15 YEARS WITH MY LOVE ONES

Bukas, January 31, exactly 15 years ay ipagdiriwang namin ng aking asawang si Jolly ang ika-15 taon ng aming kasal. 

Masasabing kong ito ang isa sa mga mahahalagang araw sa aking buhay kung saan mula sa pagkabinata ay pumasok ako sa buhay may asawa at buhay pamilya.

At katulad ng mga karaniwang pamilya, mayroon ding kaming ups and down sa aming pagsasama.   At nagpapasalamat ako sa Diyos at nalampasan namin ang mga panahon ng pagsubok at mga problema.


Sa 15 taon na yun na lumipas, ang aking asawa at tatlo naming anak ang nagsisilbing pampalakas namin sa araw-araw.   Yun bang gusto mo nang maka-uwi agad at makita sila.   Natatandaan ko pa noon at kahit naman ngayon, bago kami matulog sa gabi, tinatanong nila kung ano ang ulam namin sa kinabukasan.   Hehehehe.   Kaya naman sinasarapan ko talaga ang aking mga niluluto at sa pamamagitan nito, mas naipapadama ko sa kanila ang aking pagmamahal.


Mahal na mahal ko ang aking pamilya.   Gagawin ko ang lahat para mabigyan ko sila ng magandang bukas.   Dalangin ko sa Diyos na sana ay bigyan pa niya ako ng magandang kalusugan para maitaguyod ko sila sa susunod pa ng mga taon.

AMEN.

Comments

Anonymous said…
Sir Dennis Congratulations sa inyong 2 ni ma'am jolly!hope na lalong tumibay ang inyong pagsasama! i'm one of your daily follower to your blog.di ko lang alam kung pano ilagay yung naman ko everytime na nagcocomment po ako.


andrew =)
Dennis Glorioso said…
Salamat Andrew.... I hope mai-share mo din itong blog na ito among your friends and relatives. Also, paki-click na din nung mga ads para kahit papaano ay maka-earn akong ng points sa Google.

Thanks again


Dennis
J said…
Congrats and Happy Anniversary, kuya Dennis! 15 years ago pala yang pic na yan... parang kahapon lang eh. Walang pinagbago ang face mo kuya!
Dennis Glorioso said…
Hahahahaha...thanks J. Mas mataba ako ngayon kesa noon...heheheh

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE