PESANG ULO ng SALMON


Ang Pesang Isda ang isa sa mga ulam na may sabaw na madalas naming i-ulam noong aking kabataan.   Madali lang itong lutuin bukod pa sa napaka-simple nitong mga sangkap.  Masarap i-ulam ito lalo na kapag maulan ang panahon.   Nakakapawi kasi ng lamig ang mainit na sabaw at ang konting anghang ng luya.

Sa aming probinsya sa Bulacan, pangkaraniwang ipine-pesa ang isdang dalag.   Marami kasi nito lalo na pag tag-ulan.   Murang-mura din lang itong nabibili sa palengke.

Pangkaraniwan na ipine-pesa ay ang mga isdang tilapia, maya-maya, bangus, at dalag nga.   This time, sinubukan ko namang ulo ng salmon ang aking gamitin.   At hindi naman ako nabigo.   Masarap at napakalasa ng sabaw.   Yun ngang natirang sabaw ay itinabi ko pa para magawa kong soup.   Hehehehe.


PESANG ULO ng SALMON

2 pcs. Salmon Head (cut into pieces)
2 tali Bok Choy o Pechay Tagalog
2 tangkak Leeks (cut into 1 inch long)
2 thumb size Ginger (sliced)
2 large Onion (quartered)
1 tsp. Whole Pepper Corn
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang  kaserola, pakuluan ng mga 15 minuto ang luya, pamintang buo at sibuyas sa nais na dami ng tubig na pang-sabaw.
2.  Ilagay na ang ulo ng salmon at timplahan ng asin at maggie magic sarap.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3.   Ilagay na ang pechay o bok choy at leeks.
4.   Tikman ang sabaw at -i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!


This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Iska said…
Sarap naman! Minsan ginagawa ko naman ay sinigang na ulo ng salmon. Sarap din :-)
Dennis said…
Hi Iska, Yup..sa sinigang din nag-start ang pagka-inlove ko sa ulo ng salmon......Yummy talaga....hehehe
imriz said…
hayz naman napapatakam tuloy ang aking bossing, paborito kasi niya ang ganyang luto saka iyong may miso. pag ganyan ang ulam dito siya ang bossing sa kitchen...tabi tabi muna ako :)
sosyal nman sir dennis, salmon tlg ^_^
Leah H. said…
Yummy naman.. Miss na miss ko na yung preskong sabaw with fresh fish with maraming pechay..

Visiting for FTF- hope you can stop by..

http://myrecipecollection.info/2012/07/ice-candy-in-mix-flavors.html
Dennis said…
Hi Imriz...Thanks for the visit. Oo nga medyo sosyalen ang dating. may kamahalan kasi ang salmon. Yung salmon head sa Farmers market sa Cubao ko nabili. P170 per kilo ang kuya ko. Pero sulit talaga kahit na may kamahalan. Winner ang sabaw sa dish na ito.
Dennis said…
Hi Leah...Tama ka. Ang key sa dish na ito ay yung pagka-fresh ng isda na gagamitin. Yun talaga ang magpapasarap sa sabaw. Dadagan din ang liya para tanggal lana sa isda.

Thanks for the visit.... :)
Parang wala pa akong nakitang Salmon fish dito sa palengke sa amin.Sarap nito pag umuulan!
Thanks for joining us !!!
Dennis said…
Thanks FoodtripFriday (Willia).... Sa ordinaryong palengke siguro wala nga nito. medyo may kamahalin kasi ang isdang ito. Sa Farmers Market sa Cubao ang per kilo ng ulo ng salmon ay P170 to P220. Pag laman naman as high as P500 per kilo. Sa SM supermarket may roon nito at P160 per kilo.

Thanks for the visit my friend.

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW