BRAISED CHICKEN FILLET in TERIYAKI SAUCE


Sa panahon ngayon sa aking palagay ay hindi na excuse ang hindi marunong magluto lalo na sa mga babae.    From the traditional at yung mga instant o madaling lutuin na pagkain, marami kang pwedeng pagpilian o gawin.   Akala lang ng marami mahirap ang pagluluto, pero ang totoo madali lang ito.   Lalo na ngayon na marami nang mga instant mixes ng mga traditional na filipino food.  

Kung mapapasyal ka sa mga malalaking supermarket o grocery store, marami kang mapagpipilian.   Kailangan mo lang talaga na tumingin sa mga ito at maglakas loob na i-try sa pagluluto.  

Kagaya nitong teriyaki sauce.   Cheap mo lang itong mabibili sa mga supermarket.  Pero kung maita-try mo itong gamitin sa simpleng chicken dish, wonder ang magagawa nito.   Kagayan nitong dish natin for today.   para ka nang kumain sa sikat na Japanese resto sa sarap.   hehehehe.   Try nyo din.



BRAISED CHICKEN FILLET in TERIYAKI SAUCE

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Thigh Fillet
1/2 cup Teriyaki Sauce
2 tbsp. Sweet Soy Sauce
1 tsp. grated Ginger
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng chicken thigh fillet ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang magkabilang side ng chicken fillet.
3.   Ihalo ang luya, bawang at sibuyas sa piniritong chicken fillet.
4.   Ilagay ang teriyak sauce, soy sauce, brown sugar at 1/2 tasang tubig.   Takpan at hayaang kumonte ang sauce.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang sesame oil baho ihain.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

J said…
Oooooh! Try ko yan kuya! Mukhang madaling gawin - tamang tama pagkagaling sa work ay madaling lutuin!
Dennis Glorioso said…
Try it J.....Yun ang maganda sa braising....as in lagay lang lahat ng sangkap at hintayin mo lang kumonte ang sauce...and yun na.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE