CREAM DORY FILLET with CHEESY WHITE SAUCE


Ito yung isa sa mga in-order ng aking ka-officemate na si Ms. Dez nung nagpakain siya dito sa office ng kanyang mga staff. Sa hiling na din ng mga nakakain ng dish na ito, naisipan kong i-share na din ang recipe nito at para dito na ri nila tingnan.

May negative comment din ako na nakuha sa dish na ito. Medyo napa-alat ata yung batter ko sa fish fillet at yung sa white sauce. Kaya paalala ko na lang na hinay-hinay sa asin lalo na sa iodized salt.

In general, masarap ang dish na ito. Ayos na ayos sa mga handaan o sa mga party lalo na ngayon papalapit na ang pasko.

Try nyo din.


CREAM DORY FILLET with CHEESY WHITE SAUCE

Mga Sangkap:
3 kilos Cream Dory (cut into serving pieces)
1 pc. Lemon
1/2 kilo All Purpose Flour
5 pcs. Eggs
1 tetra bricl All Purpose Cream
1 cup grated Cheese
1/2 cup Butter
5 cloved minced Garlic
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang cream dory fillet sa asin, paminta, katas ng lemon, lemon zest o ginadgad na balat ng lemon at maggie magic sarap. Overnight mas mainam.
2. Para gumawa ng batter, sa isang bowl paghaluin ang harina at malamig na tubig. halu-haluin. Ilagay na din ang itlog, maggie magic sarap at batihing mabuti. Dapat ay medyo malapot ang batter para kumapit ng husto sa fish fillet.
3. Magpakulo ng mantika sa isang kawali. Dapat mga 1 to 2 inches ang lalim ng mantika.
4. Ilubog ang piraso ng fish fillet sa batter at saka ilubog sa kumukulong mantika. Lutuin hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
5. For the white sauce, sa isang sauce pan ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
6. Sunod na ilaagay ang bawang hanggang mag-golden brown ang kulay.
7. Ilagay na agad ang harina at halu-haluin. Isunod na rin agad ang all purpose cream at kaunting tinunaw na harina.
8. Ilagay na din ang grated cheese at patuloy na haluin hanggang sa lumapot. Maaring lagyan ng gatas o tubig para makuha ang nais na lapot ng sauce.
9. Tikman ang sauce at -i-adjust ang lasa.

Ihain ang cream dory fillet kasama ang ginawang white sauce.

Enjoy!!!!

Comments

tekkie said…
Sir Dennis, favorite ko na itong blog mo... it really helps me a lot sa pagpi-prepare ng dish...
Yesterday i tried this cream dory fillet with cheesy white sauce. but i used pineapply juice to marinate the fish instead of lemon juice (ang hirap kasi maghanap sa palengke ng lemon..)
and ung white sauce eh ginawa kong dip for the fish fillet... ang sarap! hehehe...
nagbaon ako kanina and pinatikim ko sa mga officemates ko and eto reaction nila.. "Ate Tek bakit ang sarap ng fish fillet mo.. magluto ka ulit ha... "
Thank you talaga sa blog mo sir Dennis... =)
Good luck ang hope see more posts of new dishes...
Thanks Tekkie....HIndi ko pa na try na pineapple juice ang gamitin na pang-marinade sa fish fillet. Iniisip ko kasi may sugar content ang juice at madali itong masunog pag pinirito. Ang mangyayari magiging dark yung kakalabasan ng fish fillet. But I know for sure masarap ang lasa na kakalabasan.

Thanks also Tekkie for the idea. subukan ko din yung ganyan. God Bless.
Anonymous said…
Hi sir. I would like to try this recipe po. Pero hindi ko lang po naintindihan yung instruction sa number 7: "Ilagay na agad ang harina at halu-haluin. Isunod na rin agad ang all purpose cream at kaunting tinunaw na harina." Gaano karami po yung ilalagay na harina? And yung kaunting tinunaw na harina, gaano karami rin po? Thank you po.
Dennis Glorioso said…
Tama po yun para dagdag lapot yung harina sa white sauce. 1 tbsp. lang po siguro...depende sa dami ng sauce na gagawin.

Tipo error po yun. Pwedeng harina diretso after ng bawang or tinunaw na harina sa tubig kasunod ng cream.
Anne said…
Mukang masarap sya.. Try ko nga! Thanks sa pag share ng recipe na ito Mr. Dennis Glorioso 👍🏻
Dennis Glorioso said…
Salamat din Ms. Anne ;)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)