SPAGHETTI with HUNGARIAN SAUSAGES (Hungarian Spaghetti)


Ito yung pasta dish na niluto ko para sa 11th birthday ng aking anak na si Anton.   HIndi ko alam kung may hungarian spaghetti talaga...hehehehe, tinawag ko lang ito na ganito komo nilahukan ko ito ng hungarian sausages.   Bukod sa hungarian sausages, nilagyan ko din ito ng giniling na baboy at chunky tomato sauce with three cheese.  

Pasensya na pala sa pict at medyo madilim.   4am ko naluto yan komo kailangan na maka-prepare ako bago mag-4:30am.   Maaga kasi ang pasok sa school ng tatlo kong anak.   Napagpasyahan namin na sa breakfast na lang ipagluto ng noodles ang may birthday kaya ayun napaaga talaga gami ng gising.   hehehehe.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng may birthday ang aming inihanda kaht simple lang.  hehehe


SPAGHETTI with HUNGARIAN SAUSAGES (Hungarian Spaghetti)

Mga Sangkap:
800 grams Spaghetti Pasta (cooked according to package directions)
5 pcs. HUngarian Sausages (sliced)
400 grams  Ground Pork
4 cups Del Monte Chuncky Tomato with 3 Cheese pasta Sauce
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 tbsp. Sugar
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Olive Oil
Parmesan Cheese

Paraan ng pagluluto:
1.  Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.  Kapag naluto na (1bout 10 mins) hayaan lang sa sabaw na pinalutuan bago i-drain para umalsa ang pasta.
2.  Sa isang kawali (yung kasya ang pasta pag hinalo na) , igisa ang bawang at sibuyas sa oilive oil.
3.  Isunod na agad ang hungarian sausages at giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.  Halu-haluin hanggang sa maluto ang mga sahog.
4.   Isunod nang ilagay ang pasta sauce at timplahan pa ng asin at paminta.  Ilagay na din ang sugar.
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.  Ihalo ang na-drain nang spaghetti pasta sa ginawang sauce.   Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

Ihain habang mainit pa at lagyan ng parmesan cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE