TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)
Ewan ko ba, parang naglalaway ako sa lechong kawali nito mga nakaraang araw. Marahil ay dahil sa diet ko na bawal ang mga mamantikang pagkain at talaga namang na-miss ko ng mga ilang buwan na din.
Nitong nakaraan kong check, nakakatuwa naman at puro magaganda ang resulta ng aking mga laboratory test. kahit ang aking blood sugar at cholesterol level ay pawang magaganda ang resulta.
Kaya naman nitong nakaraang Linggo ay naisipan kong magluto ng crispy pata na niluto sa turbo broiler. Mas mainam itong gamitin kesa sa ipi-prito pa. Iwas tilamsik ng mantika na ayaw na ayaw ko pag nagluluto ng lechong kawali.
May ilan na din akong posting about this recipe. Pero hayaan nyong i-share pa din sa inyo ito para ma-enjoy din kahit ng inyong mga mata. hehehehe
TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)
Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork leg o pata (yung malaman na part)
1/2 cup Rock Salt
1 large onion sliced
1 tsp. Whole Pepper corn
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang pata ng baboy sa isang kaserolang may tubig, asin, paminta at sibuyas. Dapat nakalubog ang pata. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.
2. Palamigin sandali. Tusuk-tusukin ng tinidor ang paligid na balat ng pata. Sa pamamagitan nito mas maganda ang pag-pop ng balat ng inyong lechong kawali na para na ding luto sa mantika.
3. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 300 degrees sa loob ng 1 at 1/2 oras o hanggang sa pumula at lumutong na ang balat ng pata.
Ihain kasama ang sawsawang suka na may toyo, calamansi, kamatis, sibuyas, asin at kaunting asukal.
Enjoy!!!!
Comments
I hope i-share mo din ito among your friends and relatives.
Thanks
Dennis
Thanks again
Dennis
Thanks for your support
Dennis