HOTDOG SALPICAO

Paborito ng mga bata at maging ng matatanda ang hotdog. Mapa-ulam man o palaman sa tinapay, panalo ito sa lahat. Pwede din itong gawing pulutan. Igisa lang sa bawang at sibuyas tapos lagyan ng konting catsup at hot sauce, panalo ito sa mga manginginom. Hehehehe.

Pangkaraniwang luto natin sa hotdog ay syempre ang prito. Sa mga beach party o picnik naman ay iniihaw. Minsan nakakasawa natin ang ganitong luto sa hotdog. Kaya mainam siguro na paminsan minsan ay lagyan natin ng twist para naman maiba.

Kagaya nito entry ko na ito for today. Konting gisa...konting liquid seasoning...may isang masarap ka nang ulam na pwede ding pampulutan. hehehehe. Try nyo ito. Dun sa mga nag-e-email sa aking ng recipe na pang pulutan, pwede ito sa inyo.


HOTDOG SALPICAO

Mga Sangkap:
1/2 kilo Purefoods Tender Juicy Jumbo Hotdogs sliced
4 tbsp. Liquid Seasoning
3 tbsp. Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 tbsp. Butter or Olive oil
1 medium size Onion sliced
Ground Black pepper

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa butter o olive oil hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito ang hiniwang hotdogs hanggang sa maluto.
3. Ihalo na din ang hiniwang sibuyas. Halu-haluin
4. Sunod na ilagay ang toyo, liquid seasoning at paminta.
5. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Kung gusto nyo itong gawing pulutan, taktakan lang ng tabasko o hot sauce at haluin mabuti.

Comments

[pinkc00kies] said…
nice! try ko yan :) ginagawa namin eh sa oyster sauce :)
Yup pinkcookies...na-try ko na din yan sa oyster sauce. Just add a little sugar and it's a winner. Sa salpicao naman mas masarap siguro kung lalagyan mo ng tabasco o hot sauce para mas may kagat sa bibig. hehehe

Thanks for the visit.


Dennis
BadDhong said…
wow! sakto to sir Dennis, galing nyo talaga... idol ko na kayo! :) salamat po dito sir Den.
Thanks BadDhong....Ikaw ba yung nag-email sa akin about pulutan? O eyo na iksa...hehehehe...tagay na!!!!
Cecil D. said…
ano po yung 1/5 kilo of hotdog?
Tipo error yun Ms. Cecil...pasensya na. Na-correct ko na din. Manu thanks

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE