BACON, HAM & MUSHROOM SPAGHETTI in POMODORO SAUCE

Basta mayroong may birthday sa pamilya, nagluluto ako ng pasta dishes o pancit.  Ito siguro ang isa sa mga namana natin sa ating mga kababayang Tsino.   Pampahaba ng daw ng buhay.   O di ba?

Nitong nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly, hindi ako naghanda ng maraming food komo sa isang restaurant nga niya ito ipinagdiwang.   Ang ginawa ko, nagluto na lang ako nitong pasta dish in the morning of her birthday.   Sinamahan ko naman ito ng roasted chicken na paborito din aking pamilya para mas maging espesyal ang aming breakfast.


BACON, HAM & MUSHROOM SPAGHETTI in POMODORO SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti pasta (Cooked according to package directions)
250 grams Bacon (cut into small pieces)
250 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
1 small can Sliced Mushroom
1 big can Dice Tomatoes
1 tetra pack or 2 cups Three Cheese pasta Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
a bunch of Fresh Basil leaves
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Olive Oil
Parmesan Cheese to ganish

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.
2.  Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.  Isunod na agad ang hiniwang bacon at ham at timplaha ng asin at paminta.
4.   Ilagay na din ang canned dice tomatoes, pasta sauce at brown sugar.   Hayaang kumulo ang sauce sa mahinang apoy.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay ang nilutong spaghetti pasta at fresh basil leaves at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta noodles.

Ihain habang mainit pa at lagyan ng parmesan cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE