MEGAWORLD CHRISTMAS PARTY 2012

Last December 17, 2012, ipinagdiwang ng aming kumpanya ang Megaworld Corporation ang aming annual Christmas Party.   Ito ay muling ginanap sa Newport Performing Arts Theatre sa Resort World Manila sa Lungsod ng Pasay.


Nagsimula ang registration 2:30 ng hapon at habang naghihintay ng pagsisimula bandang 4:30 naman, ay nagkuhanan muna kami ng picture at nag-ikot-ikot na din.   Mayroon din palang snack na inihanda ang aming HR sa Mc Donald na malapit lang sa pag-gaganapan ng party.

 Nagsimula ang program lagpas na ng 4:30 at ito ay sinimulan sa isang panalanging awit na sinabayan ng pagtatanghal ng isang grupo na benificiary sa taong ito ng Megaworld Foundation.  Pagkatapos noon ay ang pagaabot naman ng donasyon at papasko sa tatlong non-government organization na napili ng foundation.

 Pagkatapos noon ay ang pagbati at talumpati ng aming Chairman na si Dr. Andrew L. Tan.

 Kasunod naman ay ang pag-aabot ng parangal sa mga empleyado na may 5 taon at higit pang paglilingkod na nagawa sa kumpanya.   Sa taong ito dalawang 5 years awardee ay aking staff.   Ito ay sina Lerie Gaswin (lady in red) at Richard Ibay (in yellow tie).

 Sumunod naman ang contest para sa pinaka-magaling na banda.  Mga empleyado sila ng kumpanya na may hilig sa pagtugtog at pag-awit.  Ilan sa mga nag-judge ay mga kilalang musikero ng banda sa ating bansa.

After ng contest, tinawag naman para magtanghal ang isa sa mga special guest namin na sin Yeng Constatino.   Nabuhay ang lahat sa mga awit na kanyang kinanta.   Ang marami pa nga ay nagbabaan sa malapit sa stage para magpakuha ng picture.   Kasama na ako dun.   hehehehe

Sumunod na nagtanghal ay si Eric Santos naman.   Ang galing niya.  Para kang nakikinig sa isang recording na mga awit.   Tinapos niya ang kanyang pagtatanghal sa pag-awit ng kanyang signature na kanta na 'This is the Moment"

 Pagkatapos noon ay pumila naman kami para sa dinner coctail.   Ang venue ng kainan ay sa tabi lang ng theatre ang The Genting Club.  Masarap naman ang pagkain.   Narito ang ilan sa mga natatandaan kong kinain ko that time:   Pasta na may Cream cheese ata yun,  Pink Salmon na may White sauce, Beef Skewers, Chicken Skewers, Roast Beef, at iba pa.   May California Maki din at fita bread na may sari-saring palaman.  For the dessert, maraming sweets at cakes pero pinili ko ang fresh fruits.

Natapos at naka-uei kami bandang 11:30 na ng gabi.   Umuwi kaming busog at masaya sa isang gabing minsan sa isang taon naming nagagawa.

MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON sa LAHAT!!!!

MABUHAY ang MEGAWORLD CORPORATION!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE