JAMES 13th BIRTHDAY


Birthday ngayon ng pangalawang anak na si James Manuel.   Yes.  Isinunod ko kay Manuel Quezon ang kanyang pangalan.   Hehehehe.

Naging kaugalian ko na na ipaghanda ang aking asawa at mag anak sa kanilang mga kaarawan.  Kahit na may kagipitan ako sa pananalapi, ay iniraraos ko pa rin ito kahit papaano.   Ito marahil ang namana ko sa akin namayapang Inang Lina.   Na kahit mahiraplang kami ay ipinagdiriwang namin kahit papaano ang aming kaarawan.


Para sa pagkaing ihahanda, inatanong ko ang may birthday kung ano ang gusto niya.   At para James nga, itong lasagna at fied chicken ang hiniling niya na lutuin ko.   Dinagdagan ko na lang ng babyback ribs na hiling naman ng aking aawa at pancit puti naman ay siya naming naging breakfast.


Wala naman kaming bisita.   Ang kapitbahay lang namin na si Ate Joy at Nelson ang nayaya kong sa amin na lang mag-lunch.

Naubos ang handa.  Nagustuhan ng bunso kong si Anton ang lasagna.  hehehehe.

Dalangin ko sa Diyos na sana ay magkaroon pa ng maraming karawan ang aking anak na si James.  Lumaki sana siyang may pagmamahal sa Diyos, sa kanyang mga magulang at sa kapwa.   Nawa'y lagi siyang gagabayan at ingatan lalo na sa pagpuntaniya sa kanyang paaralan.  Sanay ay bigyan pa ako ng Diyos ng lakas para magawa ko ang paghahandang ito para sa kanila.   At ako rin naman hanggat kaya ko pa ay gagawain ko pa rin ito para sa kanila.

Amen


NOTE:   Abangan ang recipes ng mga pagkaing inihanda ko sa mga darating na araw.

Comments

Cecil De Jesus said…
pwede po pahingi ng recipe ng lasagna? thanks!
Dennis Glorioso said…
Hi Cecil..... This afternoon ipo-post ko na yung recipe for lasagna. Abangan :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE