MINATAMIS na SAGING na may SAGO
Nakasanayan na ng aking mga anak ang pagkain ng desserts o panghimagas pagkatapos kumain. Kaya naman nalulungkot ako kapag wala akong maihain sa kanila kahit man lang prutas kapag nagtatanong sila.
Kaya naisipan kong magluto nitong minatamis na saging na saba. Gusto ko din ito lalo na kung lalagyan mo pa ng crush ice at gatas. Para mapasarap pa at magkaroon ng ibang texture habang kinakain, nilagyan ko pa ito ng sago. Angs arap. Tamang-tamang panghimagas at pang-meryenda na din.
MINATAMIS na SAGING na may SAGO
Mga Sangkap:
12 pcs. Saging na Saba (cut into 2)
1/2 kilo Cooked Sago
Brown Sugar to taste
1 tbsp. Vanilla
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang saging na saba sa tamang dami ng tubig sa loong ng mga 15 minuto.
2. Sabay nang ilagay ang brown sugar at ang sago. Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot na ang sabaw.
3. Huling ilagay ang vanilla.
4. Palamigin muna saka ilagay sa fridge.
Ihain na medyo malamig o galing sa fridge. Pwede ding lagyan ng crushed ice at gatas.
Enjoy!!!

Comments