MACARONI BACON & CHEESE OVERLOAD

Pag naghahanda tayo ng pagkaing pang-Noche Buena hindi mawawala syempre ang pasta dishes at unang-una na dito ang spaghetti na paborito ng mga bata.   Kaya lang parang nakakasawa na din at palagi naman natin itong nakakain sa bahay at sa mga fastfood resto.   Syempre komo espesyal ang Noche Buena ng pasko marapat siguro na kakaiba at espesyal talaga ang mga pagkaing ating ihahanda para sa mga mahal natin sa buhay.

Bakit hindi nyo subukan itong Macaroni Bacon & Cheese Overload?   Tiyak kong magugustuhan ito ng mga bagets at maging ang mga young at hearts.    Simple at madali lang gawin ito.   Bukod pa sa iilan din lang ang mga sangkap.

Try nyo din po.


MACARONI BACON & CHEESE OVERLOAD

Mga Sangkap:
500 grams Pene or Macaroni Pasta (cooked according to package directions)
1 utility pack (200g) Del Monte Cheese Magic Sauce
1 (400g) Clara Ole Three Cheese Pasta Sauce
500 grams Smokey Bacon (cut into small pieces)
2 cups Grated Cheese
3 tbsp. Olive Oil
5 head Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang pene or macaroni pasta according to package directions.  Hayaan muna na ilang sandali sa pinaglutuin at saka i-drain.
2.   Sa isang kawali i-prito ang bacon sa olive oil hanggang sa medyo matusta.   Kuhain yung kalhati ng bacon para pang-toppings.
3.   Igilid lang ang bacon at saka igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Ilagay na ang three cheese pasta sauce at timplahan ng asin at paminta.   Hayaang medyo kumulo.
5.   Sunod na ilagay ang 1 cup na grated cheese.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay na ang nilutong pasta at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang bacon, 1 cup na grated cheese at ang Del Monte Cheese Magic Sauce.

Ihain habang mainit pa na may kasamang toasted garlic bread.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE