FRUIT SALAD with NATA DE COCO and BLACK GRAPES


Nitong nakaraang Christmas Holiday, pareho kami ng aking asawa na nakatanggap ng Grocery baskets mula sa aming mga employer.   May mga laman itong pasta noodles, spaghetti sauces, fruit cocktail, cheese, etc. na pangkaraniwang inihahanda nating mga Pilipino sa Noche Buena.

Nitong nakaraan kong pag-go-grocery, nakita ko itong naka-pack na green at black grapes sa naka-sale.   Naisip ko bigla na bakit hindi ako bumili nito at ihalo ko sa fruit cocktail na nasa bahay?   Tamang-tama dahil kaka-anniversay lang naming mag-asawa at panay hanap din ng aking mga anak ng dessert pag natatapos silang kumain.

Kaya eto isang masarap na fruit salad na nilahukan ko din nata de coco.


FRUIT SALAD with NATA DE COCO and BLACK GRAPES

Mga Sangkap:
1 can Fruit Cocktail (i-drain yung syrup)
1 bottle Nata De Coco
300 grams Seedless Black and Green Grapes
1 tetra brick Alaska Crema
1 small can Condensed Milk

Paraan para gawin:
1.   I-drain ang syrup ng fruit cocktail at isalin sa isang bowl.
2.   Ihalo na din ang grapes, nata de coco, condensed milk at all purpose cream.   Haluin mabuti
3.   I-chill muna sa fridge bago ihain

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE