BRAISED PORK HOCK in APPLE & PINEAPPLE JUICE

Dun sa posting ko about our last company summer outing, nabanggit ko na nung pauwi na kami ay dumaan pa kami sa Royal Duty Free para bumili ng ilang pasalubong.   Ako naman ay bumili din kahit kaunti at bukod sa ilang chocolates ay bumili din ako ng apple juice.   May nabasa kasi ako na okay daw ito sa ating kidney kaya bili naman ako.

Last Sunday, naka-bili ako ng sliced pork hock o pata ng baboy sa aking pag-go-grocery.   Unang plano na luto na naisip ko ay ipaksiw.   Pero komo nga nagba-blog ako, naisipan kong lutuin ito sa ibang paraan para naman may mai-post ako.   At dito ko naisip ang apple juice na nabili ko sa duty free.   Kahalo ang juice mula sa pineapple tidbits at apple juice, niluto ko ang pata hanggang sa lumambot.   Masarap naman ang kinalabasan.   Kung nadagdagan pa ang toyo at may star anise ito, para na rin itong pata tim.


BRAISED PORK HOCK in APPLE and PINEAPPLE JUICE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Hock or Pork Pata sliced
2 cups Apple Juice
2 cups Pineapple Juice
2 cups Pineapple tidbits
3 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Sesame oil
5 cloves minced Garlic
2 pcs. large Onion sliced
1 tbsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa sesame oil at cornstarch.
2.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3.   Kung malambot na ang karne, tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4.   Huling ilagay ang pineapple tidbits, sesame oil at tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Sarap niyan kuya... sour and savory!
Dennis said…
Tama ka J. Masarap yung naghahalong asim at tamis na fruity the lasa. Yummy!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok