PORK EMBOTIDO ni DENNIS
Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan, hindi nawawala ang pork embotido sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasal, binyagan at iba pa. Espesyal na ulam itong maituturing kaya naman tuwing importanteng okasyon lang ito inihahain. Napansin ko lang, kahit ang paraan ng pagluluto nito ay nagkakaiba-iba pati na rin ang mga sangkap na ginagamit. But ofcourse ang pangunahing sangkap pa rin dito ang ang giniling na baboy. Nilalahukan na lang ito ng iba pang mga sangkap para maging masarap at malasa. Ito ang pan-tapat nating mga Pilipino sa meatloaf ng ibang bansa. Sa amin sa Bulacan, binabalot ang embotido ng pork lard o sinsal ba ang tawag doon at saka pinapasingawan para maluto. Sa probinsya ng asawa ko sa Batangas, ibinabalot ang embotido sa dahon at pagkatapos ay ipini-prito. Yung iba naman binabalot ng aluminum foil at ini-steam pa rin. Sa version kong ito binalot ko ito ng aluminum foil at saka ko naman nilu...