GARLIC CRUSTED BAKED PORKCHOPS

Easter Sunday ay nagpasya kaming bumalik na ng Manila mula sa aming Holy week vacation sa Batangas para makaiwas na din sa traffic ng lahat na magbabalikan ng Manila.   Pero bago kami umuwi ay nag-simba muna kami sa simbahan ng San Jose para syempre magpasalamat.

12:00 noon na din kami ng maka-dating ng bahay at gutom na din ang mga bata dahil sa byahe.   Buti na lang at may natira pang porkchops na minarinade ko sa garlic powder at garlic breading mixes na naging ulam namin bago kami umuwi ng Batangas.   Komo nagmamadali na ako na makaluto, naisipan kong i-turbo broil na lang ito at kataon kako na sabay maluluto ito ng sinaing.   At habang niluluto ko ang kanin at ulam, gumawang enseladang pahutan na nabili namin sa Batangas.   Tamang-tama ang enseladang ito sa porkchops na tinuturbo ko.   Ayun busog na busog at naging masarap ang aming kain.



GARLIC CRUSTED BAKED PORKCHOPS

Mga Sangkap:
10 pcs. Porkchops
1 sachet Garlic Flavor Breading Mix
1 tbsp. Garlic Powder
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang porkchops sa asin, paminta at garlic powder.   Hayaan ng 1 oras.   Overnight mas mainam.
2.   Sa isang plastic bag ilagay ang porkchops at ang garlic flavor breading mix.   Hayaan muli ng 1 oras.   Overnight mas mainam.
3.   Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa medyo pumula ang magkabilang side ng porkchops.

Ihain na may enseladang pahutan sa side.   Ang enseladang pahutan ay pinaghalong hiniwang pahutan (maliliit na manga), kamatis, sibuyas at bagoong balayan.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)