A NIGHT with GOOD FRIENDS and GOOD FOOD

Last March 13, 2013, naka-received ako ng call mula sa aking matalik na kaibigan na si Shiela.  Dumating daw from California ang amin ding kaibigan na si Tukayong Dennis (katabi ko in black t-shirt) at Rizza (third from left) at gusto magkita-kita kami para sa isang dinner.  Sila pala ay aking mga matalik na kaibigan na matagal-tagal na din na din kami nagkikita-kita.   Dati ko silang mga officemate na naging kasama din sa apartment na aming tinutulyan.   Malalim ang aming pagkakaibigan kaya naman talagang sabik na sabik kami sa isat-isa sa mga balita na na miss namin.


Sa Yakimix sa Mall of Asia napagkasunduan na magkita-kita.   Late na kami nakadating dahil dinaanan ko pa ang aking asawang si Jolly sa kanyang work at sobrang traffic talaga that night.  Dumating kami at nagde-dessert na sila.   Kaya naman humabol na lang kami ng kain ng kwentuhan.

Ang picture sa taas ang aming mga first ladies.  From left ay si Rizza ang balikbayan, si Shiela, Si Malou, ang aking asawang si Jolly at si Merly.

Ang akin namang mga kaibigan at barkada:   From left ay si Pareng Benny, Pareng Franny, ako at si Tukayong Dennis ang balikbayan.

Naging napakasaya ng gabing yun para sa aming lahat.   Sa tagal ba naman ng huli naming pagkikita-kita ay kulang ang gabi para matapos ang masayang kwentuhan.   Nakakatuwa naman at hindi pa rin kami nagkakalimutan.   Sabagay, sa tibay ba naman ng aming samahan at pinagsamahan hindi siguro basta ganun-ganun ito matitinag.

Sa food na aming pinagsaluhan, okay naman.   First time ko lang na kumain sa Yakimix at masasabi kong ok naman ang aking experience.   Maraming choices at hindi mo talagang makakayang subukan lahat.

Ang first plate ko ay sari-saring maki at sashimi.   May ilang piraso ding ebi tempura akong kinuha.  Masarap naman lahat.  On my second plate, may kinuha akong siu mai, chicken feet, crispy pata, sisig, at di ko namatandaan ang iba.   For the dessert, kumuha lang ako ng leche plan at pakwan.

Isa talagang hindi malilimutang gabi ang dinner na yun.   A night with good friends at masasarap na pagkain.   I hope and I pray na magkasama-sama ulit kami sa darating na mga panahon.

Amen.

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE