CATERING - MY 1ST ATTEMPT

Half-day ako today. Rumaket ako. hehehehe. Nahilingan kasi ako ng dati kong boss na si Ms. Dez na ipagluto ko siya ng lunch para sa kanyang mga staff. Mayroon siyang 60 staff. Syempre ako naman go go go. Raket din ito di ba? hehehe

Nagustuhan kasi niya yung inihanda ko nung last birthday ko last September kaya yun din ang menu na ipinaluto niya sa akin. Nadagdag lang ang kanin at fish fillet sa menu.

Ang mga niluto ko pala ay ang mga sumusunod: Penne pasta with Creamy Basil and ham sauce, Anton's Chicken, Cream Dory Fillet with White sauce, Arroz Valenciana, at Tofu Chop Suey. Ofcourse may steam rice. Ang dessert naman na ginawa ko ay Refrigerator Cake.

As early as 6:00AM ay nagsimula na akong magluto. Natapos naman ako ng mga bandang 10:45. Timing naman at nang makatapos ako ay dumating naman ang susundo sa mga pagkain.

Yun lang, medyo kinulang ang food para sa lahat ng staff ni Ms. Dez. Siguro yun ang dapat kong aralin. Yung pag-estimate ng dami ng food sa dami ng kakain. I think ito ang medyo mahirap. Hindi kasi natin alam kung malalakas bang kumain ang mga guest o hindi. hehehehe. Or better takal ang bigay para makatikim ang lahat.

At isa pa, hindi ko nakuhanan ng picture ang mga dish bago ko naipadala sa office. Nung maalala ko nakaalis na yung sumundo. Buti na lang yung isa sa mga staff ay nakuhanan niya at ito nga yung ginamit ko sa post ko ito.

Kagaya ng nasabi ko sa title this is my first attempt. Mahirap pero okay lang. Ang importante gusto natin ang ginagawa natin. At ang importante naman, we learned lessons naman from our experience.

O sino ang gustong mag-order para sa noche buena? hehehehe

Comments

J said…
Congrats kuya! Entrepreneur ka na ha!
food solutions said…
Good going,keep it up. Good article,I like it really interesting.Give more information of this topic. Included more things in future in this blog.
ration MREs meals ready-to-eat,
large scale catering
Hahaha....mahirap din pala. Di pa ako masyadong kumita d2...halos break-even lang....sabi ko nga...lesson learned...:)
Rajsh Sabio said…
congrats sir! accomplishment pa rin yan.. im sure more will come and along the way matututunan mo din lahat ng kailangan. :)
Gio said…
idol! that takes guts and syempre, "know how" rin. i hope ituloy mo ito kuya into something bigger. :) magpacater rin ako sayo! haha
Thanks Rajsh....Sana nga may mga order pa na dumating...hehehehe.

I take it little by little...basta iniingatan ko yung quality at lasa ng food. Nakakatuwa naman at maganda ang feedback na nakuha ko d2 sa office. Hehehehe
Thank Gio....Actually, itong food business ang fall back ko kapag nag-retire na ako sa corporate world. Pero kung makaka-rekaet ng paganito-ganito lang pwede naman.....hehehehe.

Oo ba...asahan ko yan ha...pero alam ko masyadong mataas ang standard mo sa food eh...baka di ko ma-meet....hehehehe

Thanks again.. ;)
Agony said…
kuya ang ganda naman ng pagkaka-present ng food. parang di ako maniwala na gawa ito ng first timer in catering. more power po and sana dumami pa po mga recipe na maishare mo. saka po pala pa post din po kung may alam ka po na mga international dishes (japanese, korean, french, malaysian, chinese, thai etc.) :)
papa denz said…
nice bro more power to you and have a happy new year!!
@ Agony.... kailangan kasi yung presentation sa pagkain. Kung baga, mata kasi ang unang kumakain sa atin. Kung hindi siya kaaya-aya sa mata hindi mo siya titikman di ba?

Thanks po

Dennis
@ papa denz.... Katukayo pa ata kita. hehehehe. Salamat sa pagbisita. Sana i-share mo din ito among your friends and relatives.

Thanks again


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE