BRAISED PORKCHOPS in BARBEQUE SAUCE


Saan ang date nyo bukas Valentines Day?    Makikisabay ba kayo sa dagsa ng tao na mag-se-celebrate nito bukas?   Well, minsan din lang naman ito sa isang taon kaya maki-join na din.   hehehe.

Yun lang medyo magastos kung lalabas pa at kakain sa labas.   Why not celebrate it at home at magluto na lang para sa inyong minamahal.   Hehehehe.   Tipid pa.  Why not ipagluto nyo na lang ng espesyal na ulam at tiyak na magugustuhan niya.

At ito ang pede nyong ihanada.   Braised Porkchops in Barbeque Sauce.   Madali lang itong lutuin at ilan lang ang mga sangkap na gagamitin.

Pero sabagay, kahit tuyo man ang inihanda mo sa iyong mahal basta't naroon ang pagmamahal, mararamdaman at mararamdaman namn niya ito.   Happy Love day sa lahat!!!


BRAISED PORKCHOPS in BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Skinless Porkchops
1 pouch Del Monte Barbeque Marinade

















5 cloves Minced Garlic

1 pc. Onion Chopped

Salt and pepper to taste



Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang porkchop sa Del Monte Barbeque Marinade, bawang at sibuyas ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.   Isalang ito sa isang heavy bottom na kaserola at timplahan ng kaunting asin at paminta.   Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy.
3.   Hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped spring onions sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!




Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE