BABY POTATOES & CRAB STICKS in MAYO-CURRY DRESSING



Paborito ng asawa kong si Jolly ang baby potatoes.   Marami-rami na rin akong nagawang recipe para dito. At nito ngang huling pag-go-grocery niya ay nakabili ulit siya nito at eto na nga at ginawa kong salad.

This time crab sticks o kani ang aking nilagay na sahog bukod pa sa cashiew nuts at celery.   Also, bukod sa mayonaise, hinaluan ko din ito ng curry powder para dumagdag sa flavor ng mayonaise.  

Ang sarap ng salad na ito, tamang-tama na pampagana lalo na sa nalalapit na Noche Buena.   Try nyo din po.


BABY POTATOES & CRAB STICKS in MAYO-CURRY DRESSING

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (cut into half)
15 pcs. Crab Sticks (himayin ng pahaba)
75 grams Toasted Cashiew Nuts
3 stalks Celery (cut into small pieces)
2 cups Lady's Choice Mayonaise
1 tsp. Curry Powder
2 pcs. Knorr Chicken Cubes
Freshky Ground Black Pepper
Salt to taste
 
Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang baby potatoes sa kaserolang may kaunting asin at chicken cubes hanggang sa maluto.   I-drain at palamigin.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang mayonaise, curry powder at freshly ground black pepper.   Haluin mabuti.
3.   Ihalo na dito ang nilutong baby potatoes, celery, cashiew nuts at hinimay na crab sticks.
4.   Tikman at i-adjust ang lasa.
5.   I-chill muna sa fridge bago i-serve.

Enjoy!!!!

 

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE