PAKSIW NA LECHONG KAWALI


Di ba dumarating sa atin ang pagkakataon na parang may gusto tayong kainin. Parang naglilihi ba. hehehehe. Nito kasing isang araw, parang gusto kong kumain ng paksiw na lechon. Ewan ko ba. Paborito ko kasi ito. Gustong-gusto ko yung asim, alat at tamis ng sauce. At yung lumambot na balat ng lechon na talaga namang it melts in the mouth kapag kinakain mo na.

Ang problema wala namang malapit na mbibilhan ng paksiw na lechon sa lugar namin. Sa Laloma sigurado marami. Pero malayo ang laloma para bumili lang ng konting paksiw. Hehehe

Bakid ako dadayo pa ng Laloma o bumili pa ng luto nang paksiw kung pwede naman akong gumawa at magluto? At yun nga ang ginawa ko. Nag-turbo muna ako ng liempo at saka ko ito ipinaksiw. At sa wakas, napawi din ang paglalaway ko sa paksiw na lechon na ito. Yun lang hindi siya authentic na lechon pero okay na din. hehehehe


PAKSIW NA LECHONG KAWALI

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Liempo (yung manipis lang ang taba)
1 bottle Mang Tomas Sarsa ng Lechon
3 pcs. Dried Laurel Leaves
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar
1 head Minced Garlic
1 large Onion sliced
Salt and pepper

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwaan ang balat na parte ng liempo. Mga 1/2 inch ang pagitan.
2. Paghaluin ang asi at paminta at saka ikiskis sa paligid at pagitan ng hiwa ng liempo. Hayaan ng mga ilang minuto.
3. Lutuin ang leimpo sa turbo broiler sa init na 250 to 300 degrees hanggang sa pumula at mag-pop ang balat ng liempo.
4. Hanguin muna at palamigin ang nilutong liempo.
5. Kung malamig na, hiwain ito ng pa-cubes sa nais na laki. Ilagay muna sa isang lalagyan.
6. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
7. Ilagay na ang hiniwang liempo at dahon ng laurel. Timplahan ng rin ng asin at paminta.
8. Maaari na ding ilagay ang suka, toyo, brown sugar at mang tomas sarsa ng lechon. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
9. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot na ang dating malutong na balat ng liempo.
10. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa. Pero mas masarap ito kung kinabukasan na kakainin.

Enjoy!!!!

This is my entry for this week:
FTFBadge

Comments

J said…
Si Kuya parang naglilihi! Ahehehe!
Hahahaha....sinabi mo J...ewan ko ba? ang takaw ko ngayon...hehehehe
iska said…
Sarap naman nyan! Para tuloy gusto ko din kumain ng paksiw na lechon. Bihira pa naman din ako makatikim nyan dito sa NZ...
[pinkc00kies] said…
syempre masarap yan!!
@ Iska...Hehehehe.....Oo nga...pag may leftover lang na lechon nakakapagpaksiw di ba? Yun ay kung may matitira na lechon....hehehehe

Thanks for the visit Iska :)
@ pinkcookies...sinabi mo...hehehe... Next time ita-try ko na gumawa ng lehon sauce from scratch...hehehehe
Jellybelly said…
Ang ganda ng plating! Naalala ko tuloy yung mga kiddie cooks sa Pinoy Junior Master Chef :)

The Twerp & I
@ Jellybelly.....hehehehe....ang plating kasi talaga ang pinagaaralan ko ngayon. Iba pa rin kasi yung maganda sa paningin ang pagkain...tapos masarap pa.

Habang tinatype ko itong reply ko sa iyo ay nanonood ako ng Juniot Master Chef....hehehe

Thanks for the visit.... :)

Dennis
ang ganda ng presentation Brother Dennis, am sure this is another delish recipe of yours :-) am drooling too :-) FTF, hope that you can return the visit too

http://www.adventurousjessy.com/2012/02/who-wants-potato-salad-anyone.html
@ jessy....Sinabi mo pa...favorite ko talaga ang paksiw na lechon...hehehehe. Gustong-gusto ko kasi yung nag-aagaw na lasa ng asim, alat at tamis nung sauce. Yummy!!!!
cHeErFuL said…
wow, super sarap naman po nyan, kakamiss tuloy at nakakapang-laway talaga! pero thanks for sharing your recipe, baka try ko minsan. visiting late from FTF, hope to see you around. thanks po and have a great week. :)
Thanks cheerful for the visit....try mo din..madali lang naman di ba? hehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE