CRISPY ISAW

Nitong nakaraang pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy at naisip kong magluto nitong Crispy Isaw.

Masarap itong pampulutan o kahit appetizer man at kahit pang-ulam ay pwede din ito.   Masarap itong isawsaw sa suka na may sili at bawang.  

Yun lang swertihan din ang pagbili ng sariwang isaw sa palengke.   May mga isaw kasi na medyo mapait ang lasa.   Pero kung sabagay, nawawala na din yung pait kung isasawsaw mo na ito sa suka at kung ito ay crispy na.

So sa mga humihiling na mag-post ako ng mga dish na pang-pulutan, para sa inyo ang post kong ito.


CRISPY ISAW

Mga Sangkap:
1 kilo Isaw ng Baboy
1 tbsp. Rock Salt
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 tsp. Ground Black Pepper
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa mantika.   Lagyan ng tubig at pakuluan sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ito.
2.   Hanguin sa pinaglagaan at palamigin.   Kung malamig na, ilagay sa fridge at hayaan ng overnight.
3.   Hiwa-hiwain sa nais na laki.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maging crispy na ito.
5.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang suka na may bawang, asin at sili.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE