Posts

Showing posts from May, 2015

MEATBALLS in SPAGHETTI SAUCE

Image
Nitong nakaraang mga araw, gumawa ako ng pork embotido para pang-ulam namin sa bahay.   1 kilo na giniling ang aking ginamit na hinaluan ko pa ng 1 latang luncheon meat at iba pang mga sangkap.   Marami ang kinalabasan ng mixture kaya naisip ko na hatiin ito at ang iba ay gawing lumpiang shanghai o kaya naman ay dumplings.   Naisip ko din na pwede din itong gawing bola-bola o kaya naman ay simpleng torta. Sa bola-bola nauwi ang ginawa.   At sa halip na sweet and sour sauce, spaghetti sauce na may flavor ng basil at oregano ang aking inilagay.   Masarap siya.   Ang mainam sa dish na ito, pwede itong ipang-ulam nang ganito o kaya naman ay ihalo sa pasta.   Try nyo din po. MEATBALLS in SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: About 1/2 kilo Embotido Mix (pwede po nyong gamitin ang recipe sa link na ito:   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/08/pork-embotido.html) 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onio...

SUMMER ESCAPADE 2015

Image
Last May 23 and 24, nagkaroon kami ng aking mga kasamahan sa trabaho ng summer outing sa Borawan Island Resort sa Pabilao, Quezon. Medyo may kalayuan ang lugar na yun kaya naman alas-5 pa lang ng umaga ay umalis na kami ng Manila.   Sa may bandang Lucena na lang kami kumain ng almusal at pagkatapos noon ay tumuloy na ulit kami sa paglalakbay. Bandang 11 na nang tanghali kami nakarating sa pantalan papunta sa aming destinasyon.   Ang problema, marami na daw tao sa Borawan at baka daw mahirapan kami makahanap ng place para mag-camping.   Kaya ang nangyari sa Dampalitan Island kami dinala ng bangkero na aming sinakyan. Okay din naman ang Damplaitan Island.   Puti din ang buhangin at parang hindi pa talaga na-e-explore ang lugar na yun. Agad kaming nag-handa para sa aming tanghalian dahil mag-a-alas-dose na noon.   Nagluto kami ng sinaing at nag-ihaw kami ng liempo.   Mayroon ding lechong manok na nabili naman na...

PAKSIW na LECHONG MANOK

Image
Last Saturday May 23, 2015, nagkaroon ng summer outing ang departamento na aking pinapasukan.   Bale 2 araw o overnight ang outing na yun at kailangan naming umalis ng madaling araw dahil may kalayuan ang lugar. Komo ako nga ang nagpe-prepare ng pagkain ng aking pamilya, ini-ready ko na din ang mga ulam na kanilang kakainin sa loob ng 2 araw na yun.   Ibinilin ko na sa aking asawa ang mga ito at bahala na sila sa pagluluto. Ang isa sa mga iuulam nila ay itong roasted chicken na minarinade ko sa katas ng lemon, toyo at worcestershire sauce.   Madali lang naman lutuin ito.   Isalang lang sa turbo broiler at ayos na. pagdating ko kina-Lingguhan, laking pagtataka ko nang makita ko sa loob ng fridge ang kalhati ng roasted chicken na ito at pansin ko na hindi naluto ang loob na parte ng laman ng manok.   Hindi naman ito frozen pero yun nga ang ipinagtataka ko. Kaya ang ginawa ko ay niluto ko ulit ito pero ipinaksiw ko na.  ...

PORK SALPICAO

Image
Ang Salpicao ay isang dish na pangkaraniwan ay beef o baka ang ginagamit.    Yung pinakamalambot na karne ng baka ang tamang ginagamit dito.   Pero alam naman natin na medyo may kamahalan ang beef tenderloin kaya dun sa mga medyo naba-budget pwede na din itong karne ng baboy.   The best sa pork version ng salpicao ay yung pork steak cut o yung marble cut na tinatawag.   Ang mainam kasi dito, may kaunting layer ng taba ito na tamang-tama sa ganitong luto.   Also, mas maraming bawang ay mas mainam. Simpleng-simple lang talaga lutuin itong dish na ito, pero masarap at ang sosyal ng dating di ba?    Try nyo din po. PORK SALPICAO Mga Sangkap: 1 kilo Marble Cut Pork (yung cut ng baboy na parang marble ang itsura) 1 can Whole Button Mushroom (hiwain sa dalawa) 2 head Minced Garlic 3 tbsp. Worcestershire Sauce 3 tbsp. Liquid Seasoning 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper Salt to taste 1/2...

DANGGIT, PUSIT at SCRAMBLED EGG

Image
Nitong nakaraang Mother's Day, inilaan ko talaga ang espesyal na araw na yun na maging espesyal para sa ina ng aking mga anak na si Jolly.   Gabi pa lang bago ang espesyal na araw ay sinorpresa ko na siya ng isang dosenang pulang rosas.   At kinaumagahan naman ay ipinagluto ko siya ng espesyal na almusal. Simpleng almusal lang naman ang aking inihanda.   Pritong pusit na nabili namin sa Pangasinan, danggit at scrambled egg na may kamatis.   Sinamahan ko na din ng fried rice at mainit na kapeng barako.   Natuwa at nasiyahan din naman ang aking asawa. Truly, kahit simpleng pagkain lang ang ating inihahanda pero kung puno naman ito ng pagmamahal habang niluluto natin, lumalabas na napakasarap nito kahit pangkaraniwan lang. Isang masarap na gahan po sa inyong lahat....

MY SISTER SHIRLEY'S BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Saturday May 16, umuwi kami ng aking pamilya sa amin sa Bulacan para makisaya sa kaarawan ng aking bunsong kapatid na si Shirley.   Sa aming pamilya, kahit medyo mahirap ang buhay, iniraraos pa rin namin ang aming mga kaarawan na may handa kahit na papaano. Wala naman masyadong bisita.   Ang mga malalapit lang naman na mga kamag-anak ang pumunta.   Kami siguro ang angkan na wag lang makale ay may kainan na.   Hehehehe. Ang mga pagkaing inihanda niya ay ang mga sumusunod:     Itong masarap na pork caldereta.... Meron din nitong mixed vegetavles with quail eggs. Ang masarap at crispy na crispy na fried chicken. Itong fish fillet na hindi ko naman natikman kung anong sauce ang inilagay. Pancit Canton at bihon na may sahog pang tenga ng daga.   Yummy! At mayroon din nitong sinampalukang manok. For the dessert:  Meron nitong Bibingkang Malagkit at Mango Crepe.   May nagda...

PINAKBET con BAGNET

Image
Specialty dish ng mga taga-Ilocos itong Pinakbet at Bagnet.    May mga nabasa at napanood na din ako kung papaano nila ito niluluto at pinapasarap.   Sa programang Umagang kay Ganda nga na feature pa nila na pinagsama ang dalawang dish na ito.   Dun ko naisipan na gayahin ito at ito na nga ang kinalabasan.   Yun lang nang-i-serve ko ito sa aking mga anak, natira sa plato ang mga gulay.   Hehehehehe. Para sa bagnet o lechon kawali narito ang link ng recipe:    http://mgalutonidennis.blogspot.com/2015/01/lechon-kawali-my-best.html PINAKBET con BAGNET Mga Sangkap: 1/2 kilo Lechon Kawali o Bagnet (cut into cubes) Halo-halong Gulay (kalabasa, sitaw, talong, okra, ampalaya, etc.) 1 cup Bagoong Alamang 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunti...

BINAGOONGANG LIEMPO

Image
Bukod sa aligue ng talangka na nabili namin sa Pangasinan, nakabili din kami ng bagoong alamang.    Isang dish din lang ang pumasok sa aking isipan.  Itong Pork Binagoongan. Isa sa mga paborito kong pork dish itong binagoongan.  May ilang version na din ako nito sa archive.   Sa pagluluto nito importante ang quality ng bagoong na gagamitin.  Otherwise, hindi ganun kasarap ang kakalabasan ng inyong binagoongan.   At itong bagoong Pangasinan ang perfect sa lutuing ito. BINAGOONGANG LIEMPO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly o Liempo (piliin yung manipis lang ang taba) 1 cup Bagoong Alamang (ready to eat) 3 pcs. Talong (hiwain ng mga 2 inches ang haba at hatiin sa gitna) 1 can or 2 cups Kakang Gata 1 head MInced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 4 pcs. Siling pang-sigang Salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang ha...

BAKED SALMON in BUTTER and BASIL

Image
Ang isdang pink salmon ang isa sa mga isda na medyo may kamahalan ang presyo.  Imagine, nasa P500 to P700 ang kada kilo nito?   Sabagay, may kasarapan naman talaga ang isdang ito.  Kapag may espesyal na okasyon lang ako nagluluto ng isdang ito.   Espesyal naman kasi talaga ang lasa at syempre ang presyo.   hehehehe.   Kaya nitong nakaraang Mother's Day, ito ang dish na niluto ko para sa aking asawa na si Jolly. Hindi na kailangan pa na gawing komoplikado ang pagluluto sa masarap nang klase na isdang ito.   Kaya ang ginawa ko, niluto ko na lang sa turbo broiler ng pa-bake at nilagyan ko lang ng dried basil at butter.   At eto na nga...isang masarap na ulam para sa ina ng aking 3 anak. BAKED SALMON in BUTTER and BASIL Mga Sangkap: 1 slabs (about 1/2 kilo) Pink Salmon Fillet 1 tsp. Dried Basil 2 slices of Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin, paminta at d...

ALIGUE PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto para sa almusal namin nitong nakaraang Mother's Day.   Aligue Pasta.   Yung aligue na ginamit ko dito ay yung nabili pa namin sa Pangasinan nung last na punta namin.   Nung binili ng asawa ko ang aligue na ito sa pasta ko agad naisip na ilahok ito.   At eto na nga.   Para sa espesyal na babae sa aking buhay, isang espesyal na pasta dish. ALIGUE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 2 cups Bottled Aligue 1 tsp. Dried Basil 2 cups Grated Cheese 3 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (chopped) 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Cooking Oil  Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.   I-drain at kumuka ng mga 2 tasang sabaw na pinaglagaan ng pasta. 2.   Sa isang kawali, i-prito muna ang binating itlog.  ...

MOMMY'S DAY OUT 2015

Image
Last Sunday May 11, ang lahat kasama na kami ay nagdiwang ng Mother's Day.   Hindi pwedeng hindi ito i-celebrate dahil alam nating importante at mahal natin ang ating mga ina.  Sa labing-pitong taon ng pagsasama namin ng aking asawang si Jolly, hindi siya nawawalan ng bulaklak sa espesyal na raw na ito.   Ito'y bilang pagpupugay na din sa ina ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton.  Sa almusal pa lang nagluto ako ng aligue pasta para sa aking mahal.   May nabili kasi kaming aligue in a bottle nung pumunta kami ng Pangasinan.  Tamang-tama kako na isahog ko yun sa pasta. Pagkatapos nun ay tumuloy naman kami para mag-simba at magpasalamat sa magandang araw na yun.    At pagkatapos naman nun ay tumuloy kami sa Watami Japanese Restauran para sa aming lunch.   Chinese resto ang unang suggestion ko sa kanila pero umayaw sila.   Kaya para maiba naman dito sa Watami nga kami natuloy.  Panga...

HAPPY MOTHER'S po sa LAHAT ng mga INA

Image
Happy Mother's Dday po sa lahat ng mga Ina lalong-lalo na sa ina ng aking mga anak na si Mommy Jolly.   Ganun din sa aking namayapang Inang Lina at sa aking biyenan na si Inay Elo. At sa lahat ng mga ina na patuloy na nagmamahal at nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak at pamilya. Mabuhay po kayo!!!!

KARE-KARENG MANOK

Image
Nitong huling pag-a-outing namin sa Pangasinan, bumili ang aking asawang si Jolly ng bagoong alamang bilang pasalubong at para pang-gamit na din sa bahay.   Masarap talaga ang bagoong sa kanila kaya naisipan kong magluto ng kare-kare na tamang-tamang  katerno ng bagoong. But this time manok ang laman na aking ginamit.   Medyo may kamahalan kasi ang baka at hindi naman mahilig ang aking mga anak sa lamang loob ng baka o baboy.   Also, instant kare-kare mix lang ang ginamit ko pero dinagdagan ko pa ng peanut butter for extra creaminess.   At viola!  isa na namang masarap na ulam ang aming pinagsaluhan. KARE-KARENG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 sachet Kare-kare Mix 2 tbsp. Peanut Butter Pechay Talong Sitaw Puso ng saging 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na karerola, igis...

CHINESE STYLE PORK ASADO

Image
Ang Chinese Pork Asado ay pa din lang pork hamonado o pork humba nating mga Filipino.   Ang pagkakaiba lang nito ay mayroon itong star anise at sesame oil.   Ang mainam pa sa dish na ito, pwede mo din itong himayin at gawing palaman sa asado siopao.   Kailangan lang na palambutin pa ito ng maigi para madaling himayin. Sa dish na ito hindi kailangan na malambot na malambot ang pagkaluto para hindi ito madurog kapag ini-slice na.   Kailangan lang manipis ang pagka-slice para madali itong kainin. Masarap ang dish na ito.   Tamang-tama sa mga espesyal na okasyon kagaya nitong nalalapit na Mother's Day. CHINESE STYLE PORK ASADO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into logs) 3 pcs. Star Anise 2 cups Pineapple Juice 1 cup Soy Sauce 1 cup Brown Sugar 1 head Minced Garlic 1 large Onion (chopped) A bunch of Chinese Pechay or Bok Choi Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil 1 tbsp. Cornstarch 1 cup Shitake Mush...

CALAMARES with BARBEQUE SAUCE

Image
Masarap talaga ang calamares o crispy pusit.   Di lang ito masarap na pulutan o appetizer, masarap din itong pang-ulam.   Yung iba pa nga ginagawa itong meryenda sa hapon kasama ang masarap na palamig.   Hehehehe. Pangkaraniwang ginagamit na sawsawan dito ay suka na may bawang at sili.   Pero na ty nyo na ba na barbeque sauce naman ang gamitin dito.   Sinubukan kong gawin ito nung minsang nagluto ako ng calamares sa Batangas.    Dahil pang-ulam ito barbeque sauce nga ang aking ginawang sawsawan.   At okay naman, masarap pa rin ang paborito nating calamares. CALAMARES with BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Squid Rings 2 cups All Purpose Flour 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying For the Barbeque Sauce: 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque marinade 5 cloves Minced Garlic 1 small White Onion (chopped) 1/2 cup Brown Sugar 1/2 Cup...

PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY

Image
Nitong huling kain namin sa Jollibee, burger steak ang in-order ng pangalawa kong anak na si James.   Ito yung bago nila na big burger steak.   Compare dun sa dating burger steak nila mas malaki nga ang patty nito.   I think ito din yung nilalagay nila sa Champ Burger nila. Kaso, nung matapos siyang maka-kain, parang malungkot at bitin ang bata.   Hehehehe.   Ang sinabi ko na lang, "sige anak, gagawa ako ng burger steak sa bahay".    At ito na nga ang aking ginawa. Pero sa halip na beef, pork ang aking ginamit.  Medyo may kamahalan din kasi kapag baka ang gagamitin.   Pwede din naman na ground chicken.  Try nyo din po. PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Ground Lean Pork 2 pcs. Large White Onion (finely chopped) 2 tbsp. Worcestershire Sauce 5 slices of White or Loaf Bread (cut into small pieces) 3 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 cup All Purpose Flour Salt and pepper to taste...

FUN FUN FUN @ PANGASINAN 2015

Image
FUN FUN FUN @ PANGASINAN 2015 Yes.  Last Friday May 1, 2015 ay nag-outing kami ng aking pamilya sa probinsya ng Pangasinan.   Actually, biglaan lang din ang pag-pa-plano.   Dapat ay magsisimba lang kami sa Our Lady of the Holy Rosary ng Manaoag.   Pero napagisipan naming bakit hindi kami mag-beach na komo nandun na rin lang kami.   At ganun na nga ang nangyari. It's our first time na makapunta sa simbahan ng Manaoag.   Kaya naman 4am pa lang ng araw na yun ay bumyahe na kami papunta doon dahil may kalayuan din ito sa Manila.   Lubos ang aking kaligayahan at nakarating kami ng maluwalhati sa lugar na yun. Pagkatapos ng misa ay pumunta din kami sa museo ng simbahan at angtulos na din ng kandila sa may bandang likod nito. Bandang 10:00am naman ay tumulak na kami papuntang Hundred Islands sa Alaminos Pangasinan.   nagkaligaw-ligaw pa nga kami dahil kung saan-saan kami napunta na lugar.   Salamat sa...