LOMING BATANGAS

Tuwing nauuwi ako sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas, hindi maaring hindi ako dumaan sa kanilang palengke para kumain ng lomi. Oo. Ito ang pambansang meryenda ng mga Batangueno. hehehe

Simple lang naman ang lomi nila kumpara sa lomi na alam ko. Yung sa kanila kasi, wala naman masyadong sahog pero malasa at masarap. Kumpara sa alam ko na lomi na maraming lahok na laman at gulay.

Isa pa, sa loming Batangas, individual o per order ang ginagawa nilang luto dito. Kung baga, pag may order lang dun pa lang nila niluluto ito. Sa tingin ko, timplado na ang sabaw at ready na ang iba pang mga sangkap kaya madali din nila itong nape-prepare.

Noon ko pa gustong gumawa at magluto nitong loming Batangas na ito. Hindi lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na makabili ng noodles na ginagamit nila dito. Pero nitong nakaraang uwi ko ng San Jose, talagang sinadya ko na makabili nito para magawa ko na ang sarili kong version ng Lomi Batangas. At eto na nga yun. I hope magustuhan nyo din kagaya ko.


LOMING BATANGAS

Mga Sangkap:
1/2 kilo Egg Noodles or Miki
300 grams Pork Liver sliced
Chicharong Baboy
1 head Minced Garlic
1 liter Pork stock
2 pcs. Egg beaten
2 pcs. Hard boiled Egg
1/2 cup Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Canola oil
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa maging crisp at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, i-prito ang atay ng baboy hanggang sa maluto. Huwag kalimutan na timplahan ng konting asin. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng baboy o pork stock at hayaang kumulo.
5. Ilagay na ang egg noodles o miki.
6. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
7. Kung luto na ang miki, ilagay na ang binating itlog at halu-haluin.
8. Sunod na ring ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sabaw.
9. To assemble: Maglagay ng tamang dami ng lomi sa isang bowl at lagyan ng nilutong atay ng baboy, chicharon at hiniwang itlog na nilaga.

Ihain na may kasamang toyo, calamansi at sili.

Enjoy!!!!

This is my entry for:

FTFBadge

Comments

Luna Miranda said…
hmmn, i didn't know there's a Batangas lomi. looks like a great merienda.
J said…
Sarap kuya! Nagluto din ako ng batchoy at yung chicharon ang nagpasarap hehehe.

http://notjustafoodblog.blogspot.com
@ Luna.... Yup...yan yung version nila. Yung noodles ata sa Batangas din ginagawa kaya medyo kakaiba yung lasa at sarap.
@ J.... Sa lomi yung atay naman ang gusto ko...hehehe. Yung original na recipe itlog ng pugo ang inilalagay.
[pinkc00kies] said…
sarap!! i just don't eat liver (i only do if it's adobong atay) :P
purethoughts said…
wow! lomi is one of my favorites. I have to taste the Batangas style of doing it. Great snacks for a cold, rainy afternoon! thanks for the visit

Raya of eat drink and blog
yay! lomi...sarap naman nito Brother Dennis :-) am drooling tuloy :-) Visiting from Food Trip Friday, hope that you can return the visit too.

http://www.adventurousjessy.com/2012/01/bring-a-pork-menudo-at-a-friends-party.html
krizza said…
Thanks for sharing this recipe. The lomi in the pic looks so delicious. Bigla tuloy ako ginutom. Hahaha!

Visiting you from FTF. :)
@ pinkcookies.... in-adobo ko muna yung pork liver na pinang-toppings ko...kaya okay pa din sa iyo yan. hehehehe
@ purethoughts.... Yummy talaga....lalo na pag ganitong maulan. hehehe
@ wifetoalineman02....Sinabi mo...favorite ko din talaga itong lomi. But mas gusto ko yung may gulay at maraming sahog.....hehehe
Thanks Krissa.....salamat naman at nagustuhan mo. Try mo din...madali lang naman lutuin yan. Hehehehe
Anonymous said…
Use cassava flour instead of cornstarch.iba ang thickness ng lomi using cassava flour. also when selecting the noodles choose the flat and thin one don't use the round noodles. Blanched it for 30 seconds para maalis yung amoy ammonia at para mashorten din yung cooking time.
Taga-SanJose ako boss hehe ibang klase din ang loming SanJose kumpara sa ibang Loming Batangas :)
Dennis Glorioso said…
Hello kabayan...Salamat sa pagbisita...Yup sinabi mo...iba talaga ang loming San Jose. Kaya nga everytime na nauuwi kami ng San Jose, dumadaan muna kami sa palengke (dun sa may food court) para mag-breakfast at kumain ng loming San JOse. Buo ang order ko ha hindi yung kalhati lang. hehehehe. Yummy.

I visit also you blog...it's nice and very infomative.

More power..


Dennis
Anonymous said…
mas masarap kapag ang ginamit na noddles sa lomi ay minasang harina mas malasa, mas masarap, at mas gaganahan kang kumain ng paulit-ulit..
Dennis Glorioso said…
Yung nabibili sa palengke ng San Jose ang ginagamit ko....masarap naman talaga.
Anonymous said…
iba talaga ang loming batangas! i have found the blog (below link) at nakakatuwang basahin. LOMING BATANGAS the best. Astig!

http://wasalakbatangas.blogspot.com/2013/03/loming-batangas-best.html?showComment=1372062100421#c7395845176823645140
Anne said…
kababayan ko pala asawa mo, taga San Jose din ako... tagal ko nang naghahanap ng recipe ng lomi, gusto kong lutuin dito sa Alemanya...gustong gusto din yan ng asawa kong Aleman, yan ang lagi nyang knkwento sa mga nakikilala nyang may asawa ding Pinay, at lagi nyang binibida ang Batangas at dapat nilang makita ang Batangas at matikman ang lomi...kaya nappressure akong maghanap ng recipe at lutuan sila next time na dumalaw dito ang mga kaibigan nya. Problema ko lang ang hirap maghanap ng miki dito. :(
Dennis Glorioso said…
Kagaya ng asawa mong Aleman na-inlove din ako sa loming Batangas....Kaya naman basta nauuwi kami ng San Jose ay hindi pwedeng hindi kami dadaan sa lomihan....hehehehe. Yup. Nasa noodles ang isa sa sekreto ng masarap na lomi. Kaya nga minsan bumili pa talaga ako sa palengke ng San Jose para maka-gawa lang ako ng sarili kong version.....hehehehe. regards

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE