SLICED BEEF SALPICAO


First time ko pa lang magluto ang dish na ito. Sa pangalan pa lang kasi, akala mo isang komplikado recipe ito. Pero ang totoo, ang dali lang nitong lutuin at simple lang din ang mga sangkap na kailangan.
Sa original recipe beef tenderloin o yung malambot na parte ng baka ang ginagamit. Marahil ay komo stir fry lang ang pagluto nito.

Komo may kamahalan ang beef terderloin, beef brisket lang ang ginamit dito at binago ko din ng kaunti ang paraan ng pagluluto. Pero huwag ka masarap ang kinalabasan ng dish kong ito. Yummy talaga as in mapaparami ang kanin mo dito. hehehehe.



SLICED BEEF SALPICAO

Mga Sangkap:

1 kilo Beef thinly sliced

1/2 cup Worcestershire Sauce

6 tbsp. Liquid Seasoning

1/2 cup Soy Sauce

2 heads Minced Garlic

1 cup Sliced Mushroom

1/2 cup Butter

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang karne ng baka sa 1/4 cup na worcestershire sauce, 3 tbsp. na liquid seasoning, 1 head na minced garlic at sa asin at paminta. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.

2. Palambutin ang minarinade na karne (kasama ang marinade mix) sa isang kaserola hanggang sa lumambot. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.

3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang natitirang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.

4. Isalin ang pinalambot na karne sa kawali. Ilagay din ang mga 1/2 cup na sabaw ng pinaglagaan. Hayaang kumulo.

5. Lagyan ng 1/2 cup pa ng worcestershire sauce at 3 tbsp. ng liquid seasoning. I-stir fry.

6. Ilagay na ang sliced mushroom.

7. Tikman at -i-adjust ang lasa.

8. Ilagay ang natitirang butter bago hanguin sa isang lalagyan.

9. Ibudbod sa ibabaw ng nilutong karne ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya... bawang pa lang, naglalaway na ako heheh.
Dennis said…
Hehehehe...tama ka J....yummy ang beef na ito. Parang pang hotel ang lasa pero hindi kasing mahal....hehehehe
aling reming said…
Wow sarap naman sige try ko nga ito...thanks for posting ng recipe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy