MEATY MAC and CHEESE

Nagko-collect din ba kayo ng mga recipes mula sa mga label at karton ng mga can goods at sauces?   Minsan sa mga food magazines din o kaya naman ay dito nga sa net?   Ako isang malaking YES.   Pero madalas tinatandaan ko na lang pero kung medyo maraming sangkap, kino-collect ko talaga o pini-print na lang ito.   Ginagawa ko ito lalo na kung interesting ang recipe ng dish at kung available yung mga sankap na gagamitin.

Sa label ng isang sauces ko nakuha ang recipe ng pasta dish na ito.   Ofcourse nilalagyan ko din ng mga twist para naman mas lalo ko pang mapasarap ang dish.   Kagaya ng chopped parsley na inilagay ko dito.   mas lalong nadagdagan ng flavor ang aking niluto.   At gumanda din ang presentation ha.   hehehehe


MEATY MAC and CHEESE

Mga Sangkap:
500 grams Penne Pasta (cooked according to package direction)
300 grams Bacon (cut into bite size pieces)
2 tetra pack Del Monte Cheesy Sauce or 1 cup Chiz Wiz
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Butter
1 cup grated Cheese
1/2 cup Parsley (chopped)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 tsp. dried Basil Leaves
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang penne pasta according to package directions.  Huwag i-overcooked.
2.   Sa isang kawali, i-prito muna ang bacon sa butter hanggang sa pumula ito ng bahagya.   Hanguin ang iba (for toppings) sa isang lalagyan.
3.  Igisa ang bawang at sibuyas.   Ilagay na din ang dried basil.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na ang all purpose cream, cheesy sauce o chiz wiz at timplahan ng asin at paminta.    Kung gusto ninyong mas ma-sause ang inyong pasta, maglagay ng nais na dami ng pinaglagaan ng pasta ang sauce.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ihalo sa sauce ang nilutong pasta at haluin mabuti.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bacon, grated cheese at chopped parsley.

Ihain na may kasamang tosted bread habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Dennis Glorioso said…
Thanks pinkcookies.....:)
Thess said…
Kuya meron pala akong tanong sinubukan ko po kasi yung crab spring roll ninyo kaso Hindi ko na binalot, kso palpak kasi mapait po yung lettuce na ngamit ko pano po ba pumili ng lettuce? Tpos ung dressing Ladakh lass peanut butter.
J said…
Kuya tinry ko po yung country style teriyaki - masarap! Nagustuhan ng asawa ko. Ipopost ko po sa blog ko soon. Kaso po hindi nyo nalagay sa directions kung kailan ilalagay yung oyster sauce at sesame oil. Sinabay ko na lang sa soy sauce hehehe. Thanks for sharing!
Dennis Glorioso said…
@Thess....kung di mo binalot hindi na siya spring roll...simpleng vegetable salad na lang siya. Anong lettuce ba ang ginamit mo? Wala akong maisip na lettuce na mapait ang lasa. Iceberg o romaine ay okay sa mga ganitong salad.

Yung last na comment mo di ko masyadong makuha???

thanks
Dennis Glorioso said…
@J....Wala ba? check ko nga....Pero tama ka..sabay-sabay lang sa huli ang dalawang sauces na yun.

Thanks
Lenie prieto said…
hello po kuya dennis ansarap naman po ng mga niluluto nyo madalas ginagaya ko yung mga recipe mo..
Dennis Glorioso said…
Salamat Lenie....basta may questions ka mag-email ka lang or i-post mo dun sa recipe na may tanong ka. Sasagutin ko agad sa abot ng aking makakaya.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE