CRISPY PATA at ESPESYAL na SAWSAWAN

Isang espesyal na pang-ulam ang handog ko sa inyo para sa weekend na ito.  Crispy Pata.   Sino ba naman ang hindi mapaprami ang kain kapag ito ang ulam?    hehehehe.   Kaya nga ang mga anak ko ay enjoy na enjoy habang nilalantakan ang crispy pata na ito.   Kawawa naman ang aso, kasi simot na simot ang laman hanggang buto.   hehehehe

Actually, ang pinaka-highlight ng post kong ito ay ang sawsawan.   Although, simpleng suka at toyo lang ito, pero masarap ito at tamang-tama sa simpleng timpla ng crispy pata.   Hindi ko kasi nilagyan ng kung ano-anong pampalasa ang pata haban pinalalambot ito.   Gusto ko kasi na yung natural na lasa ng karne at yung sarap ng sawsawan ang lumutang sa dish na ito.   Try nyo din po.


CRISPY PATA at ESPESYAL NA SAWSAWAN

Mga Sangkap:
1 pc. Pata ng Baboy (back part)
1/2 cup Rock Salt
1 tsp. Freshly crack Black Pepper
Para sa Sawsawan:
1 cup Cane Vinegar
3/4 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 small Onion (chopped)
3 cloves Mince Garlic
1/2 tsp. ground Black pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang pata ng baboy sa isang heavy bottom na kaserola na may tubig, asin at paminta hanggang sa lumambot.   Maaring gawin ito the night bago lutuin at kainin ang pata.   Palamigin.
2.   Bago isalang sa turbo broiler, tusuk-tusukin muna ng tinidor ang paligid na balat ng pata.
3.  Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa mag-pop at pumula ang balat.  baligtarin para maluto din ang kabilang side.
4.   Para sa sawsawan, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap para sa sawsawan sa isang sauce pan.
5.   Isalang ito sa apoy hanggang sa kumulo.   Huwag hahaluin para di mahilaw ang suka.   Hayaang kumulo ng mga 3 minuto.
6.   Tikman ang sawsawan at i-adjust ang lasa.

Ihain habang medyo mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

May katagalan na along Hindi nakakadalaw sa blog mo pero kagyat itong naisip nang muling maharap sa hamon ng pagluluto. Salamat.
Dennis Glorioso said…
Salamat po sa muli nyong pagsuporta sa aking blog. Basta po may katanungan kayo wag pong kayong mag-dalawang isip na iparating ito sa akin.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE