Posts

Showing posts from August, 2014

CAMARON REBOSADO

Image
Nag-uwi ng hipon na nabalatan na ang aking asawang si Jolly nitong nakaraang araw.   Nabili ata niya ito sa kanyang ka-officemate na ang asawa ay nagwo-work sa isang chinese restaurant at nakipabili siya sa pinagkukuhanan nito. HIndi naman kalakihan yung hipon pero nabalatan na ito at wala nang ulo.  Unang kita ko pa lang nito ay isang luto lang ang nasa isip ko.   Gagawin ko itong Camaron Rebosado. Ang Camaron Rebosado ay Spanish inspired dish na counter part ng Ebi Tempura ng mga Hapon.   Sa nakalakihan kong luto nito, tinitimplahan ng katas ng calamansi ang hipon, nilulubog sa harinang may itlog at saka piniprito.   Masarap ito na pang-ulam o pampagana na dish. Narito naman po ang version ko. CAMARON REBUSADO Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Shrimp (alisin ang balat, ulo at yung bituka) 2 cups All Purpose flour 2 pcs. Fresh Eggs 5 pcs. Calamansi Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng paglulut...

GINULAY NA MAIS

Image
Matagal na akong hindi nakaka-kain ng Ginulay na Mais.  Noong araw kasi nagluluto ng ganito ang aking Inang Lina lalo na pag panahon ng mais.   Ang sarap kainin o higupin nito lalo na ngayon maulan ang panahon.   Masarap ding i-pair ito sa mga pritong isda, manok o baboy man. Nitong araw may nakita akong binebentang sariwang mais sa palengke na aking nadaraanan.   Naisipan kong bumili ng 1 kilo o apat na piraso para nga makapagluto na ako nitong ginulay na mais. Also, sa nakalakihan kong recipe ang isinasahog ng aking Inang ay giniling na baboy at hipon.   Sa version ko naman, tira-tira manok ang aking inilagay.   Nakakatuwa dahil nagustuhan ito ng aking mga anak lalo na ang bunso kong si Anton. GINULAY NA MAIS Mga Sangkap: 1 kilo Fresh na Mais (gayatin at alisin sa busal) 1 Whole Chicken Breast Malungay leaves 1 tsp. Sugar or 1 tsp. Magic Sarap 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil ...

TINUTUNGANG MANOK ala MAK

Image
Ang Tinutungang Manok ay isang dish na nagmula sa probinsya ng Bicol.   Natutunan ko ito sa pinsan kong si Mak nang i-post niya sa FB nung niluto niya ang dish na ito.   Sa picture kasi na pinost niya ay katakam-takam naman talaga ang itsura and I'm sure na masarap ito talaga.   Kaya naman nag-message ako sa kanya at nagpaturo kung papaano ito lutuin. Actually, ang dish na ito ay para din lang tinolang manok.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan ito ng gata ng niyog at medyo maanghang.   Yun lang may kahirapan ang pagpe-prepare ng gata.   Kailangan kasing sunugin ng bahagya ang kinudkod na niyog sa baga para makuha yung smokey o tutong na lasa.   Medyo matrabaho pero sulit naman kapag natikman nyo na ang finished product.   Yummy!!!!! TINUTUNGANG MANOK ala MAK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (about 1.5 kilos) cut into serving pieces 1 medium size Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki)...

PORK & VEGETABLE LASAGNA

Image
Kapag nagbe-birthday ang aking mga anak, tinatanong ko sila kung ano ang gusto nilang iluto para sa kanilang handa.   Kagaya nitong nakaraang birthday ng anak kong si James.   Lasagna ang gusto niyang lutuin ko kaya pinagbigyan ko naman. Sa tatlo kong anak, ang anak ko si James ang pahirapan talagang pakainin ng gulay.   Ewan ko ba kung bakit?   Samantalang lumaki naman silang pare-pareho ang kinakain.   Kaya ang ginawa ko sa hiling niyang Lasagna, nilagyan ko ng mixed vegetables.   hehehehe.   Ayos din naman at nagustuhan niya.  PORK & VEGETABLE LASAGNA Mga Sangkap: 500 grams Lasagna Pasta (cooked according to package directions) 750 grams Ground Lean Pork 300 grams MIxed Vegetables (carrots, green peas, corn) 1 big can Sliced Mushroom 4 cups 3 Cheese Pasta Sauce (Clara Ole) 1 tsp. Dried Basil 3 tbsp. OLive Oil 1 cup Grated Cheese 1 head Minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt and pepp...

CULINARY TRAINING with ALASKA

Image
Last Saturday August 23, nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-attend ng culinary class kaloob ng Alaska Crema as part ng aking premyo sa pagkakapanalo sa kanila Alaka Kitchen Challenge 2.   Ang nag-conductng klase ay si Chef Kaisen Padilla.   Kasama ko nga pala ang aking asawangsi Jolly sa training na ito. Lima kaming nanalo sa pa-contest na yun at ginrupo per dish na lulutuin.   Kami ng aking asawang si Jolly ang unang sumalang sa paggawa ng dessert na apple pie. Habang nagpapaliwanag si Chef, busy naman kami ng asawa kng si Jolly sa paggawang pie filling at crust. Ofcourse dine-demo munani Chef bago kami pinagawa.  Above ay ang nagawa kong  apple pie filling. Natapos ang klase bandang tanghalina atang mga pagkaing aming niluto ay aming pinagsaluhan. Unang sinerve ang French Onion Soup na naubos ko talaga dahil sa sarap. At ang main course na may Thai Beef Salaf, Kimchi Fried Rice at Pork Cordon Bleu.  At ang dessert na a...

NUTTY YEMA CAKE ala DENNIS

Image
Ito ang cake na inihanda ko para sa 14th birthday ng pangalawa kog anak na si James.   Uunahan ko na kayo hindi ako ang nag-bake nung pinaka-tinapay ng cake kundi binili ko lang.   Wala naman kasi kaming oven.   hehehehe.   Bale ang ginawa ko lang ay yung yema na inilagay ko sa cake. Yung mamon o tinapay na ginamit ko ay binili ko lang sa Salazar bakeshop sa may Farmers Plaza sa Cubao.   Actually steam cake siya kaya masarap at malambot talaga. Also, pangkaraniwang yema cake na  nakikita natin ay grated cheese ang inilalagay na toppings.   Pero ito sa akin, naisipan kong nuts naman ang ilagay.   Cashew o kasoy ang aking inilagay.   Tamang-tama dahil nagbe-blend yug lasa nito sa tamis ng yema at ng cake. Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking asawang si Jolly.   Yummy talaga!!! NUTTY YEMA CAKE ala DENNIS Mga Sangkap: 12x12 Ready to eat Chiffon Cake 2 can Condensed Milk ...

TURBO BROILED CRISPY PATA

Image
Medyo mahirap din ang maglutong crispy pata.   Dalawang beses mo itong lulutuin at ang pinakamahirap na part ay yung pagpi-prito.  Bukod sa magastos ito sa mantika,delikado din ito sa pagtilamsik ng mantika habang piniprito. Kaya mas mainam na lutuin na lang ito sa turbo broiler.  Bawas mantika na, bawas sa trabaho at iwas din sa tilamsik ng kumukulong mantika. Also, sa recipe na ito, nag-inject ak ng flavor sa pata at tip para mapalutong ang balat.   Try nyo po. TURBO BROILED CRISPY PATA Mga Sangkap: 1 whole Pork Leg  Pata ng Baboy Tanglad 1 head Garlic (balatan lang) 2 pcs. Onion (quartered) 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Whole Pepper Corn Paraan ng Pagluluto: 1.   Hugasang mabuti ang pata at hiwaan ng sagad hanggang buto ng dalawang beses sa magkabilang side. 2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang tanglad, sibuyas at bawang. 3.   Ipatong sa mga sangkap ang bata at saka ilagay ang asin at paminta.   Lagyan na di...

JAMES 14th BIRTHDAY DINNER

Image
Yesterday August 19, nag-celebrate ng kanyang 14th Birthday ang pangalawa kong anak na si James.   At kagaya ng aking nakagawian, tinatanong ko ang anak kong may birthday kung ano ang gusto niyang lutuin ko para sa kanyang kaarawan.   Sa anak kong si James, gusto daw niya ng Lasagna.   At yun nga ang aking niluto. Bukod dun, nagluto din ako ng crispy pata na niluto ko sa turbo broiler.   Mayroon ding southern style fried chicken, dragon fruit and lettuce salad at nutty yema cake.   Bumili din ang asawa kong si Jolly ng cake para sa may birthday. Wala namang ibang bisita, kami-kami din lang.   Niyaya ko lang ang kapitbahay kong si Ate Joy na sumalo sa amin.   Gayun pa man, naging masaya ang aming celebration. Hanggang sa muli.....

SINAING NA TULINGAN

Image
Hindi ko nakalakihan na mag-ulam ng isdang tulingan.   Wala naman kasi nito sa amin sa Bulacan.   Pero nung nag-kaasawa ako ng taga Batangas (ang asawa kong si Jolly) noon ko natikman at na-appreciate ang masarap na isdang ito.   Dito ko din nalaman na pinapatuyo pala ang kamyas at ito ang ipinang-aasim sa sinaing na tulingan.   At dito ko din nalaman na hindi lang pala ang bigas ang sinasaing kundi ang isda din.   Hehehehe. Natutunan ko ang pagluluto ng Sinaing na Tulingan sa aking biyenang si Inay Elo.   Maging ang preparation sa isda ay itinuro din niya sa akin.   Matagal niluluto ang dish na ito kaya pasensya talaga ang kailangan.   Dapat kasi matagal itong lutuin para mag-patis yung isda na siyang nagpapasarap dito.   Also, sa palayok ito niluluto at pinabalot ng dahon ng saging ang isda para siguro hindi basta-basta madurog.   Ito pong version ko ay yun pung simplified version....

SIOMAI MISUA at PATOLA SOUP

Image
Kapag ganitong maulan ang panahon hindi ba masarap ang humigop ng mainit na sabaw?   Ofcourse walang tatalo sa nilagang baka o sinigang na baboy, pero bakit di nyo i-try itong siomai at patola na nilagyan ng misua?   I'm sure magugustuhan nyo din ito.   Ang mainam dito napakadali lang nitong lutuin.  Try nyo din po. SIOMAI MISUA at PATOLA SOUP Mga Sangkap: 30 pcs. Pork & Shrimp Siomai  (available in supermaket) 2 pcs. Fresh Patola (balatan then slice) 3 pcs. Misua Noodles 1 liter Pork Stock or 2 pcs Pork Cubes in 1 liter of water 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 2.   Ilagay na agad ang pork stock o 1 liter na tubig at 2 pcs. pork cubes. 3.  Kapag kumulo na ang sabaw ilagay na ang patola, siomai at misua noodles. 4.   Timplahan ng asin at paminta. ...

SINIGANG na HIPON sa MANGGA

Image
Ang sinigang ay isa sa mga pagkaing pinoy na ginagamitan ng pampa-asim para umasim ang sabaw nito.   Kadalasan ay sampalok ang ating ginagamit pero marami din ang gumagamit ng bayabas, calamansi, santol at maging manggang hilaw. Yes, at ito ngang manggang hilaw ang ginamit ko sa sinigang na hipon na ito na aking niluto nitong nakaraang araw.   Mas mainam na yung maasim na mangga ang inyong gagamitin para kapit na kapit talaga ang asim sa sabaw.   Ang sarap pa namang humigop nito lalo ngayong maulan ang panahon.   Hehehehehe. SINIGANG na HIPON sa MANGGA Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Shrimp o Hipon 1 pc. large size Manggang Hilaw (hiwain ng maninipis) 4 pcs. Tomatoes (quartered) 1 large Onion (sliced) 1 pc. Labanos (sliced) 1 tali Okra 1 tali Sitaw Siling pang-sigang Talbos ng Kangkong Salt or Patis to taste 1 liter Hugas Bigas Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola pakuluan ang hugas bigas, hiniw...

BON CHON STYLE FRIED CHICKEN

Image
Ito ang fourth dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Bon Chon Style Fried Chicken. Sa totoo lang, 1 beses pa lang ako naka-kain nitong Bon Chon Chicken na ito.  Una sa napansin ko ay yung pagkalutong ng breadings na nakabalot sa manok.   Para ngang nasa shell na yung wings.   hehehehe. Hindi ako masyadong na-impress sa fried chicken na ito.   Para kasing yung sauce lang ang nagdadala dun sa fried chicken.   Well opinion ko lang yun.  Kaya nga sa version kong ito, minarinade ko sa katas ng calamansi ang chicken wings para magkalasa din ito.   Masarap!   Nagustuhan din naman ng mga bisita ko. BON CHON STYLE FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 15 pcs. Chicken Wings (cut bon chon style) 2 cups Rice Flour 1 tbsp. Garlic powder 1 pc. Egg (beaten) Cold Water 8 pcs. Calamansi 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Coking Oil fro Frying Paraan ng paglul...

CHICKEN LIVER and MIXED VEGETABLES in CREAM

Image
Ito ang isa pa sa mga pagkaing aking inihanda para sa kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Chicken, Liver and Mixed Vegetables. Last minute ko lang ito naisip na lutuin.   Para kasi kakong parehong tuyo o wala man lang sauce yung unang dalawang dish na naisip kong lutuin.   Isa pa, madali lang itong lutuin at sa tingin ko ay magugustuhan ito ng aking magiging bisita.   Yun lang, kulang ito ng itlog ng pugo.  Wala kasi akong mabili na itlog ng pugo sa SM supermarket na pinuntahan ko.   Pero ganun pa man, masarap at nagustuhan ng aking bisita ang dish na ito.   Try nyo din po. CHICKEN LIVER and MIXED VEGETABLES in CREAM Mga Sangkap: 500 grams Chicken Breast Fillet (cut into bite size pieces) 500 grams Chicken Liver (cut into bite size pieces) 500 grams Mixed Vegetables (green peas, carrots, corn) 1 pc. Red Bell Pepper (cut into small cubes) 2 cups All Purpose Cream 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion ...

CEBU STYLE LECHON BELLY

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko para sa birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Cebu Style Lechon Belly. Actually, marami na din akong recipes ng lechon belly sa archive.   Pero ang isang ito ay natutunan ko sa isang grupo ng culinary students from Cebu na nanalo sa isang  cooking challenge.   Tinandaan ko talaga kung papaano nila ito niluto at ito na nga ang kinalabasan.   Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking kumareng Rose at kumpareng Darwin na bisita ko nung gabing yun. CEBU STYLE LECHON BELLY Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba) 1 pc. large Onion (chopped) 1 head Minced Garlic Leeks (chopped) Tanglad o Lemon Grass (white porton only,  pitpitin) 1 tsp. Fresh ground Black pepper Rock Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa parteng laman ng pork belly, hiwaan ito hanggang kalhati ng kapal ng karne.   Lagyan ng hiwa na 1/2 inch ang pagita...

BACON and PESTO PASTA

Image
Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Bacon and Pesto Pasta. Pag narinig natin yung word na pesto, parang ang sosyal sosyal ng dating at parang napaka-kumplikado din lutuin.   But actually, madali lang ito at mura lang ang magagastos.   Kakaiba at tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong mga bisista ang pasta dish na ito. BACON and PESTO PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 500 grams Smokey Bacon (sliced) 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Olive Oil 2 cups Grated Cheese Salt and pepper to taste For the pesto: 100 grams Fresh Basil Leaves 1 cup Olive Oil 100 grams Cashew or Pili Nuts 2 heads Garlic 1 tbsp. Whole Pepper Corn 1 tetra brick All Purpose Cream Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.   Huwag i-overcooked. 2.   Gamit ang blender, ilagay ang lahat na sangkap para sa pe...

ANTON'S 12TH BIRTHDAY

Image
Hindi ako nakapag-post kahapon August 8 dahil birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Kahit medyo short sa budget ginagawan ko talaga ng paraan na maipaghanda sila kahit papaano. Sa school na kanyang pinapasukan ay nagkaroon din ng maliit na selebrasyon. Nagdala lang ng J.Co na donuts ang aking asawang si Jolly para sa kanyang mga ka-klase atmga guro. Nakakatuwa naman at maging ang kanyang adviser na si Mrs. Juanson ay gumawa sa kanilang computer ng greetings para sa aking anak. Simple lang ang dinnerna aking inihanda para sa may birthday.   Pasta with Bacon and Pesto, Cebu Style Lechn Belly, Bon Chn Style Fried Chicken, Chicken Liver and Mixed Vegetables in Cream at Blueberry Cheese Cake at Fruits para sa dessert.   Wala naman kaming ibang bisita.   Ang ninong lang ng may birthday na si Pareng Darwin at kasama ang kanyang asawang si Mareng Rose. Nakakatuwa nga ang may dalapa silang cake na sobrang sarap.  Salamat :) Natapos ang g...

CHEESY BACON and EGG SCRAMBLED

Image
Yes marunong akong magluto pero sa totoo lang hirap na hirap ako mag-isip basta pang-ulam sa almusal ang gagawin.   Medyo nakakasawa na din kasi yung pangkaraniwan na kinakain natin sa almusal.   Minsan sinubukan kong cereals naman pero ayaw ng mga anak ko at madali daw silang ginugutom.   Sabagay, iba naman talaga kapag kanin ang ating kinain sa almusal. Hindi ko matandaan kung nakapag-post na ako nitong Cheesy Bacon and Egg Scrambled na ito na almusal namin nitong nakaraang araw lang.   Pero super yummy ang dish na ito.   Pwedeng i-ulam sa kanin o sinangag at pwedeng-pwede din sa tinapay.   Try nyo din po. CHEESY BACON and EGG SCRAMBLED Mga Sangkap: 300 grams Smokey Bacon (cut into abount 1/2 inch long) 5 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 cup grated Cheese 2 pcs. Tomatoes (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. medium size Onion (sliced) 1/2 cup melted Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

CHICKEN MUSHROOM and BROCCOLI in OYSTER SAUCE

Image
Dapat sana ay gagwin ko lang fried chicken ang mga chicken drumsticks na ito na nabili ko nitong nakaraang pag-go-grocery namin.   Kaya lang naisip ko, pritong manok na naman?   Parang boring na ang dating nito sa akin. Kaya naisipan kong lutuin ito sa mushroom at oyster sauce.   Naisipan ko ding lagyan ng broccoli para mas mapasarap pa ito.   So hindi lang ito mukhang masarap kundi masarap sa lasa talaga.  Hehehehe. CHICKEN MUSHROOM and BROCCOLI in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumsticks 500 grams Broccoli (cut into bite size pieces) 1 small can Sliced Mushroom 1/2 cup Oyster Sauce 1/3 cup Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large size Onion (sliced) 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil Salt and Pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil 1 tbsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika...

SKINLESS PAKSIW na PATA

Image
Una po pasensya na kung ngayon lang po ulit ako nakapag-post ng recipe.   Ginamit po kasi ng asawa kong si Jolly ang digicam na ginagamit ko dito sa blog at kahapon lang po ito naibalik. For today, isang napakadaling dish ang aking handog sa inyo.   Skinless Paksiw na Pata.   Kahit siguro hindi marunong magluto ay kayang-kayang gawin ito.   Bakit naman?   Napakasimple lang kasi kung papaano ito lutuin. Skinless yes kasi walang balat at taba ang nabili kong pata na ito sa Robinsons Supermarket sa Robinsons Galeria.   Ewan ko kung bakit nila ito tinanggal.   Siguro para hindi masyadong nakaka-guilty pag kinakain.   hehehehe. SKINLESS PAKSIW na PATA Mga Sangkap: 1 kilo Skinless Pork Pata 1 cup Vinegar 1 cup Lechon Sauce 1 tsp. Whole Pepper Corn 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1 tbsp. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i...

MARUYA na may GATA

Image
Ang Maruya ay isa sa mga pagkaing pang-meryenda o dessert man na may malaking bahagi sa aking kabataan.   Madalas kasing magluto nito ang aking Inang Lina noong araw at kapag bakasyon ay nagtitinda kami nito sa harap ng aming bahay para may pambili kami ng gamit sa eskwela sa pasukan. Masarap ang pagkaing ito lalo na kung bagong luto.   Sabayan mo pa ng malamig na softdrinks o mainit na kape  man ay panalong-panalo ito. Last Sunday, naisipan kong magluto nito para meryenda ng aking mga anak.    At nang ginagawa ko na ito, nakita ko itong natirang gata ng niyog na ginamit ko sa biko na niluto naman ng nakaraang araw.   Naisipan kong bakit hindi ito ang gamitin kong mag-sabaw sa batter na gagamitin ko para sa maruya?   At yun na nga...Maruyang Saging na nilagyan ng gata ng niyog na mas lalo pang sumarap.  Try nyo din po. MARUYA na may GATA Mga Sangkap: 10 pcs. Saging na Saba (hiwain ng manipis sa tatlo) 2 cups All Pu...