MINATAMIS NA SAGO, LANGKA at NATA DE COCO
Remember yung na mentioned ko na bisita namin sa bahay na galing sa Ireland na kapatid ng aking asawa? Yes. Komo alam kong sabik sila sa mga pagkain pinoy, sinamahan ko na din ng dessert na ito para makumpleto na.
Ang dessert na ito ay very common sa mga lugar sa Batangas. Minamatamis nila yung sago at may nilalagay sila na dahon na pampalasa na hindi ko naman alam ang tawag. Dito sa version ko, nilagyan ko naman ng bunga ng langka at nata de coco para mas lalo pang mapasarap.
Yummy ito lalo na kung malamig ng konti. Panalo kung lalagyan mo ng kinadgad na yelo at gatas...hehehe..parang halo-halo na.
1/2 kilo Sugar
1/2 kilo Sago (yung luto na)
300 grams Langka (himayin)
1/2 kilo Nata de Coco
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng 3 tasang tubig.
2. Ilagay ang langka kung kumukulo na at hayaan ng mga 10 minuto.
3. Sunod na ilagay na ang asukal, sago at nata de coco. Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot na ang arnibal o ang sabaw na asukal.
4. Palamigin muna at saka ilagay sa fridge.
Enjoy!!!!!

MINATAMIS na SAGO, LANGKA at NATA DE COCO
Mga Sangkap:1/2 kilo Sugar

Comments