STUFFED CHICKEN with BACON and MASHED POTATOES


Siguro mga 10 years na din nung unang beses akong makapag-dinner sa Manila Hotel.   My benefit dinner kasi at nag-sponsor ang aming opisina ng 1 table.

It's a formal seat down dinner.   Yun bang ang daming plato at kubyertos sa table mo na parang nalilito ka kung alin ang gagamitin?   hehehehe.   Ang hindi ko makalimutan sa espesyal na dinner na yun ay yung isa sa main course na chicken na may palaman na mashed potato.   Steamed ata ang luto at masarap talaga.

Yun ang naging inspirasyon ko sa dish na ito.   Ang Stuffed Chicken with Bacon and Mashed Potato.   Actually, may palpak din na nangyari nung niluluto ang dish na ito.   Pero ang isusulat ko sa pamamaraan ng pagluluto ay yung corrected version na siguro.  Overall, masarap ang chicken dish na ito.   Parang nalalapit din ang lasa sa Chicken Cordon Bleu.   But this is more creamy maybe because of the mashed potato.   Try it.   Pwede din ito para sa ating Noche Buena.


STUFFED CHICKEN with BACON and MASHED POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet
100 grams Bacon (hiwain ng maliliit)
4 pcs. large Potatoes (Boiled)
1/2 cup Leeks (chopped)
1 pc. Lemon
1 cup grated Cheese
Japanese Breadcrumbs
1/2 cup Flour
2 pcs. Eggs
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kitchen malet, pitpitin ang chicken breast hanggang sa numipis ito.
2.   Timplahan ng asin, paminta at katas ng lemon ang manok.   Hayaan ng 1/2 oras o higit pa.
3.   Sa isang bowl, i-mashed ang papatas at ihalo ang chopped na leeks, grated cheese at bacon.   Haluing mabuti.
4.   Sa isang bowl, batihin ang itlog at harina.   Timplahan ng konting asin at paminta.
5.   To assemble:   Lagyan ng pinaghalong bacon at mashed potato ang bawat isang chicken breast.   I-roll at tiyaking walang lumalabas na palaman.
6.   Ilubog ang chicken roll sa ginawang batter at saka igulong naman sa breadcrumbs.   Ilagay muna  sa isang lalagyan.
7.   Ilagay muna sa freezer ng mga 10 minuto ang ginawang roll para dumit ng husto ang breadings.
8.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
9.   Palamigin sandali bago i-slice.

Ihain na may kasamang catsup o pinaghalong mayonaise at catsup.

Enjoy!!!!

PS.   Paki-click naman po ng mga Ads.  Papasko nyo na lang sa akin.   Salamat po.

Comments

Anonymous said…
Hello Mang Dennis, Advance Merry Christmas and wish you and your family a Prosperous New Year. More power to your site. Thank you very much for so many wonderful recipes which I actually done. Perlie of Dubai, UAE
Dennis Glorioso said…
Same to you Ms. Perlie..... If you have any questions just drop me an email or post your question here in the blog. Thanks
J said…
Parang chicken cordon bleu ha! :-)
Dennis Glorioso said…
Tama J...pero ang palaman niya ay yun ngang mashed potato, grated cheese, chopped bacon at leeks. Ang sarap nito promise. hehehehe
AJOY YADAO said…
thanks dennis..palagi kong tinitingnan mga pagkain na niluluto mu at ginagaya ko naman kasi masarap talaga xa..try q tong stuffed chicken w/bacon and mashed potatoes pti narin ung fried rice na may shrimp....sarap...
Dennis Glorioso said…
Thanks Ajoy....Yes try it...yung shrimp fried rice yun yung na-post sa isang cook book. Ako yung pinag-test nung author. As a reward, kasama yung name ko sa mga pinasalamatan niya. Hehehehe
rosela sangco said…
hi dennis,
magtatanong lang po, anong ginagamit mo sa pag measures ng ingredients mo ? ordinary tablespoon ba o yong measuring tbsp. thanks.!!
Dennis Glorioso said…
Thanks Rosela for your question. Measuring tbsp. Pero sa totoo lang madalas tinatantya ko lang yung mga sukat. Ganun naman sa pagluluto, guide lang yung nasa recipe...nasa nagluluto at kumakain pa rin yung timpla na dapat sundin. Pwede kasing ok naman sa akin pero sa iba naalatan sila. So to be safe, konti-konti muna ang lagay lalo na ng asin.

Thanks again
rosela sangco said…
hello,
may iba na naman po akong tanong, just want to be sure. and bacon ba dito ay luto na o hindi pa.at saka anong klase po ang cheese na ginagamit. naandito po kasi kami sa states at iba iba ang cheese na shreded na. balak ko kasing ihanda ito ngayong pasko.first time ko pang makapagluto nang ganitong putahe.sa tingin ko, talagang masarap siya.
Dennis Glorioso said…
Di ba luto na din yung bacon pag nabili mo sa supermarket? So no need na to fry para yung flavor ng bacon ay sumama dun sa lasa ng chicken. For the cheese, any kind of cheese basta yung madaling mag-melt.

Thanks Rosela and Merry Christmas.

Dennis
ROSELA SANGCO said…
HI DENNIS,
MERRY CHRISTMAS, I THANK YOU FOR THIS RECIPE,I COOKED IT ON CHRISTMAS, TASTE GOOD TALAGA, MY FAMILY LOVES IT. NASASARAPAN SILA. ANG SABI NILA, "MOM YOU ARE THE BEST COOK NA TALAGA!" NGAYON LANG KASI AKO NATUTUNG MAGLUTO. IM GLAD THEY LIKE MY COOKING!DAHIL SA RECIPE MO.
Dennis Glorioso said…
Salamat Rosela...and Merry Christmas din sa iyong pamilya. Lubos ang aking kasiyahan at maging ang iyong pamilya ay nasiyahan sa mga lutuin na ginawa mo. Asahan mo ang marami pang mga recipes sa taong darating.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE