HAPPY 4TH YEAR ANNIVERSARY sa LAHAT!!!!


WOW!  Parang kailan lang nang inumpisahan ko ang Food Blog kong ito.   Parang kailan lang na pabasa-basa lang ako ng mga paborito kong food blog, pero 4 years na pala na ako na ang nagpo-post ng aking mga niluluto sa sarili kong food blog.

Napakaraming nangyari sa akin sa food blog kong ito nitong nakaraang taon.   At nais kong pasalamatan kayong lahat na taga-subaybay ko mula sa aking puso.   Kung hindi dahil sa inyo, hindi marahil ako magtatagal sa pagpapatuloy sa food blogging kong ito.

Unang nangyari ay nung maimbitahan ako ng mga estudyante ng De la Salle University sa Taft Ave. Manila para maging speaker ng isang org nila.

Pangalawa ang pag-reach ko sa aking ika-1,000 na post.   Big deal sa akin ito dahil halos lumalabas na nakakapag-post ako almost everyday mula nang mag-start akong mag-blog.

Pangatlo ang paglakas ng traffic sa mga bumibisita sa blog kong ito.   At dahil dito, nakatanggap na din ako ng payments mula sa Google.   For 2012, 2 beses na akong naka-received ng payments.   Maliit pa lang naman, pero okay na din.

Pang-apat, nakapag-create na din ako ng fan page sa Facebook na dahilan para mas lalo pang lumakas ang traffic sa blog.   Sana lang ay i-like nyo ito at i-share pa sa inyong mga kaibigan.

Utang ko sa inyong lahat ang tagumpay ng MGA LUTO NI DENNIS AT IBA PA.   Kung hindi dahil sa inyo, at sa mga naka-inspire na mga coment ninyo sa akin, mas lalo ko pang ginagalingan ang aking mga ginagawa.   Di nyo ba napansin, gumaganda na ang mga picts ng post ko?   hehehe.

Wish ko na sana ay tumagal pa ang munting tambayan natin na ito.   Dumami pa sana ang bumibisita (at nagki-click ng mga ads....hehehe) at lumakas pa sana ang traffic.  Hehehe

Wish ko din na sana ay magkaroon na ako ng DSLR na camera para mas lalo ko pang mapaganda ang aking mga pino-post.   At sana din ay huwag akong magkakasakit para marami pang recipes ang aking ma-post.

Sa inyong lahat, muli ang aking pasasalamat sa patuloy nyong pagtangkilik.

MABUHAY TAYONG LAHAT!!!!

Comments

J said…
Happy anniversary kuya! I have enjoyed reading your blog, so sana ay tumagal pa ito!

P.S. 14th ba or 4th?

P.P.S. Nabasa mo po ba yung comment ko sa previous entry mo?
Dennis Glorioso said…
Hahahahaha...Thanks J...Di ko napansin yun ah....hehehehe.

Kung hindi dahil sa mga followers na kagaya mo...siguro matagal nang close ang food blog na ito. At sa mga positive comments na natatangap ko at sa pautoloy nyong suporta, palagay ko ay tatagal pa ang food blog kong ito.

Mabuhay tayong lahat!!!1

Anonymous said…
Congratulations Sir! Many more years and many more recipes to come. God bless po! Btw, nice new lay-out of your blog!.. Mommy Marie
Dennis Glorioso said…
Thank you Mommy Marie... I hope you continue supporting this blog. Hindi naman ako titigil hangga't nandiyan kayo na patuloy na sumusuporta sa blog na ito.
http://www.overseaspinoycooking.net/ said…
Congratulations!!!
Dennis Glorioso said…
Thanks my friend....tips naman kung papaano pa mapalakas ang traffic dito sa blog mo....hehehehe.
Bea Garcia said…
congratulations...hope di ka mag sawa mag post pa nang mga recipe mo
Dennis Glorioso said…
Thank you Ms. Bea...Basta nandyan kayo na bumibisita palagi sa food blog kong ito at patuloy na nagki-click ng mga Ads....(hehehehe)....patuloy pa din ako sa pagpo-post ng mga masasarap na putahe.

Thanks again and regards


Dennis
Tiradauno said…
Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE