Posts

Showing posts from March, 2014

ISANG ARAW na PUNO ng PAGPAPASALAMAT at MASASARAP na PAGKAIN

Image
Last Sunday March 30 nagkaroon ng isang malaking salu-salo ang pamilya ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Kuya Alex.   Tatlong okasyon ang kanilang ipinagpapasalamat sa araw na yun.  Una, ang blessings ng kanilang bagong bahay, pangalawa ay ang graduation ng kanilang bunsong anak na si Jenny, at pangatlo ay ang kaarawan ng panganay na anak na si Joanna. Tanghalian ang kanilang handa kaya naman Sabado o bisperas pa lang ay niluluto na ang ibang pagkain na ihahanda. Maraming putahe ang nakalapag sa buffet table.   Ako nga parang natakaw sa dami ng klase ng pagkain. May Ginataang Alimango. Hipon na hinalabos sa butter at nilagyan ng cheese. Meron ding Lapu-lapu na may sweet and sour sauce. Fried Tanigue na may Oyster Sauce.   Ako ang gumawa ng sauce nito. :) At mga mga tradisyunal na pagkain sa kanila pag may handaa.   Kagaya nito Pork Afritada. Asadong Baka Adobong Baboy Lumpiang Shanghai Pork Em...

CREAMY TINOLANG MANOK

Image
Dahil na din sa food blog kong ito, natuto akong mga innovate o gumawa ng twist sa mga tradisyunal na nating pagkaing Filipino.  Pansin nyo ba na nitong mga nakaraang araw ang post ko ay mga lumang dish na nilagyan ko ng twist? Yes.  At itong post ko for today ay isa pang tradisyunal na pagkaing Pinoy na nilagyan ng dagdag pa na sangkap para ito mapasarap pa.   Actually, nagaya ko din lang ito at naisipan kong subukan.  Sa una pa lang ay alam ko nang masarap ito.   Bakit naman hindi?   May hindi ba sumasarap kapag nilagyan mo ng cream?   Try nyo din po. CREAMY TINOLANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 2 pcs. Sayote (sliced) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tali Dahon ng Sili 2 thumb size Ginger (sliced) 1 large Red Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 3 tbsp. Cooking Oil or Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang ...

MINATAMIS na KAMOTENG KAHOY sa GATA

Image
One of my favorite merienda nung bata pa ako ang recipe natin for today.   Ang Mnatamis na Kamoteng kahoy.   Kaya di ko maiwasang hindi bumili ng kamoteng kahoy o casava nung minsang makakita ako nito sa palengke nitong nakaraang araw.   Okay din naman para may pang-dessert na din kami. Para maiba naman ng kaunti, nilagyan ko ito ng gata ng niyog at toasted coconut.   Hindi ko rin masyadong tinamisan para lumutang talaga yung lasa ng kamoteng kahoy at para di rin mapasama ang aking diabetis.   Hehehehe.   Masarap siya.   Siguro mas lalo pa itong sasarap kung lalagyan natin ng ginadgad na yelo at gatas.   Tamang-tama sa panahon ngayon na napaka-init.   hehehehe MINATAMIS na KAMOTENG KAHOY sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Kamoteng Kahoy (cut into cubes) 2 cup Kakang Gata Toasted Coconut Sugar to Taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang kamoteng kahoy sa tamang dami lamang n...

HAM and CHICKEN with CREAM

Image
Kapag magluluto kayo ng chicken breast fillet, mainam na ang ilalahok nyo na iba pang sangkap ay yung medyo strong ang flavor.   Matabang kasi ang lasa ng chicken breast.  Kaya naman sa dish na ito, nilahukan ko ito ng smoked ham at red bell pepper. Ang mainam sa dish na ito pwede nyo itong pang-ulam o kaya naman ay ihalo sa ano mang klase ng pasta.   Dagdagan lang siguro ng cream pa para sa sauce ay panalong-panalo ito panigurado ko sa inyong panlasa.   Sabagay, ano ba ang hindi magiging masarap kung may ham, cream, red bell pepper at samahan mo pa ng butter at cheese?   hehehehe.   Winner ito. HAM and CHICKEN with CREAM Mga Sangkap: 4 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (cut into cubes) 200 grams Smokey Ham (cut the same size as the chicken) 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Melted Butter 1 cup Chicken stock 1 pc. medium size Carrot (cut itno cubes) 1 pc. medium size Potato (cut into cubes) 1 pc. large Red Be...

PRITONG LUMPIANG SINGKAMAS na may SISIG

Image
Uso na naman ang singkamas ngayon.  Papalapit na din kasi ang tag-araw at ito ang isa sa masarap kainin.   Kaya naman nang makakita ako nito sa palengke ay bumili ako ng isang tali sa halagang P35.   Ang mura di ba? Unang plano ko para sa singkamas na ito ay gumawa ng sariwang lumpiang singkamas pero nabago ito dahil naisip ko yung request ng pangalawang kong anak na si James na gusto daw niya nung lumpiang prito.   So sa halip na lumpiang sariwa ay ipinirito ko na lang ito. Also, sa halip na hipon ang sahog na aking inilagay, ready to eat na sisig ang aking inilahok.   Nagbigay ito ng masarap na lasa sa lumpia.   Nakakatuwa nga dahil nagustuhan talaga ito ng aking mga anak. PRITONG LUMPIANG SINGKAMAS na may SISIG Mga Sangkap: 2 pcs. large Singkamas (cut into strips) 1 pc. large Carrot (cut into strips) 2 cups Ready to eat Pork Sisig 20 pcs. Lumpia Wrapper 5 cloves Minced Garlic 1 medium size Onion (chopped) 3 tbsp...

GRAHAM MANGO and CREAM

Image
Nag-request ang panganay kong anak na si Jake na gumawa daw ako ng mango graham na dessert.   Dahil kakatapos lang ng kaniyang final exal, minabuti kong pagbigyan ang kanyang hiling.   Pero sa halip na yung simpleng mango graham dessert ang aking ginawa, ginaya ko yung isang recipe na nabasa ko.   Peach Cream Pie ang tawag.   Pero sa halip nga na peach mango ang aking gagamitin. Halos pareho din lang ang mga sangkap, yung gelatin powder lang ang nadagdag. Pero aaminin ko sa inyo, hindi pareho ang kinalabasan ng aking ginawa as compare dun sa picture na nasa recipe na ginaya ko.   Hindi nabuo yung cream niya at malabnaw pa din kahit na nalagay ko na sa freezer.   Hindi ko alam kung bakit nagkaganun.   For sure, sinunod ko naman ang mga sangkap at pamamaraan. Ang iniisip ko ngayon, hindi kaya dapat niluto muna talaga yung gelatin powder at saka inihalo ang cream?   Ito ang ilalagay ko procedure ng recipe...

HARDINERA ala DENNIS

Image
Batay sa aking nabasa dito din sa net, ang Hardinera ay isang espesyal na pagkain o ulam sa probinsya ng Quezon na inihahanda sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta at iba pa. Actually, madali lang itong lutuin.   Para ka din lang nagluto ng menudo.   Yun lang medyo may karamihan ang sangkap nito.   Parang kapareho din ito ng Everlasting ng Marikina.   Pero ang pagkakaiba lang ay giniling na baboy ang ginagamit naman ng taga-Marikina. Ang ikinalulungkot ko lang sa bersyon kong ito ay yung hindi lumutang yung design ng gulay na nilagay ko sa bottom ng hulmahan.   Hindi katulad nung nakikita natin sa original recipe na nakakatakam talaga yung itsura niya.   But anyway, satisfied ako sa bersyon ko nito.   Hindi man ganun ka-kumpleto ang mga sangkap na ginamit ko, masarap pa rin talaga ang kinalabasan. HARDINERA ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (menudo cut) 1 pc. large Potato (cut into cu...

BURGER STEAK with MUSHROOM GRAVY

Image
Paborito ng mga anak kong sina Jake at James yung Ultimate Burger Steak ng Jollibee.   Kaya naman naisipan kong gumawa din ng ganito sa bahay.   No.  Hindi ito ang recipe ng burger sa Jollibee.   Yung recipe ng burger ay nakuha ko lang din dito sa net.   Nagustuhan ko ang recipe na ito dahil masarap talaga at juicy na juicy pa. BURGER STEAK with MUSHROOM GRAVY  Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Lean Beef 2 small size Fuji Apples (grated) 1 large White Onion (chopped) 1/2 cup flour 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) Salt and pepper to taste 1 head minced Garlic For the Gravy: 1 small can Sliced Mushroom 2 tbsp. Flour 2 tbsp. Melted Butter Salt and pepper to taste Side Dish: 3 pcs. large Potato (cut into sticks) Cooking oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa  isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap para sa burger.   Haluin na mabuti at hayaan muna ng ilang sandali. 2.   Mag-form ng parang ...

CHICKEN ADOBO sa SAMPALOK

Image
Nanonood ba kayo ng programang Umagang Kay Ganda sa Channel 2?   Ako nanonood araw-araw habang naghahanda ako ng breakfast namin at naghahanda na din sa pagpasok sa trabaho. Bukod sa mga sariwang balita na mapapanood mo sa programang ito sa umaga, may isang portion sila dun kung saan nagpi-feature sila ng mga lutuin na luma man pero nilalagyan ng twist.   Kagaya nitong adobo dish na ito na ginawa ko.   Alam naman natin kung papaano na magluto ng adobo.   Kahit saang lugar ay may kani-kaniyang bersyon ng adobo.   Pero nito lang ako naka-dinig ng adobo na sampalok ang ginamit na pang-asim sa halip na suka.  Yes.  Suka.   Nagluto sila sa programang yun ng adobong baboy at alimango at sampalok powder nga ang ginamit na pangasim.  Sinubukan ko nga at okay naman ang naging lasa.   Subukan nyo din po. CHICKEN ADOBO sa SAMPALOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 small sachet Sin...

HAM and BABY POTATO SALAD

Image
Siguro ang pinakamadaling gawin na dish ay itong salad.   Basta kasi paghalu-haluin mo lang ang mga sangkap, lagyan mo ng dressings okay na.  Yung iba may kaunting luto din. Pero papaano ba gumawa ng isang salad kagaya nitong potato salad na ginawa ko na mapapasarap mo talaga gamit lamang ang kaunting mga sangkap.  Yun ang gusto kong i-share sa inyo sa post ko na ito. Kung gagawa ka ng potato salad, mainam na pakuluan o lutuin mo ang patatas sa sabaw na pinaglagaan ng manok o baboy.   Manok kung chicken ang sahog mo pang iba sa potato at baboy naman kung ham ang ilalagay mo kagaya nitong nasa picture.   Kung manok, sinasabay ko na ang laman o pitso ng manok sa paglalaga ng patatas.   Pwede din naman na chicken or pork cubes ang gamitin.   Concetrated na din naman kasi ang lasa nito. Sa pamamagitan ng ganitong proseso mas nabibigyan natin ng lasa ang patatas na gagamitin.   So kahit kaunti lang ang laman na il...

LIEMPO INASAL

Image
Ang salitang inasal ay bisayan word na ang ibig sabihin ay inihaw (I hope tama ang nabasa ko :)).  Pwede itong manok, baboy, baka at iba pa.   Last March 14, may na-received akong message mula sa isang regular na tagasubaybay ng food blog kong ito.   Ang pangalan niya ang Edwin Shan.   Nagtatanong siya kung pwede daw wala nang lemon soda ang recipe ng inihaw na gagawin niya.   Tinatanong din niya kung may recipe ako na pang-commercial selling dahil nagpa-plano siyang mag-bukas ng ihawan na restaurant. Straight to the point ang aking naging sagot sa kanya.   Mainam kako na huwag tipirin ang recipe ng inihaw na ibebenta niya.   Mas mainam na kumpleto ito para masarap at balik-balikan ng mga customer.   Basta kako i-compute niya muna ang cost niya para ma-presyuhan niya ng maganda ang kaniyang ititinda.   Ang mga pinoy naman basta masarap ang kanilang nakakakain ay okay naman sa kanila ang magbayad ...

TINAPANG BANGUS SPRING ROLL

Image
Sa mga Katolikong Kristyanong katulad ko nakaugalian na natin na hindi kumain ng karne tuwing Biyernes sa panahon ng kuwaresma.   Ito'y bilang isang maliit na sakripisyo na din sa mga panahong ito ng pagninilay.  At para sa Biyernes na ito, gusto kong i-share sa inyo itong pritong lumpia na may palamang tinapang bangus.   Actually, na-kopya ko din lang ang recipe na ito dito sa net at nilagyan ko na lang ng added twist para mas lalo pa itong mapasarap. TINAPANG BANGUS SPRING ROLL Mga Sangkap: 3 pcs. Medium size Tinapang Bangus 1 cup Grated Cheese 1 cup Mung Beans (toge na bago pa lang sumisibol) 1 pc. Large White Onion (finely chopped) 5 cloves Minced Garlic 2 pcs. Tomatoes (chopped) 1 pc. Egg (beaten) 1/2 cup Flour Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying 40 pcs. Lumpia Wrapper (small size) 1 tbsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.   Himayin ang laman ng tinapang bangus. 2.   Sa isang kawali igisa ang bawa...

CHICKEN ALOHA

Image
Another dish na napakadali lang gawin o lutuin.   Actually, para din lang siyang Pininyahang  Manok kaso wala itong evaporated milk o gata. Tinawag ko din itong Chicken Aloha komo yung pineapple ring ang ginamit ko dito at sinamahan ko pa ng diced na mansanas.  Masarap ito.  Lasa mo talaga yung fruity flavor ng pinya at mansanas.   Ayos na ayos din ito sa mga baguhan pa lang sa pagluluto dahil napakadali lang gawin.   Try it. CHICKEN ALOHA Mga Sangkap: 5 pcs. Chicken Legs (cut into thigh and drumsticks) 1 can Pineapple Rings (itabi yung syrup) 2 pcs. Apple (cut into cubes) 5 cloves minced Garlic 1 large Red Onion (sliced) 1 thumb size Ginger (grated) 1/2 cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 2 tbsp. Butter Salt and pepper to taste 1 head mince Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang bawat piraso ng manok ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa isang non-stick na kawali i-brown a...

BRAISED PORK BELLY in LEMON SODA

Image
Braising ay isang paraan ng pagluluto kung saan pinipirito muna ng bahagya ang karne at saka lulutuin sa sauce hanggang sa lumambot ito.   Pangkaraniwan ay sa medyo may katigasang karne ito ginagawa kagaya ng karne ng baka.   Masarap ang ganitong klaseng luto.   Nanunuot kasi yung flavor ng karne dahil naluluto siya sa sarili niyang flavor. At itong Braised Pork Belly in Lemon Soda na ito ang isa sa mga nagawa ko nang dish gamit ang ganitong paraan ng pagluluto.   Actually madali lang siyang gawin.   Kahit nga baguhan lang sa pagluluto ay tiyak kong magagawa ito. BRAISED PORK BELLY in LEMON SODA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into 1/2 inch thick and 3 inches long) 1 can Lemon Soda (Sprite or 7Up) 1/2 cup Chopped Lemon Grass (white or lower portion only) 1 head minced Garlic 1 cup Soy Sauce 1 tsp. Freshly ground Black Pepper 2 tbsp. Brown Sugar Salt to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.  ...

PORK ADOBO in RED WINE

Image
Last February 7 naka-received ako ng email mula sa researcher/staff ng Rated K ni Korina Sanchez.   Naghahanap daw sila ng kakaibang luto ng Adobo at itong Pork Adobo ko na may Red Wine ang nakatawag ng pansin nila.   Hinihingi nila ang contact number ko para matawagan daw ako.   Ang problema, sa sobrang busy ko sa aking work, February 13 ko na nabasa ang email na yun at naipalabas na rin yung segment nila tungkol sa adobo.   Hehehehehe.   Nai-post ko nga ito sa aking FB account at sila man ay nanghinayang din.   hehehehe. Ok lang naman sa akin.  Katwiran ko kasi..."Kung hindi ukol..hindi bubukol".   hehehehe.   May next time pa naman.   hehehehe.   After nito, para tuloy akong nag-crave sa pork adobo na may wine.   hehehehe.   At itong post kong ito ang kinalabasan.   Medyo may ibang pamamaraan ako sa pagluluto na ginawa para maiba naman din. ...

CHICKEN and CHINESE SAUSAGE STEW

Image
Panahon pala ng kamatis ngayon.  Kaya naman ng madaanan ko ang nagtitinda nito sa may palengkeng nadadaanan ko, bumili ako ng 1 kilo.   Nakakatuwa kasi bukod sa mura ang kilo, sariwang-sariwa talaga ito at mukhang bagong pitas pa.  Nandun pa kasi yung tangkay ng kamatis. At ito ngang sariwang kamatis na ito ang ginamit ko sa aking chicken stew sa halip na tomato sauce.   Tamang-tama naman dahil manamis-namis ang lasa nito at nag-blend talaga sa malasang flavor ng chinese sausage.   Dumagdag pa ang flavor ng dried basil at yung cheese, winner talaga ang lasa ang dish na ito.  Try nyo din po. CHICKEN and CHINESE SAUSAGE STEW Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs 6 pcs. Tomatoes (chopped) 3 pcs. Chinese Sausage (sliced) 1/2 cup Cheese (grated) 1/2 tsp. Dried Basil 1 large Onion (chopped) 5 cloves Minced Garlic 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste 1/2 tsp. Maggi Magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1.   S...

PORK MORCON

Image
Originally, ang morcon ay isang beef dish na pangkaraniwang nakikita lamang natin sa mga fiesta at mga importanteng okasyon.   Medyo matrabaho din itong lutuin at may karamihan ang mga sangkap na ginagamit.   Kaya naman hindi pa ako nakakapag-try na gumawa nito. But this time sa kagustuhan kong makapagluto ng morcon, pinasimple ko ang mga sangkap at paraan ng pagluluto.   Isa pa, sa halip na karne ng baka, karne ng baboy naman ang ginamit ko.   Actually, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dish na ito.  Medyo kulang-kulang ang mga sangkap na ginamit ko pero hindi natipid ang lasa at sarap ng finish product. Ang ibabahagi ko sa inyo ay ang eksaktong mga sangkap at paraan ng pagluluto na ginawa ko.   I'm sure magugustuhan nyo din ito katulad ng mga anak ko.   Try nyo din po. PORK MORCON Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (pahiwa sa butcher ng maninipis at buo) 6 pcs. Frankfurters Sausages 1 large Car...

FRIED OREO DESSERT

Image
May nakainan kaming isang bar dito sa Makati malapit lang sa pinapasukan kong opisina at hindi ko makalimutan yung dessert na na-served.   Kahit nga ang mga kasamahan ko ay nagustuhan ito.   Habang kinakain ko yung sa akin pilit kong nire-reconstruct kung ano-ano ang mga sangkap na inilagay dun sa dessert.   Oreo cookies kasi siya na coated ng batter pinirito at ska nilagyan ng vanilla ice cream sa ibabaw at kung ano-anong toppings. FRIED OREO DESSERT Mga Sangkap: 1 pack Oreo cookies 1 box 250 grams Pan Cake Mix 1 pc. Fresh Egg 2 tbsp. Melted Butter Chocolate Syrup Chocnut Candy bar Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl gumawa ng pancake mix according to package direction.   Yun lang bawasan ang dami ng tubig na ilalagay para mas malapot ang batter na magagawa. 2.   Ilubog sa batter mix ang mga oreao cookies at ipirito ng lubog sa manitika hanggang sa maluto.   hanguin s...

MIYERKULES de ABO - Simula ng Kwaresma

Image
Today is Ash Wednesday o Miyerkules de Abo.   Sa mga Katolikong Kristyano kagaya ko, ito ang opisyal na simula ng Kuwaresma o ang apatnapung araw na paghahanda sa pagkabuhay ng ating Panginoong si Hesus. Sa araw na ito, pumupunta tayo sa mga simbahan para magpalagay ng abo sa ating noo bilang paalala sa atin na sa abo tayo nagmula at sa abo din tayo babalik.  Sa mga panahong ito ng kwaresma lalo na pag Miyerkulas de Abo at Biyernes Santo, hinihikayat tayo ng simbahan na mag-ayuno at huwag kumain ng karne bilang sakripsiyo. Komo ito ay isang food blog, minarapat kong magbahagi ng mga putahe na pwede nating ihanda o lutuin para sa ating mga pamilya:    Pwede itong Sinigang na Ulo ng Salmon sa Miso.  O itong Cream Dory fillet with Creamy Garlic and herb Sauce. Masarap din ito Shrimp Chopsuey sa mga mahilig sa gulay.  O itong Inihaw na Bangus na may palamang sibuyas, kamatis at red bell pepper. Kung medyo may budget naman pwede di...

TORTANG GINILING

Image
Look how perfect ang ginawa kong Tortang Giniling gamit ang aking bagong toy.   hehehehe.   Yes.  Ang aking bagong ceramic na kawali.   Sobrang excited talaga akong magamit ang ceramic pan na ito sa aking mga lutuin at perfect nga kako ito sa torta dishes. Yung pinakamaliit na kawali ang aking ginamit kaya tamang-tama sa laki ng torta na aking niluto.  Ang mainam sa kawaling ito hindi mo na kailangan lagyan ng mantika.  Pansin nyo ba na hindi mamantika ang finish product ko?   Bale yung pinang-gisa ko lang sa giniling ang ginamitan ko ng mantika.   Yung giniling na baboy naman ay lean part.  Nakakatuwa dahil maganda at masarap ang kinalabasan ng aking unang dish gamit ang aking bagong toy.   hehehehe TORTANG GINILING Mga Sangkap: 1/2 kilo Giniling na Baboy (lean) 2 cups Mixed Vegetables (green peas, carrots and corn) 1 large Potato (cut into small cubes) 3 tbsp. Oyster Sauce 1 large Tomato (sli...

MY NEW TOY

Image
Mula nung nakita ko sa Home TV Shopping ang produktong ito gusto ko na magkaroon din ako nito.   Para kasi kakong ang galing nito as compare dun sa mga non-stick na nabibili din sa merkado.  Kaso may kamahalan ang presyo.  Kahit nga nung nakaraang Pasko sa aming exchange gift, ito ang hiniling ko sa aking monito/monita na ibigay sa akin, kaso hindi natupad komo mahirap itong mahanap sa mga ordinaryong store. Until makita kong naka-sale ito sa isang sikat na online shopping site dito sa net.  Imagine, P3,800 ang original na presyo nito at nakuha ko lang ng P1,299.   Good deal di ba?  Kaya naman nag-order ako agad. Yes...itong Ceramic Pan na ito ang bago kong toy na tinutukoy ko.   Gusto kong magkaroon nito para hindi masyadong hazzle ang pagluluto na love na love kong gawin.   Bukod kasi sa non-stick nga ang kawaling ito, ang dali pa nitong linisin.   At nito ngang nakaraang Linggo nasubukan ko ang galing nito s...