)

2 thumb size Ginger sliced

Saolt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, kamatis at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.

2. Ilagay ang manok, haluin at timplahan ng asin at paminta. Hayaang masangkutsa ng mga 2 minuto.

3. Lagyan na ng tubig sa nais na dami ng sabaw. Hayaang kumulo

4. Ilagay ang miso at sinigang mix.

5. Ilagay na din ang sitaw at hayaang maluto.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Huling ilagay ang mustasa. Hayaan lang ng ilang sandali at patayin na ang apoy ng kalan.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
ok po dito pag ginamitan ng bulaklak ng sampalok. wala nga lang ako nakikitang available sa supermarkets.. sa palengke lang.
darly said…
hmmm i usually here sinampalukang manok and then sinigang sa miso. didn't know you can also use miso in sinampalukan. thanks for the share, will try this out

Here's my FTF entry, enjoy the rest of the week fellow foodtripper.
Dennis said…
@ Vanessa....Yup..yun yung ginagamit talaga sa sinampalukang manok. Ofcourse kasama yung murang dahon. Sa palengke lang nga meron nito.

Thanks
Dennis said…
@ Darly....Tama ka. It's a 2 separate dish na pinag-isa. Ang result? isang masarap na ulam na may sabaw.

Thanks for visiting...


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy