MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO

Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng lahat ng taong nag-mamahal ang Valentines Day o Araw ng mga Puso. Ewan ko ba, kagaya ng pasko may kakaibang kilig ang araw na ito sa marami.

Para sa akin, ang araw ng mga puso ay para sa lahat na marunong mag-mahal. Hindi lamang sa ating mga iniirog o kasintahan, lalo na din siguro sa mga mahal natin sa buhay, ang ating pamilya.

Ako, hindi lamang sa salita ko ipinararamdam ang aking pagmamahal. Sa araw-araw na ipinagluluto ko ang aking pamilya, buong pagmamahal ang aking inilalagay sa aking mga niluluto para maramdaman nila ang aking pagmamahal.

Kahit kapag nagkakatampuhan kami ng aking asawa, ipinaparamdam ko sa kanya na okay na kami sa pamamagitan ng pagluluto ng paborito niya dish o yung espesyal na pagkain.

Maging sa aking asawang si Jolly, hindi ko man madalas sinasabihan siya ng I Love You, pero ipinararamdam ko sa kanya na mahal ko siya at ang aming tatlong anak araw-araw.

Sana lang, ang araw ng mga puso ay gawin natin sa araw-araw. Siguro, kung lahat ng tao ay nagmamahalan, walang mga patayan, walang mga sirang pamilya, walang nagugutom, walang naghihirap.

Magagawa natin ito. Magsimula tayo sa ating pamilya.


HAPPY VALENTINES DAY TO ALL!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE