MY TATANG VILL'S 73rd BIRTHDAY CELEBRATION

Last Monday February 2, 2015, ipinagdiwang ng aking Tatang Villamor ang kanyang 73rd birthday sa aming tahanan sa Bocaue Bulacan.   Nag-handa ng kaunting salo-salo ang aking mga kapatid na sina Ate Mary Ann at Shirley para sa aming mga kapamilya at mga kaibigan.



Maramaing inihandang pagkain ang aking mga kapatid.  May Kare-kare...Roasted Porkloin with White Mushroom Sauce..Inihaw na tilapia....Fried Chicken.. Pancit Palabok...Spaghetti at masarap na Lechon.   Mayroon ding Halayang Ube, Bibingkang Casava, cup cakes at Pakwan para naman sa dessert.

Ako naman ay nag-halfday sa aking trabaho para makisaya sa birthday ng aking Tatang.   Bumili na lang ako ng cake sa Red Ribbon para gift naming pamilya.

Syempre hindi mawawala ang aking mga tiya sa birthday ng kanilang nag-iisang kapatid na lalaki.   Maaga pa lang ay nandun na talaga sila.

Ito po yung Roasted Porkloin with White Mushroom Sauce.

Ang masarap na Kare-kare

Crispy Fried Chicken na paborito ng aking mga anak.

Syempre ang best seller ng aking Ate Mary Ann ang Pancit Palabok na napakasarap talaga.


Bukod sa aming pamilya, dumating din ang malalapit ng kaibigan ng aming pamilya at ang mga ka-klase ng aking Tatang noong elementary days pa nila.

Nakakatuwa dahil hindi pa rin sila nakakalimot sa kaarawan ng aking Tatang Vill.


Bakas sa mukha ng aking tatang Vill ang kasiyahan sa kanyang espesyal na araw na ito.

Dalangin ko na sana ay bigyan pa siya ng marami pang kaarawan at magandang kalusugan para makasama pa namin siya ng matagal.

Amen!

Comments

belated happy birthday po

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE