Posts

Showing posts from January, 2012

14 YEARS WITH MY WIFE AND KIDS

Image
Exactly 14 years today, ikinasal kami ng aking asawang si Jolly sa St. Vincent Ferrer Parish sa Lipa City, Batangas. Kaya nga yung last visit namin ng aking pamilya sa Baguio yun bale ang celebration namin ng aming kasal. Advanced celebration kung baga. 14 years of ups and downs. Ofcourse dumadaan din kami sa mga problema na karaniwang dinadaanan ng mga pamilya at mag-asawa. At salamat sa Diyos sa kabila ng mga problema na aming kinakaharap, buo pa rin kami at masayang nagsasama sa isat-isa. My wife and kids is my life. I love them so much. Dalangin ko sa Diyos na bigyan pa ang ng lakas at magandang kalusugan para maitaguyod ko sila at mabigyan ng magandang buhay. Katulad ng hagdanan na nasa larawan sa itaas, marami pa kaming hakbang na kailangang akyatin. At alam ko, sa tulong ng Diyos at sa pagmamahal ng aking asawa at mga anak, malalampasan namin ito. Amen.

CHICKEN SANDWICH

Image
Paborito ko ang chicken sanfwich. Natatandaan ko noong araw kapag may mga birthdays or special na okasyon, gumagawa ng ganito ang aking Tiya Ineng. Masarap siyang gumawa ng ganito. Gusto ko sa chicken sandwich yung may mga chunk talaga ng manok na mangunguya ka. Hindi tulad nung mga available na chicken spread sa market na wala ka man lang makapa sa iyong bibig pag kinakain. Kaya naisipan kong gumawa ng ganito nitong nakaraang mga araw. Ayos na ayos kako ito para sa baon ng mga bata. At nakakatuwa naman dahil nagustuhan nila ito. CHICKEN SANDWICH Mga Sangkap: 1 whole Chicken Breast 2 cups Lady's Choice Mayonaise 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 small size Onion finely chopped 1 tsp. White Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pakuluan ng manok tubig na may kaunting asin hanggang sa maluto. Hanguin at palamigin sandali. 2. Himayin ang manok at ilagay sa isang bowl o lalagyan. 3. Ilagay ang sweet pickle relish, mayonaise, chopped oni...

CHICKEN BROCCOLI with BLACK BEAN SAUCE

Image
Lumabas sa pag-aaral na ang gulay na brocolli ang isa sa mga pinaka-masustansyang gulay. Yun lang medyo may kamahalan ang klas ng gulay na ito. Kaya kami sa bahay ay bihira lang din maka-kain nito. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo nagtaka ako kasi ang mura-mura lang nito ngayon. P60 lang ang per kilo kumpara noon na umaabot pa ng P160 to P200 ang kilo. Kaya naman sinamantala ko na at bumili ako kahit 1 kilo lang. Sa aking pagka-dismaya, halos puro dahon lang ito at tangkay. Kakaunti lang ang pinaka-bulaklak. Madaya kasi. Tinatakpan nung dahon yung pinaka-bulaklak kaya di mo na pansin na konti lang ito. Kaya ayun, mapapansin nyo siguro sa picture na parang wala halos brocolli na makikita. But anyways, masarap ang chicken dish ko na ito na may brocolli. Nilagyan ko pa ng black beans sauce. Panalo ang lasa nito. CHICKEN BROCOLLI with BLACK BEAN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet cut into bite size pieces 1 kilo Brocolli cut also into bite size pieces 1 ...

BAGUIO CITY - After 14 Years: Day 2 & 3

Image
DAY 2 - January 22, 2012 - Sunday Ito ang second day ng aming short na bakasyon sa tinaguriang summer capital ng Pilipinas ang Baguio City. Masasabing kong ito ang pinaka-highlights ng aming bakasyon. Bakit naman hindi? Buong araw na pamamasyal ang ang ginawa. Hehehehe Maaga pa lang ay gumising na kami para mag-handa sa araw na yun. 6:00am pa lang ay gising na kaming lahat. Nag-breakfast muna kami sa hotel bago kami pumunta sa sa baguio cathedral para mag-simba. Konti lang ang choices para sa complimentary breakfast sa hotel. May choice lang na tocino, daing na bangus, corned beef at chorizo. May kasama itong fried rice ar scrambled o sunny side up na itlog. Yun lang siguro ang mapupula ko sa hotel na tinuluyan namin. Bukod sa konti lang ang choices, kokonti din lang ang serving ng mga food nila. Eksaktong bago mag 8:00 ng umaga ay tumuloy na kami sa Baguio Cathedral para mag-simba. Ayos naman ang dating namin at may naupuan pa kami pagdating namin. Napakaganda pa...

ENSELADANG LABANOS

Image
Nakakain na ba kayo ng enseladang labanos? Matagal na ding hindi ako nakakakain nito. Noong araw gumagawa nito ang aking Inang Lina lalo na kapg pritong isda ang aming ulam. Masarap ito. Lalo na itong ginawa ko na ipinars ko sa pritong galunggong. Madali lang itong gawin. Walang luto na gagawin. Paghahaluin lang ang mga sangkap at mayroon ka nang enseladang labanos. Try nyo din. Masarap talaga. ENSELADANG LABANOS Mga Sangkap: 1 large Radish o Labanos (hiwain ng pahaba na parang match sticks) 1 cup Vinegar Onion leaves salt, pepper and sugar to taste Paraan ng paggawa: 1. Hiwain ang labanos na parang match sticks. 2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, asin, paminta at asukal. Haluin. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung naghahalo ang alat, tamis at asim ng mga sangkap. 3. Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa hiniwang labanos. 4. Ibudbod sa ibabaw ang iniwang onion leaves. 5. I-chill sa fridge bago ihain. Ihain ito kasama ang bagong prito...

BAGUIO CITY - After 14 Years: Day 1

Image
Day 1 - January 21, 2012 After 14 years, nagkaroon kami ng pagkakataon ng asawa kong si Jolly kasama ang aking tatlong anak na sina Jake, James at Anton na makapunta ng Baguio para makapamasyal ng konti. 14 years kasi after ng kasal namin way back January 31, 1998 ay dito kasi sa Baguio nag-spend ng aming honeymoon. Sabi ko ko nga sa panganay kong anak na si Jake, the last time na napunta siya dito ay nung nasa tiyan pa siya ng Mommy niya. hehehehe 2am pa lang ng January 21 ay gising na kami at naghahanda sa aming maagang pag-biyahe papuntang Baguio. 4am kasi ang schedule ng pag-alis ng bus sa Victory Liner na terminal sa Cubao. Kahit maaga kaming nagising, exited pa rin ang lahat para sa short na bakasyon na ito. 2 ang stop bago kami nakarating ng Baguio. Unang stop ay sa Tarlac City. may 15 minutes na stopover para sa mga gustong mag-cr at kumain. Ito na din ang naging chance namin para mag-picture-an ng konti. Hehehehe. 2nd stop ay sa Rosario, Pangasinan. Ito ata ...

FRIED PORK/PECHAY DUMPLINGS

Image
Last Christmas, nagluto ako ng siu mai para sa aming Noche Buena. Bumili ako nun ng dalawang pack na wonton wrapper dahil marami kami na kakain at gustong-gusto ito ng mga bagets. Nung umuwi ang mag-iina ko ng December 23 (di ba nasa ospital kami ng pangany kong si Jake?) naiwan nila ang wonton wrapper na nabili ko. Buti na lang at may nabili naman ako sa palengke ng San Jose at natuloy pa din ang aking siu mai. Nakita ko nitong isang araw ang wonton wrapper na naiwan. kaya naisipan ko naman na magluto ng fried dumplings para naman hindi masayang ang wrapper na ito. May twist akong ginawa sa fried dumplings na ito. Nilahukan ko ito ng ginayat na pechay (yung natira ko para sa sinaing na tawilis). May nabasa kasi ako na pechay baguio ang nilalagay so bakit hindi naman pechay tagalog? Masarap naman ang kinalabasan. At kahit nga ang kapitbahay kong si Ate Joy na kakabalik lang mula Ilo-ilo ay nagustuhan ito. FRIED PORK/PECHAY DUMPLINGS Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Giniling 1 tangka...

ROAST BABY BACK RIBS with HONEY-BARBEQUE GLAZE

Image
Isa sa mga paboritong ulam ng mga anak ko ang barbeque na baby back ribs. Kaya naman sa mga espesyal na pagkakataon ay nagluluto ako nito. Kagaya nitong nakaraang araw, may nakita kasi akong magandang baby back ribs sa supermarket, ito agad honey-barbeque sauce ang naisip ko na ilagay dito. Yun kasi ang gusto din ng mga bata, yung manamis-namis ang lasa. Ito din pala ang ibinaon ng mga kids ko sa pagpasok nila sa school. Nakakatuwa nga kasi nung dumating na sila from school, napuri nila yung ulam nila. Nag-share din ang pangalawa kong anak na si James sa classmate niya at nagustuhan din daw. Nakakatuwa naman pag ganito ang feedback na mare-received mo di ba? Di bale nang medyo napamahal ang ulam basta nasisiyahan naman ang mga mahal mo sa buhay. Hehehehe ROASTED BABY BACK RIBS with HONEY-BARBEQUE GLAZE Mga Sangkap: 1.5+ Baby back ribs (pwedeng i-cut ng mga 2 inches ang haba) 1 can Sprite or Seven up 2 head Minced Garlic 1 tsp. Ground Black pepper 1 cup Barbeque Sauce 1...

SINAING NA TAWILIS NA BINALOT SA PECHAY

Image
May nabili akong 1/2 kilo na tawilis sa SM Supermatket sa Makati. Paboritong isda ito ng asawa kong si Jolly. Kaya naman basta may nakikita akong isdang ganito sa palengke o supermarket bumibili ako para sa kanya. Dapat sana ipi-prito ko lang ito pero nung tanungin ko siya kung ano ang gusto niyang luto, gusto daw niya ay sinaing. Nagda-dalawang isip man, yun nga ang ginawa kong luto dito. Ang nasa isip ko kasi, papano ko isasaing yun ay wala naman kaming dahon ng saging na ginagamit na pambalot sa isda bago isaing. Naisip ko na lang bakit hindi dahon ng pechay ang gamitin ko. At yun nga, isinaing ko ang tawilis gamit ang dahot ng pechay. Masarap naman ang kinalabasan bas na rin sa comment ng bunso kong anak na si Anton. Gustong-gusto niya yung sabaw. SINAING NA TAWILIS NA BINALOT SA PECHAY Mga Sangkap: 1/2 kilo medium size Tawilis 10 pcs. Dahon ng Pechay 1 tbsp. Tuyong bunga ng Kamyas 1 thumb size Ginger sliced 1 Onion sliced 5 cloves Minced Garlic 1/2 tsp. Dinikdik na pa...

BISTEK with BUTTON MUSHROOM

Image
Isa na namang classic favorite with a twist ang handog ko sa inyong lahat. Ito ay ang paborito kong beef steak o bistek tagalog sa marami. Pangkaraniwang luto natin ng bistek ay yung nilalagyan lang natin ito ng toyo at katas ng calamansi. Maninipis ang hiwa ng karne ng baka at mas naging katakam-takam kung lalagyan natin ito ng maraming onion rings sa ibabaw. This time pa-cubes ang hiwa na ginawa ko sa karne at dinagdagan ko ng button mushroom at konting worcestershire sauce na mas lalong nagpasarap sa paborito na nating bistek tagalog. BISTEK (Beef Steak) with BUTTON MUSHROOM Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into bite size cubes 8 pcs. Calamansi 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1 small can Button Mushroom 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion sliced 1 pcs. Onion cut into rings 2 tbsp. Canola oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng ilang sandali. 2. S...

SUNDAY MASS with FR. FERNANDO SUAREZ @ ABS-CBN

Image
Last Sunday January 15, 2012, naimbitahan kaming pamilya ng boss ng aking asawa na si Doc Baby Perez na um-attend ng Sunday Mass sa ABS-CBN. Birthday kasi niya sa January 20 at bilang pasasalamat ay nag-sponsor nga siya ng isang misa. Maaga pa lang as in 3:00am pa lang ay gising na kami para maghanda pagpunta sa ABS-CBN nga. 4:30 kasi ay dadaanan kami ng ka-officemate ng aking asawa na si Ate Lau para sabay na pumunta sa studio. Kahit aantok-atok pa ang mga kids, behave na behave at exited pa rin sila sa experience na ito. Tanong nga ng bunso kong anak na si Anton kung mapapanood ba daw sila ng lola nila sa Batangas. Hehehehe si Fr. Fernando Suarez ang nag-celebrate ng mass at talaga namang na-inspire kami sa kanyang homilya. Nagkaroon din ng healing session pagkatapos ng misa. After ng mass, isinama din kami sa isang simpleng agahan sa UCC Cafe sa may Tomas Morato. Filipino breakfast ang in-order ko. May kasama itong longanisa, tocino, tapa, scrambled egg at sinangag. Ma...