MINATAMIS na SAGING na may SAGO

Nakasanayan na ng aking mga anak ang pagkain ng desserts o panghimagas pagkatapos kumain.   Kaya naman nalulungkot ako kapag wala akong maihain sa kanila kahit man lang prutas kapag nagtatanong sila.

Kaya naisipan kong magluto nitong minatamis na saging na saba.   Gusto ko din ito lalo na kung lalagyan mo pa ng crush ice at gatas.   Para mapasarap pa at magkaroon ng ibang texture habang kinakain, nilagyan ko pa ito ng sago.   Angs arap.  Tamang-tamang panghimagas at pang-meryenda na din.




MINATAMIS na SAGING na may SAGO

Mga Sangkap:
12 pcs. Saging na Saba (cut into 2)
1/2 kilo Cooked Sago
Brown Sugar to taste
1 tbsp. Vanilla

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pakuluan ang saging na saba sa tamang dami ng tubig sa loong ng mga 15 minuto.
2.  Sabay nang ilagay ang brown sugar at ang sago.   Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot na ang sabaw.
3.  Huling ilagay ang vanilla.
4.   Palamigin muna saka ilagay sa fridge.

Ihain na medyo malamig o galing sa fridge.  Pwede ding lagyan ng crushed ice at gatas.

Enjoy!!!

Comments

Dennis said…
Thanks pink....lalo na pag may ginadgad na yelo at gatas....kahit umuulan pa siya masarap pa din.....hehehehe.
Anonymous said…
Kuya paano malalaman Kung malambot na yung sago?
Dennis said…
E di tikman mo....hehehehe. Kung lulutuin pa lang yung sago, dapat wala na yung white portion dun sa gitna ng sago. Pero kung luto mo na itong binili sa palengke, no need to check luto na yun eh. Mas masarap sa sago ay yung medyo makunat na konti. Ilagay mo ito kung medyo malapaot na ang sauce o sabay ng iyong minatamis.
Unknown said…
Halimbawang lulutuin pa lang yung sago. Ano ang uunahin palambutin, yun saging o yung sago?
Dennis said…
Pwedeng yung sago muna (kung hilaw pa ito)...then kung umalsa na ito saka mo ilagay yung saba.

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW