Posts

Showing posts from May, 2011

HUNGARIAN SAUSAGE & EGG SCRAMBLED

Image
Dalawa lang kami nang asawa kong si Jolly sa bahay. Di ba nasa Batangas nga ang tatlo kong anak for their summer vacation? At oo...hehehe...para kaming binata at dalaga....hahahahaha. Kaya naman ginagawa kong talagang espesyal ang kinakain naming dalawa. Kagaya nitong breakfast namin nitong isang araw. Hungarian Sausage & Egg scrambled. Medyo may kamahalan ang Hungarian Sausage. Bale itong niluto kong ito nasa kulang P200 pesos ang dalawang piraso. Gustong-gusto ko ang Hungarian Sausage. Gusto ko kasi yung pagka-spicy nito at yung ligat factor kapag nginunguya mo na. Masarap talag itong pang-ulam sa almusal at pwede ding palaman sa tinapay. Try nyo din. Yummy talaga ito. HUNGARIAN SAUSAGE & EGG SCRAMBLED Mga Sangkap: 2 pcs. Hungarian Sausage sliced 2 pcs. Egg beaten 1 large Tomato sliced 1 large White Onion sliced 3 cloves minced Garlic 1/2 cup Mayonaise 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Batihing mabuti ang itlog kasama ang mayonaise. 2. Sa isan...

TOMATO & POTATO SOUP

Image
Last Mothers Day isang dinner sa isang Italian restaurant ang treat ko sa aking asawang si Jolly. Konti lang ang in-order naming pagkain nung time na yun at nagustuhan naman naming lahat. May take-out pa nga kaming pizza na natira. Hindi ko makalimutan yung tomato soup na kasama ng parang chicken sandwich na nakalagay sa fita bread. Sabi ko sa asawa ko na gagayahin ko yun. At eto na nga, niluto ko itong soup na para may maka-terno ang roasted chicken na dinner namin nitong isang gabi. Nagustuhan ko naman at ng aking asawa ang kinalabasan ng aking pangongopya. hehehehe. Pero masasabi ko ding hindi ito pangongopya dahil wala naman recipe ako na pinagkopyahan. Binase ko lang ang mga sangkap na ginamit ko ayon sa aking nais at panglasa. Try nyo din ito. Masarap at kakaiba talaga. TOMATO & POTATO SOUP Mga Sangkap: 8 pcs. Tomatoes 1 large Potato 1/2 cup Butter 1/2 cup Cream Cheese 1 cup Milk or All purpose cream 6 cups Chicken broth 4 cloves Minced Garlic 1 medium White Onion sliced 1/2...

ROASTED then BRAISED PORK HOCK

Image
Natatandaan nyo ba yung posting ko about braised and roasted pork ribs? Kabaligtaran naman ang ginawa ko sa pork hock na nabili ko nitong isang araw. May nabasa din kasi ako na ganun ang ginawa kaya sinubukan ko din. Parang Pata Tim ang dating at lasa nito but ofcourse medyo naiba na lang dahil sa mga sangkap na pampalasa na ginamit ko. Okay naman. Nakapagbaon nito ang akibng asawa at nasarapan naman ang mga officemate niya na naka-tikim. ROASTED then BRAISED PORK HOCK Mga Sangkap: 1 pcs. Pork Hock o pata ng baboy 1 cup Hoisin Sauce 1 cup Soy Sauce 1 tbsp. Black Bean Sauce 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 cup Brown Sugar 1 head Garlic 1 tsp. Ground Black pepper 1 tsp. Cornstarch a bunch of Chinese Pechay or Bok choy (i-blanch) Salt to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang pata ng baboy (pork hock). Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Lutuin ito sa oven o sa turbo broiler sa init na 300 degrees ng mga 45 na minuto o hanggang sa pumula ang balat. 3. Isalin ang nilutong pata ...

CHICKEN WINGS BINAKOL

Image
Sa totoo lang hindi pa ako nakakatikim nitong chicken binakol. Basta ang alam ko lang sa dish na ito ay nag-origin ito sa Aklan at para lang itong tinolang manok pero sinahugan ng sabaw at laman ng buko. Well, sino ba naman ang hindi kumakain ng tinolang manok? Kung baga, ito ata ang isa sa mga all time favorite ng mga pinoy lalo na pag ganitong naguumpisa na ang tag-ulan. Masarap higupin ang sabaw nito lalo na kung bago itong luto. Kahit nga sa mga may sakit di ba? Pinapahigop nila ng sabaw ng tinola para pagpawisan at mawala ang lagnat. Try nyo ito para maiba naman sa nakagawian nating tinola. CHICKEN WINGS BINAKOL Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Wings 1 small Green Papaya (balatan at i-slice) 1 whole Coconut (yung malambot pa ang laman, hiwain sa nais na laki. Itabi din ang sabaw) Dahon ng sili 3 pcs. Siling pangsigang 1 tsp. Whole pepper corn 2 thumb size Ginger cut into strips 1 large Onion sliced 5 cloves minced Garlic 2 tbsp. Canola oil salt or patis to taste Paraan ng pagluluto: 1...

GINATAANG SUAHE

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly ang ginataang hipon. Kaya naman nitong napadaan ako ng Farmers market sa Cubao at may nakita akong sariwa at tumatalon-talon pang suahe na hipon ay hindi na ako nag dalawang isip na bumili nito kahit 1/2 kilo man lang. Luto sa gata ang agad na naisip ko nung mga oras na yun. Kaya naman dumiretso na rin ako sa bilihan ng gata na napiga na para mas madali ang pagluluto na aking gagawin. Madali lang lutuin ang dish na ito. At masarap talaga. Sabagay, kahit ano namang luto basta may gata ng niyog ay masarap. GINATAANG SUAHE Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Hipon o Suahe 5 cups Kakang Gata 1 thumb size na Luya sliced 1 pc. Sibuyas sliced 5 cloves Minced Garlic 2 pcs. Siling pangsigang (alisin ang buto at i-slice) 2 tbsp. Canola oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 2. Ilagay ang gata ng niyog. Hayaang kumulo sa loob ng mga 5 minuto. 3. Ilagay na ang suaheng hipon at timplaha...

PORK LIVER ADOBO

Image
Paborito ko ang adobo o kaya naman ay bistek na atay ng baboy. Kahit bawal ito sa akin, ay hindi ko pa rin maiiwasan na tumukim nito lalo na kung ito ang aming ulam. Masarap kasi at malasa talaga ang laman. Kaya naman nitong huli kong pamimili sa palengke ng San Jose Batangas, hindi ko napigilang bumili kahit 1/2 kilo lang nang sariwang atay ng baboy. Kita mo na sariwa talaga ito dahil sa kulay at amoy nito. Adobo kaagad ang naisip ko na gawing luto dito na ala pobre ang dating. PORK LIVER ADOBO Mga Sangkap: 500 grams Pork Liver (cut into cubes) 1/3 cup Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 1/2 tsp. Freshly ground pepper 2 tbsp. Canola oil Salt and Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa mantika hanggang mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isng lalagyan. 2. I-prito ang atay ng baboy hanggang mawala ang pagkapula nito. Halu-haluin 3. Ilagay ang suka at toyo. Timplahan na din ng konting asin, asukal at paminta. Huwag munang h...

CALAMARES with MAYO-BAGOONG DIP

Image
Ang calamares o calamari ay isa sa mga luto sa pusit na masarap na pulutan o kaya naman ay side dish o pampapagana sa ating hapag. May iba-iba ding pamamaraan sa pagluluto nito. Yung iba inilulubog ito sa pinaghalong itlog at harina. Yung iba naman basta lang babalutin ng harina at saka ipi-prito na. Ganun din sa sawsawan na gagamitin dito. Iba-iba din ang gusto depende na din siguro sa panlasa. Pangkaraniwan na ang suka na may konting bawang, asin at sili. Kahit ano pa man ang pagkakaiba ng pagluluto at sawsawang gagamitin, nagkakaisa ang lahat na masarap itong kainin. CALAMARES with MAYO-BAGOONG DIP Mga Sangkap: 1 kilo Extra large na Pusit (linising mabuti at alisin at hiwain ng pa-ring. Alisin mabuti ang mga excess na tubig) 1 Egg beaten 2 cups All Purpose Flour Salt and pepper to taste Cooking oil for frying 1 cup Mayonaise 1 tbsp. Spicy Bagoong Alamang Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang pusit. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Ilagay ang binateng itlog at haluin pa...

PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY

Image
Isa na namang masarap at simpleng dish ang hatid ko inyong lahat. Actually, inspiration ko ang isang fastfood restaurant sa Glorietta 4 sa Makati ng lutuin ko ang simple dish na ito. Ang maganda sa dish na ito, pwede mo siyang lagyan o gamitan ng ibat-ibang klase ng sauce, depende sa lasa na gusto mo. Pe-pwedeng barbeque sauce o kaya naman ay simpleng gravy. Pwede din na parang sweet and sour sauce o kaya naman simpleng lechon sauce. As expected nagustuhan ng asawa ko ang dish na ito. Try nyo din. PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY SAUCE Mga Sangkap: 3 pcs. Whole Chicken Breast Fillet cut into half 4 pcs. Calamansi 1 tbsp. Olive oil salt and pepper to taste For the Gravy: 1 pack Instant Gravy mix or you can make your own 1 small can Sliced Mushroom (reserve yung water) 2 tbsp. Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Gamit ang chicken mallet, pitpitin ang manok hanggang numipis ng kaunti. Ilatag ito sa isang pandehado o tray. 2. Timplahan ito ng asin at pamin...

FRIED SALMON and GARLIC ASPARAGUS

Image
Sa mga isda katulad ng pink salmon, mainam na iluto ito ng simple lamang. Ang ibig kong sabihin ay yung asin lamang at paminta ang ilalagay at pagkatapos ay ipi-prito o ipa-pan-grilled. Hindi kasi natatabunan ang masarap na lasa ng isda sa kung ano-ano pang herbs and spices. Ganun din sa gulay na asparagus. Stir dry or steam na nilagyan lang ng asin, paminta o bawang ay okay na. Mas lalo nating mae-enjoy ang tunay na lasa at sarap nito. Ito ang naging baon naming mag-asawa sa office nitong nakaraan araw. 2 slice lang na pink salmon ang binili ko at yun ngang garlic asparagus. Medyo may kamahalin kasi ang isdang ito. Nakakatuwa naman at talaga namang na-enjoy ko ang aking lunch at puring-puri din ito ng aking asawa. Try nyo ito. Nice combination. FRIED SALMON and GARLIC ASPARAGUS Mga Sangkap: 2 slices Pink Salmon 3 tbsp. Olive oil Salt and pepper to taste 1 head Minced Garlic 250 grams Baby Asparagus Paraan pagluluto: 1. Timplahan ang pink salmon ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 min...

MOTHERS DAY DINNER @ PIADINA

Image
First time ko pa lang mag-feature ng isang retaurant sa food blog kong ito. Uunahan ko na kayo ha, hindi ito paid advertisement ng lugar o may napala ako para lang isulat ang restaurant na ito. May mga nabasa din ako na binabayaran yung food blogger para mag-sulat ng favorable review para dun sa restaurant in exchange ng mga freebies or cash. But anyways, gusto ko lang i-share sa inyo ang naging mothers day dinner namin ng aking asawa last mothers day. Every year naman ay sine-celebrate namin ang araw na ito kahit papaano. Wala namang plan kung ano ang gagawin o kung saan kakain. Basta that day, sinundo ko siya sa clinic niya sa Makati kahit galing pa ako ng Batangas para dalawin naman ang aming mga kids. Bumili din pala ako ng flowers para sa kanya na nagustuhan naman talaga niya. After ng work niya ay nag-dinner kami. Hindi namin alam kung saan kami kakain. Medyo busog pa naman daw siya. Sinubukan naming sa La Piadina sa 2nd floor ng Glorietta kumain ng aming dinner. Italian retaura...

BRAISED and BROILED PORK RIBS

Image
Pansin nyo siguro medyo madalang ang ang recipe na pino-post ko nitong mga nakaraang araw. Kami lang kasi ng asawa kong si Jolly ang nasa bahay. 1 month na din na nagbabakasyon ang aming tatlong anak sa bahay ng aking biyenan sa San Jose, Batangas. Kaya naman pahirap sa akin ang mga ipo-post ko sa food blog kong ito. hehehehe. Madalas kasi sa labas na lang kami kumakain para wala nang hirap although medyo mahala ang magagastos. Pero nitong isang araw, naisipan kong mag-luto ng pork spareribs. May nakita kasi akong magandang cut ng pork ribs sa SM supermarket sa Makati. Dalawang beses kong niluto ang pork ribs na ito para makuha kong yung lambot ng karne. Una, pinalambot ko muna ito sa pineapple juice at mga spices at pangalawa naman ay ni-roast ko sa turbo broiler. Ang finish product? Isang masarap at malambot na pork ribs. Try nyo! BRAISED and BROILED PORK RIBS Mga Sangkap: 1+ kilo Pork Spare ribs 3 cups Pineapple Juice (Sweetened) 1 cup Sweet Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1...

A DAY @ CANYON COVE

Image
Every year nagkakaroon ng summer outing ang pinapasukan kong opisina ang Megaworld Corporation. This year, napili nila na sa Canyon Cove Beach Club sa Nasugbu Batangas gawin ang summer outing na ito. Nangyari pala ito last May 12, 2011. Maaga akong gumising ng araw na iyon. Ayon kasi sa memo na ipinamahagi, eksaktong 5:15am ay aalis ang bus na aming sasakyan. At yun nga ang nangyari, 10 minutes bago mag-5am ay nakarating na ako sa aming opisina kung saan naroroon ang bus na aming sasakyan. Mahaba ang biyahe na tinakbo ng aming sasakyan. Mga 8:30am ay narating na namin ang Canyon Cove. Exited ang lahat dahil kahit nga naman papaano ay makakapag-relax kami sa araw na yun. May welcome drinks na ibinigay pagdating namin sa gilid ng ach na nilayan ng mga tent at mesa na aming kakainan. At mga bandang 9:15am ay inihanda na sa amin ang aming morning snacks. Pancit Bihon ang ang snacks that morning. Di ko pala nasabi na may ibinigay din na breakfast sa bus na aming sinakyan. 1 pc. Chicken Mcdo...

PANCIT SOTANGHON GUISADO

Image
Kagaya ng naipangako ko, narito ang recipe ng Pancit Sotanghon Guisado na aking inihanda para sa aking Inay Elo nitong nakaraang Mothers Day. Pare-pareho lang naman halos ang mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto ng pancit. Ofcourse, mas marami sahog o sangkap, mas nagigi itong espesyal. Pero hindi palaging masarap ang pancit na maraming sahog. Minsan kasi parang halo-halo na ito at hindi mo na malasahan ang pagkakahalo ng mga sangkap. Sa version kong ito, wala itong masyadong sangkap. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap ito at nagusatuhan talaga ng mga kumain. Sa pagluluto ng pancit, importante ang sabaw na gagamitin na pampalasa dito. Ito yung nagpapasarap at nagpapalasa sa tasteless na bihon. At syempre naman, masarap ang pancit kung kakainin mo ito ng bagong luto. Talagang mapaparami ka ng kain lalo na kung may patis at calamansi na kasama. Samahan mo na din ng mainit na pandesal o toasted bread. Para makumpleto na din, samahan mo na nang malamig na Coke. hehehehe PANCIT SOTANG...

CELEBRATING MOTHERS DAY 2011

Image
Ang Mothers Day para sa akin ang isa sa mga mahahalagang araw sa buong taon. Sa araw na ito pinagdiriwang natin ang kadakilaan ng ating mga Ina. Taon-taon, hindi maaring hindi ko ito i-celebrate para sa ina ng aking mga anak na si Jolly, sa ina ng aking asawang si Inay Elo, at syempre sa namayapa kong Inang Lina. Isang simpleng meryenda ang inihanda ko para sa aking Inay Elo. Ipinagluto ko siya ng Pancit Sotanghon at ibinili ko siya ng isang maliit na cake. Hindi pala nakasama sa pag-uwi ko sa Batangas ang aking asawa dahil may work siya nung araw na yun. Abangan nyo na lang yung posting ko para sa recipe ng pancit sotanghon. Kasama din sa simpleng kainan ang kapatid ng aking asawa na si Ate Pina, ang kanyang hipag na si Ate Myla at si Rose na manugang naman ni Ate Pina. Silang lahat ay ina na din kaya pinatawag ko sila para sama-samang pagsaluhan ang munti kong inihanda para sa kanila. Bulaki din ako ng Manila after na magkainan kami ng meryenda. Syempre, kailangan din na mai-treat...

CHICKEN & BROCCOLI STIR FRY

Image
Kung nagmamadali kayo na matapos agad sa pagluluto, bukod sa prito, ang stir fry ang pwede nating ihalili. Madali lang din kasi itong lutuin basta lang naka-ready na ang mga sahog na gagamitin. Syempre, chicken breast fillet ang the best na gamitin sa lutuin ito. Madali lang kasi itong maluto at palambutin. Try nyo ito...madali lang at masarap talaga. CHICKEN & BROCCOLI STIR FRY Mga Sangkap: 300 grams Chicken Breast fillet (cut into strips) 250 grams Broccoli (cut into bite size pieces) 1 medium size Carrot sliced 1/2 cup Oyster Sauce 2 tbsp. Sweet soy Sauce 1 thumbs size Ginger sliced 1 medium size Onion sliced 3 cloves Minced garlic 1 tbsp. Brown Sugar Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-steam ang mga gulay ng mga 2 minuto. Huwag I-overcooked dahil isasama pa ito sa manok. 2. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at 2 tbsp. na oyster sauce. Hayaan ng mga 30 minuto. 3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang chicken fillet s kaunting mantika hanggang sa m...

HAPPY MOTHERS DAY

Image
MALIGAYANG ARAW ng mga INA Sa araw na ito ay ipinagdiriwang sa maraming mga bansa sa buong mundo ang Araw ng mga Ina o Mothers Day. Isa rin ang Pilipinas na ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang Linggo ng Mayo. Napaka-espesyal ng araw na ito para sa ating lahat dahil ito ang araw kung saan pinararangalan natin an isang tao na lubha nating minamahal. Ang taong may 24 hours na trabaho na kahit tayo ay malalaki na ay nandun pa din ang kanilang pagkalinga. Kaya sa posting kong ito, hayaan nyong parangalan ko ang 3 Ina na mahalaga sa aking buhay. Una ang aking Inang Lina. Namayapa na ang aking Inang. December 23, 2000 nang siya ay sumama na sa kanyang manlilikha. Aaminin ko hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sakit at pangungulila sa kanyang pag-yao. Lagi ko siyang nakikita sa aking mga panaginip. Sabi nga ng mga kapatid ko, buti pa daw ako at dinadalaw ng Inang. Alam ko kahit wala na siya lagi pa rin niya akong ginabayan sa aking buhay may pamilya. I miss you Inang.... Pangalawa a...

PENNE PASTA with SPANISH SARDINES & CHUNKY TOMATO SAUCE

Image
Dalawa lang kami ng asawa kong si Jolly sa bahay. Nasa Batangas na sa aking biyenan ang tatlo kong anak for their summer vacation. Actually nung last week of April pa sila nandun. Kaya naman madalas bumubili na lang kami ng lutong ulam para pagkain naming mag-asawa. But ofcourse kung may pagkakataon naman ay nagluluto din ako para pagkain namin at pambaon na din. PENNE PASTA with SPANISH SARDINES & CHUNKY TOMATO SAUCE Mga Sangkap: 250 grams Penne Pasta cooked according to package direction 2 cups Spanish Sardines 2 cups Clara Ole Chunky Tomato and 3 cheese Sauce 5 cloves Garlic minced 1 large Onion chopped 2 tbsp. Olive oil 1/2 cup Grated Cheese salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta ayon sa nasa package direction. 2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. 3. Sunod na ilagay ang tomato sauce at hayaan ng mga 2 minuto. 4. Ilagay na din ang spanish sardines at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 2 minuto pa. 5. Tikman ang sauce a...

POQUI-POQUI: Lutong Ilokano

Image
Hehehe....Huwag kayong magulat o magtaka, iyan talaga ang tawag sa dish na feature ko for today. Hehehehe Lutong Ilokano ito na nabasa ko lang sa isa pang food blog. Pero para makasigurado ay nag-check din ako sa Google para makuha ang tunay na mga sangkap ng dish na ito. Napaka-dali lang nitong gawin. Siguro ang mahirap lang ay yung pag-iihaw ng talong. Yes. dapat iihaw yung talong para makuha yung smokey flavor ng inihaw. Although pwede din naman na i-prito o kaya naman ay i-microwave. Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga Ilokano ang tawag sa dish na ito. Parang ang bastos di ba? hehehe.....Pero ang masasabi ko lang ay talagang masarap ito. Masarap ito na side dish sa mga prtong ulam kagaya ng isda , manok o baboy man. lalo kang gaganahang kumain sa side dish na ito. POQUI-POQUI: Lutong Ilokano Mga Sangkap: 4 pcs. medium size Talong 3 pcs. Tomatoes (cut into small cubes) 1 pc. large Onion Sliced 5 cloves Minced Garlic 2 tbsp. Canola oil 3 pcs. Egg beaten Salt and pepper to taste Liq...

PANCIT PALABOK / LUGLOG

Image
Kagaya ng aking naipangako, narito ang recipe ng aking nilutong pancit palabok o luglog na aking inihanda sa aming padasal sa lugar ng aking asawa sa Lapo-lapo 2nd, San Jose, Batangas nitong nakaraang Mayo 1, 2011. Pero bago ako magpatuloy, marami kasi ang nagtatanong kung ano ang pagkakaiba ng pancit palabok sa pancit luglog. Isama mo pa ang pancit Malabon. Ang sagot? Hindi ko din alam. Check na lang natin sa Google. hehehehe. Halos wala kasi itong mga pagkakaiba. Marahil ay sa mga sahog na ginagamit o kaya naman ay sa paraan ng pagluluto o paghahanda nito. Ang pancit palabok sa tingin ko kaya ito ang tawag sa kanya ay dahil sa dami ng sahog o toppings (palabok) na nakalagay sa ibabaw ng noodles. Sa pancit luglog naman kung tinawag na luglog ito ay dahil sa noodles na ginagamit dito. Kapag inihahain kasi ito, inilalagay muna ang noodles sa isang parang basket na may mahabang tangkay at saka inilulubog sa kumukulong tubig para maluto. Iluluglog ito (shake) pagkahango sa kumukulong tubi...

LUMPIANG SINGKAMAS

Image
Nung Holy week ko talaga balak na magluto nitong lupiang singkamas. Pero sa hindi ko maalalang kadahilanan ay nitong nakaraang Linggo ko lang ito nagawa. Ito ang gulay na itinerno ko sa ulam naming breaded liempo. Madali lang itong gawin o lutuin. Walang masyadong kung ano-anong sangkap. Ang nakakatuwa dito ay nagustuhan talaga ito ng aking biyenan na si Inay Elo. Naka-dalawa at kalhati siya nito ng siya ay kumain. Naipangako ko tuloy na gagawa ulit ako nito sa pag-dalaw ulit namin sa kanya. LUMPIANG SINGKAMAS Mga Sangkap: 250 grams Giniling na Baboy 2 pcs. Large Singkamas (hiwain na parang match sticks) 1 large Carrot (hiwain din na parang match sticks) 1 cup Hipon (alisin ang ulo at balat) 1/2 cup chopped Kinchay 1 large chopped onion 1 tbsp. Oyster Sauce 5 cloves minced Garlic 25 pcs. Lumpia Wrapper salt and pepper to taste Para sa sauce ng lumpia: 3 tbsp. Cornstarch 5 cloves minced garlic 1/2 cup Soy Sauce 3 cups Water 1/2 cup Brown Sugar 1 tsp. Salt Paraan ng pagluluto: 1. Sa isan...

MAYOHAN sa SAN JOSE, BATANGAS -2011

Image
Sa bayan ng asawa kong si Jolly ipinagdiriwang ang Flores de Mayo sa buong buwan ng Mayo. Hindi katulad naman sa aming bayan sa Bocaue, may 9 na araw na Novena at ang pinaka-huling araw ang pinaka-fiesta. Sa bawat ay may pamilya na naka-toka na magpa-dasal at ang May 1 nga ang napunta sa amin. Pagkatapos ng pagdarasal ng santo rosaryo ay ginagawa naman ang pag-aalay ng bulaklak. Nauuuna ang mga bata at susunod naman ay kung sino ang nais na mag-alay. Kung sino ang sponsor sa araw ng pag-aalay ay sila ang huling mag-aalay ng bulaklak. Pagkatapos naman ng novena at pag-aalay ng bulaklak ay ang masaganang kainan. Bahala ang sponsor kung ano ang gusto na ihanda. Ang pagkain na inihanda ko ay pancit palabok at puto. Yung puto in-order lang namin sa bayan at talaga namang naunang naubos sa sarap. Hehehehe. Abangan nyo na lang yung recipe para sa palabok. Syempre picture-picture habang nagkakainan. Nakakatuwa dahil lahat ay nasiyahan sa pagkain na aming inihanda. Sana sa susunod p...