TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)


Ewan ko ba, parang naglalaway ako sa lechong kawali nito mga nakaraang araw. Marahil ay dahil sa diet ko na bawal ang mga mamantikang pagkain at talaga namang na-miss ko ng mga ilang buwan na din.

Nitong nakaraan kong check, nakakatuwa naman at puro magaganda ang resulta ng aking mga laboratory test. kahit ang aking blood sugar at cholesterol level ay pawang magaganda ang resulta.

Kaya naman nitong nakaraang Linggo ay naisipan kong magluto ng crispy pata na niluto sa turbo broiler. Mas mainam itong gamitin kesa sa ipi-prito pa. Iwas tilamsik ng mantika na ayaw na ayaw ko pag nagluluto ng lechong kawali.

May ilan na din akong posting about this recipe. Pero hayaan nyong i-share pa din sa inyo ito para ma-enjoy din kahit ng inyong mga mata. hehehehe



TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)

Mga Sangkap:

1.5 kilo Pork leg o pata (yung malaman na part)

1/2 cup Rock Salt

1 large onion sliced

1 tsp. Whole Pepper corn


Paraan ng pagluluto:

1. Pakuluan ang pata ng baboy sa isang kaserolang may tubig, asin, paminta at sibuyas. Dapat nakalubog ang pata. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

2. Palamigin sandali. Tusuk-tusukin ng tinidor ang paligid na balat ng pata. Sa pamamagitan nito mas maganda ang pag-pop ng balat ng inyong lechong kawali na para na ding luto sa mantika.

3. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 300 degrees sa loob ng 1 at 1/2 oras o hanggang sa pumula at lumutong na ang balat ng pata.

Ihain kasama ang sawsawang suka na may toyo, calamansi, kamatis, sibuyas, asin at kaunting asukal.

Enjoy!!!!

Comments

punkrocktatay said…
Naghahanap ako ng mga recipe dahil summer na at natisod ko itong blog mo. Sobrang nakakatuwa at dama sa puso, hindi dahil may mga ma kolesterol na mga putahe kundi dahil sa simple at sincere. Excited to read more of your blog entries.
Dennis said…
Thanks Alysius.....kung may mga questions ka just email me at denniscglorioso@yahoo.com

I hope i-share mo din ito among your friends and relatives.

Thanks


Dennis
mai said…
thank u kuya sa blog mo.dahil dito hindi na ako nagkaproblema kung anu ang lulutuin ko tuwing diner.hindi po ako masyadong marunong magluto.kaya nung nagbakasyon ako dito sa australia nung june wala akong alam na lulutuin at nagsearch ako at itong site mo ang napili ko at di po ako nagkamali.new zealand po ang bf ko,nagustuhan nia lahat ng niluto ko na tiningnan ko dito sa site mo.sabi nia hindi daw po xa makapaniwala na isang pinoy ang gumawa ng ricepe.
mai said…
nakabakasyon po ako ulit dito ngaun,niluto ko po ung beef and potatoes in cheesy sause,nagustuhan po ng bf ko saka may natira at dinala ng bf ko sa office nila for lunch pinatikim nia mga kaofficemate nia tinanung daw po xa kung cnu nagluto,sagot naman nia my filipino gf and pilipino food.hindi po cla makapaniwala.ang sarap daw.
Dennis said…
Salamat Mai....Nakakataba naman ng puso ang mga comments mo. Lalo tuloy akong ginaganahan na magpatuloy pa.

Thanks again


Dennis
Unknown said…
Astig! less oil pa! Salamat sir sa recipe mo... nagustuhan ng pamilya q.
Dennis said…
Thanks Eugiene.....Yang turbo broiler kong yan ang favorite kitchen or cooking tool sa bahay. Ang dali pang gamitin...hehehe

Thanks for your support

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy